Chapter 12

1.8K 60 0
                                    

12th Chapter


"Er, b-bakit mo ako pinatawag, Dreyson?" sa pananalita ko, parang utus-utusan nya lang ako sa istoryang ito, e.

=________=

"Sit," sabay kapa sa damuhan.

Tingnan nyo 'to oh. Tinatrato nya ako na parang isang aso dito. Ano ako? Si Brownie, si Whitey? Uggghh!!!

At dahil wala akong nagawa. Naupo ako sa katabi nyang damo. Bermuda ito dito sa garden namin pero hindi sya masyadong makati. Alagang-alaga kaya ito ni Mang H.

"The deal—"

"Alam ko, alam ko. Di ko pa yun nakakalimutan okay? Make me fall for you? Asus, kayang-kaya ko iyan may steps kasi ako—" napagasp ako at tinakpan agad ang bunganga kong napakadaldal.

Uh-oh, mukhang may nasabi akong hindi dapat sabihin. Kahit paano, parte din sa stpes ang sabihin sa kanya ang katotohanan sa huli. Sana pala di na lang ako nagsalita!! Ang malas ko talaga! >_______<

Tinignan nya ako ng sobrang seryoso. Ang mga mata nya ay nakadiretso lang sa mga mata ko, kaya napako na ako dun. Parang may tinatanong sya sa akin using his glares and stares.

"B-Bakit?"

"Steps? What do you mean?" Yung boses nya parang hinihypnotise nya ako.

Pati puso ko nakikiramay na rin sa hypnotismong ginagawa nya sa akin. Nakakainis, bakit ang ganda at ang lamig ng boses nya. Maninigas ka talaga dahil sa sobrang lamig.

"Um.. sabi mo kasi, paiinlovin kita. So, gumawa ako ng paraan para ano.. oo ganun nga," utal-utal kong sambit pero halatang hindi sya naniniwala sa akin.

Di bale na nga. Kung ano man ang sabihin nya sa akin ngayon. Wala na akong pakialam dun!! Basta gagawin ko yung steps na pinaghirapan ni Frost gawin.

"Nevermind," sabay pikit ng mata. Matutulog na naman ata sya ulit at di na naman nya ako papansinin.

Baka naman ito na yung pagkakataon ko para gawin ang steps ni Frost. How to Make this Bad boy Fall For Me. *evil grin*

Lumapit ako sa kanya ng konti at tinitigan sya sa mga mata nyang nakapikit. Ang iitim talaga ng pilikmata nya no? Parang nag-eeyeliner lang. Effortless, di gaya ko na nag-eeyeliner talaga para lang hindi magmukhang walang eyelashes.

"D-Dreyson," mahina kong sambit.

o_~

Binuksan nya yung isa nyang mata para mahagilap ang pagmumukha ko na nakatingin lang sa kanya. Oh my goshiess!!! Ang gwapo-gwapo nya!! Kaso kapag naaalala ko yung kasupladuhan nya, nawawalan ako ng ganang hangaan siya =_______=

"What?"

"Asan mga magulang mo?" Diretso kong tanong at nakatitig pa rin sa mga mata nya.

Binaling nya ang tingin nya sa ibang direksyon. Hala, di ba ako kaaaya-ayang tingnan? Pangit ba ako?

"States," tipid nyang sagot.

Aaahh! Okay. States.

"May kapatid ka ba?"

"Meron."

Ah okay. Meron.

=________=

Ako lang ba 'to o sadyang isang sagot, isang tanong lang ang ginagawa namin dito? -.-

"Haaayy, ang tino mo ring kausap e. Magkwento ka naman minsan, ano ba yan!" Sabay higa sa damuhan habang nakataas ang dalawa kong kamay.

Magkatabi kaming nakahiga ngayon. Nakatingin lang sya sa mga ulap na magaganda at ako naman dun sa ulap na may bunny ang porma.

Make The Bad Boy Fall For You | CompleteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon