Chapter 44

1.1K 31 3
                                    

Key's Point of View.

"Mukha akong zombie," bulong ko habang nakatingin sa harap ng salamin.

Sinuri ko ang aking mukha at pinisil-pisil ko naman ang eyebags ko. Pumanget tuloy ako lalo, nakakainis. Tss. Anong mukha ang ipapakita ko ngayon sa harap ng classmates ko? Kay Frost? At lalong-lalo na sa walang hiyang 'yon. Hindi ko talaga akalain na nakita ko silang naghahalikan sa likod ng pader. Malay ko ba, sana hindi ko na lang pala nakita upang hindi ako nasaktan.

Pero ganito talaga siguro kapag nagmahal ka ng pasikreto, masasaktan ka rin ng pasikreto.

*tok tok*

"Key, papasok ka ba ngayon?"

Pinagbuksan ko sya ng pintuan. Muntikan na syang tumalon nang makita ang bugbog kong itsura.

"Tingina mo naman, Key. Don't pop up wearing unfinished make-ups," utas nya. "Aray ko!"

Ang sakit kasing magsalita kaya binatukan ko agad. Walangyang pinsan naman ito oh. Akala ko ba kakampi ko sya? Ba't nya ako binubully verbally?!

"Umayos ka, ha. Hindi ito makeup, eyebags ito, Luke! Eyebags," duro ko sa mata.

"Alam ko. Binibiro lang naman kita, gusto lang kitang patawa- oh, bakit? Anong nakain mo?" tanong nya nang bigla ko syang yakapin ng sobrang higpit.

"Wala lang. Salamat kasi ikaw yung nagalit para sa akin," sambit ko.

Nagkamot sya ng ulo. "Para yun lang? Sus, kahit ilang beses ko pang ulitin ayos lang basta't para sa maganda at annoying kong pinsan," ngumisi sya.

"Annoying? Walangya ka talaga," sabay sapak sa kanyang balikat.

Ngumiti sya sa akin. "Sana natauhan ka na."

"Matagal na! Hindi mo na ako papasok ngayon pero magtatrabaho ako mamaya," masaya kong sambit.

Napahawak sya sa kanyang baba. Wala syang isip kaya imposibleng nag-iisip sya. "Kung ganun heto," binigyan nya ako ng pera.

"Para sa'n 'to? Suhol?"

"Ano ka ba. Bayad yan sa akin kahapon tsaka tip nang mga babaeng dinate ko- aray hindi pa nga ako tapos Key," hinampas ko kasi nang hinampas.

Nakuha nya ang perang ito galing sa mga babae nya? Hindi ako makapaniwala. Hindi pa rin sya nagbabago!

"Biro lang, Key. Hahaha, tip nila yan sa akin? Ang laki no?" angas nyang sabi.

"So ano nga ang gagawin ko rito?"

"Magshopping ka. Waldasin mo, magpakasaya ka hanggang sa makalimutan mo ang sakit na nararamdaman mo ngayon. And don't forget to take away your feelings for him! Isama mo na sa pagwaldas," seryoso nyang sabi.

Hindi ako makapagsalita. Hindi ako makapaniwala na ganito pala kung mag-alala si Luke sa akin. Ako ang pinsan nya pero hindi ko man lang 'yun alam. Gusto kong umiyak kaso baka sabihin nyang OA ako masyado.

"T-Thank you, Luke," niyakap ko sya hanggang sa hindi na sya makahinga- de jke. Yakap lang. "You're the best pinsan ever."

"Alam ko alam ko," ngisi nya.

Kahit sa mga ganitong bagay nagagawa nya pa rin maging maangas at hambog. Pinsan ko nga talaga si Luke! Bababa na sana sya nang bigla syang nagtanong.

"Oo nga pala, Key nagtatanong si Yuriko tungkol dun sa scholarship na natanggap mo," sabi nya.

"Tumawag si Yuriko? Kailan pa?"

"Ah, hindi. Nagkita kami noong nakaraang araw, nakalimutan ko lang sabihin sayo kasi busy ako."

Make The Bad Boy Fall For You | CompleteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon