Chapter 05

2.2K 77 0
                                    

5th Chapter

Canteen...

"Ano kamo?" napatayo siya at hinampas ng dalawang kamay ang table dahilan upang makuha niya ang atensyon ng iba.

"Ssh. Tumahimik ka nga, nakakahiya oh! Tinititigan nila tayo," sabay nguso dun sa mga ibang studyanteng nagrerecess.

Bumuntong sya bago naupo ulit. Mabuti naman at kumalma na ang loka na ito.

"Ay, pasensya. Nashock lang naman ako, Key."

It's like the news about Dylan and Megan's break up. Unbelievable! Hindi ko nga rin alam kung ano ang pumasok sa isipan ko at sumang-ayon ako sa deal nang bad boy na yun. Nakakainis! Sabi ko na nga ba, lahat ng tao nadadala sa bugso ng damdamin.

I told Frost the whole story. Nagpumilit kasi, tanong nang tanong kung ano ang pinag-usapan namin ni Dreyson nung nasa labas kami ng cafe. Well, she saw us hugging, pero hindi yun hug as in H-U-G okay? Hug yun na may dalang hila.

"Oo alam ko. Hindi nga rin ako makapaniwala sa ginawa ko, e," kumain ako ng fries.

"Hays! So ano nang gagawin mo?"

"Ano pa ba? Edi sabayan ang trip nya." I sipped my frappe.

"Weh? Di nga? Talaga lang ha? I didn't know that you're interested in bad boys, Key," she scoffed.

"Hindi ako interesado kay Dreyson. The situation is interesting kung papatulan ko ang kahibangan nya," inis ko. Bwiset na Frost ito.

"Okay, okay, chill, besh, nag-aapoy na naman iyang tenga mo," tawa niya pa.

Ikaw kaya ang may kasalanan nito.

"So, what's your plan?"

Napatigil ako sa kanyang tanong. Wala nga pala akong plano. Nasabi ko lang yun dahil sa bugso ng damdamin, dala na rin siguro nang sobrang sakit.

"W-Wala."

Tinitigan nya ako na parang bang pinag-aaralan nya ang bawat ekspresyon sa aking mukha.

"Seryoso ka ba? Pinasok mo yan, ni wala ka man lang dalang armas. Hindi yan pwede, how could you make a bad boy fall for you?"

"I don't know. Just go with the flow?" I shrugged.

Hindi naman sya big deal sa akin. Ang gusto ko lang naman ay bumalik ako sa dati kong composure. Alam ko na hindi ako kayang mahalin ni Dylan kasi mahal na mahal nya si Megan. Umabot na nga sa point na nagagalit na ako sa kanya pero the more you hate, the more you love naman, diba?

I just want to remove the pain and move on.

"Ah, I know!" Frost snapped her fingers dahilan nang pagkalaglag ng fries ko.

"Frost naman, wag mo nga akong bingihin. Pwede namang magsalita ng dahan-dahan," inis kong sambit at pinulot ang nakakalat na french fries sa mesa.

"Sorry, Key. May plano kasi ako," she grinned.

Sinamaan ko sya ng tingin. Alam nyo kasi, pag si Frost may plano, hindi yun effective dahil puro kalokohan lang ang alam.

"Plano ka dyan. Oy, wag mo akong idadamay. Yoko niyan!"

Akala ko magagalit at magproprotesta sya sa sinabi ko pero hindi. Yumuko sya saka nagpaawa sa akin.

"Okay lang. Alam ko naman na hindi mo talaga ako gusto, Key. Napipilitan ka lang makisama sa akin kasi ang cute-cute ko. Pero mahal kita kahit ganyan ka kasungit sa akin," pangongonsensya niya.

Kadiri naman itong si Frost, kung ano-ano ang pinagsasasabi. Inirapan ko sya at ngumiwi.

"Fine, you win. So what's the plan?"

Make The Bad Boy Fall For You | CompleteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon