C h a p t e r 31
"Aleana, you're half a bitch and half an idiot." Iyon lang ang mga salitang kumawala mula sa bibig ni Sari matapos kong isa-isahin ang lahat ng nangyari kahapon. Sa hepa lane, sa police station, hanggang sa maling akala ng tatay ni Hell.
"I know, my fault..." Ani Aleana. Wala na ang atensyon namin sa mga librong kanina lang ay binabasa. Tahimik ang library, bilang lang ang mga mag-aaral na nandito. Kasalukuyan naming sinasamantala ang nalalabing oras ng lunch break.
"Sabihin nating totoo nga, anong gagawin ni Hell?" May multong ngiti sa labi ni Sari nang mabago nito ang takbo ng usapan, bakas pa ang pang-aasar sa titig nito. "Sabihin nating hindi kanya," Ngumuso ako, malinaw sa akin ang sinabi ni Hell tungkol doon.
Bumagsak ang tingin ko sa libro at maingat na inilipat ang pahina nito. "Sinabi niyang sa kanya lang, aakuin niya. Handa siya, kahit na bata o pamilya. Paninindigan," Parang dasal na lang sa hina ang pagkakasabi ko ng mga iyon, impit na sigaw naman ang lumabas sa bibig ni Sari.
"Sampung libo, gusto ka niya." Inilapag niya pa ang kamay sa mesa kaya mabilis akong napatingin sa kanya. "Come to think of this, He can actually use this as a chance to ruin your arrangement. Butas na iyan, Hurricane. Pero ano ang sinabi niya? Aakuin niya dahil kanya, paninindigan." Malinaw iyon sa akin, naiintindihan ko ang puntong ibinabato niya ngunit sa tingin ko ay komplikado.
"Papanindigan niya kasi siya ang kasama ko at dahil ayaw niyang mawasak ang tiwala ng mga magulang ko sa kanya." Pabulong kong wika. "Hindi magandang bahid iyon sa mga imahe ng magulang namin. Kahit ikaw, isipin mong may kinikita akong iba habang siya ay walang pakialam."
Umirap si Sari, marahan naman ang naging pagtango sa akin ni Aleana.
"Bakit ba kasi itinatanggi mo? Malay naman natin, hindi ba? Palagi mong isinasama sina Tita Aeryn, ang pamilya. Pagtuunan mo nga ng pansin iyong kayong dalawa lang," Iritado na ito, napangiwi ako at nagbuntong hininga na lang.
"Malay lang natin. Wala pang kasiguraduhan at paano nga kung tama si Hurricane, iniisip lang ni Hell ang kapakanan ng pamilya nila? Binibigyan mo lang siya ng maling pag-asa," Ipinahinga ni Aleana ang likod sa sandalan ng upuan matapos niyang wikain iyon.
"Nakakainis kayo, itigil na nga lang natin ito." Sari gave up in the end, she know she can't win against two opponents.
Natapos na ang usapan namin tungkol doon at napunta sa kung paano ko napuruhan ang manyak na lalaki. Aleana knows how to hold a bow, how to attack. Sari mastered fencing on the other hand. It's actually a practice for self-defense, their ways just need weapons. I'm sick to that perception, just for once, let the ladies stand for themselves too.
"Delikado pa rin ang nangyari, anong sabi ni Tita Aeryn?" Tanong ni Aleana habang nasa kalagitnaan na kami ng hallway. Malapit na ang oras unang subject.
"Hindi pa tumatawag," Hindi mag-aatubili si Tito Paul na banggitin iyon sa kanya. "Sana lang ay hindi niya nabanggit iyong PT," Wika ko pa. Hindi ko alam kung anong tumatakbo sa isip ni Mommy, she might end up thinking about the worst conclusion.
"Since you've mentioned it, paano nga kung iba na ang nakarating sa Mommy mo?" Sari asked, Aleana nodded too. "Dahil sinabi na ni Hell na paninindigan niya, kung sakali, do you think she'll be happy?"
"She knows Hell will never do that, he won't touch me." I'm certain of that, Mommy trust him so much. He won't fail her, she won't be failed. "But to understand your point, I know she won't be happy. Kung malalaman niyang nagdududa si Tito Paul dahil sinabi ng anak niyang hindi niya ako nagalaw, magagalit pa iyon. Sa akin, kay Hell, sa aming lahat..." She will definitely pour the anger of the world on us.
BINABASA MO ANG
Forever Agape [FS#1]
RomanceForever Series 1/4 Hurricane, a 17 year-old lady from a prominent family in the field of business was arranged in a marriage with Hell. No, I am not exaggerating it, his name is Hell. A nerve-wracking man, whose heart is nowhere to be found. Eventua...