Chapter 37

1.1K 33 0
                                    

Key's Point of View.

Three weeks after...

Festival Culmination na kung saan gaganapin ang Mr. and Ms. Tourism sa school. Ang gaganda ng participants sa bawat section ng kada year level at ako ang naging floor manager. Hindi ko alam kung ano ang nakain ni Luke at isinama nya ako nung mga nakaraang linggo para sa upcoming events. Both alumni homecoming and culmination at oo, mamayang gabi na gaganapin ang homecoming.

"Guys, please be prepared. Candidate #1, ikaw ang papasok pagkatapos ng intermission na ito."

Hinanap ng mga mata ko si Frost. Nakaupo sya sa pinakaharapan at ang daming tao sa event na ito ngayon. She smiled at me at ganun din ang ginawa ko. Tatlong linggo din simula nang mawala sya at maglasing. Takot na takot si tita Fhyre noon kaya nang makita nya ang reaksyon ng kanyang ina. Nangako sya sa kanyang sarili na hindi na nya uulitin ang ginawa. Isa pa, magkatabi silang dalawa ni Brett ngayon habang nanonood ng culmination.

"Ang sweet nilang panoorin," bulong ko.

Simula noon, naging palangiti na si Frost at tanggap na nyang si Brett ang para sa kanya. Gaya nga ng sabi nila. Mas madaling mahalin ang mga taong mahal ka, kasi mahirap pilitin ang mga taong hindi ka kayang mahalin pabalik.

"Ready na ba ang candidate nyo jan?" tanong ni Luke sa walky-talky ko.

"Oo Luke."

Si Luke ang floor manager sa kabilang side nitong stage. Hindi na sila masyadong nagpa-pansinan ni Frost simula ang insidenteng 'yon. Hindi ko alam kung ano ang nangyari sa kanilang dalawa pero sigurado ako na si Luke ang unang nakahanap kay Frost. Dahil love finds a way.

Pero anong magagawa natin? Sadyang hindi talaga para sa isa't-isa si Luke at Frost. Masaya ako kasi hindi na masasaktan ang bestfriend ko pero bakit ganun, may parte sa akin na nagsasabing ang selfish kong kaibigan. Nasasaktan ako para sa pinsan ko kasi hindi na sya gaya ng dati.

"Thank you for that very amusing intermission number Section C. And now, let's call out, the most precious candidates. Let's start with candidate no. 1!"

Kasabay nun ang malakas na palakpakan ng mga tao. Naghanda silang lahat sa pagpasok ng maganda at gwapong kandidata ng Section D. Ako naman, hindi magkandaugaga sa paghahanap sa kanya.

Hindi na kami nagpapansinan ni Dreyson simula noon. Wala akong problema dun at mas mabuti na ang ganito, mas nakakatakot kapag mas napapalapit pa ako lalo sa lalaking 'yon.

I hate bad boys.

"Ready ka na, Candidate #2?" tanong ko dun sa babae.

"Opo, ate."

Tapos ng magpakilala ang nauna at sumunod naman sa paglabas ang presentante ng Grade 7 Section B.

Pinaghanda ko na ang iba pang kandidata. Alam na nila ang kanilang gagawin dahil pinag-handaan namin ito at pinag-praktisan nung mga nakaraang araw.

"Daisy, ikaw muna bahala. Mag-si-CR muna ako."

"Sige."

Umalis ako at binigay kay Daisy ang listahan ng programme. Kanina pa ako najijinggle, ang representative nga pala namin ay si Megan gaya ng dati.

Walang masyadong tao sa hallway. Mukhang lahat sila andun sa gym nanood at sinusuportahan ang kanya-kanyang pambato. Pumasok ako sa pinakaunang cubicle at umihi. Naghugas ako ng kamay pagkatapos tsaka ko pinunasan ang mukha ko gamit ang maliit kong panyo. Napatingin ako sa harap ng salamin habang inaayos ang aking sarili. Hindi ko na namalayan na ang haggard na pala ng itsura ko. Masyado akong nagconcentrate sa culmination.

Make The Bad Boy Fall For You | CompleteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon