Key's Point of View.
"Sige na, pinsan. Paghandain mo na ang mga candidates jan sa kabila," sabi ni Luke sa walky talkey phone ko.
"Roger." Napatingin ako sa mga babaeng nakabihis na kanina pa. Katatapos lang ng intermission number nang Section A at D kaya ang susunod sa program ay ang talent portion. "Listen guys. Hintayin nating matapos lumakad ang boys, lahat okay? Dapat lahat sila matapos bago lumabas si candidate #1," turo ko sa babae.
"T-Teka, men's first? Akala ko kasi ladies' first," taas kamay na tanong nung isa.
"Hindi na-a-apply sa lugar na ito ang kasabihang 'yan."
Simula nang makilala ko ang isang Flynn, na-realize ko agad na wala talaga ganyang kasabihan pagdating sa mga lalaki.
"Okay, ladies, be ready. Malapit nang ipakilala ang mga lalaki."
"And now, let us all welcome. Ang mga naguguwapuhang candidates in their evening suits!" si emcee.
Nagsitilian ang lahat nang lumabas na sila. Ang gwapooooo. Kahit gusto kong tumili, pinigil ko na lang. Tsaka sila sinita ng mga student council.
"Hindi nila mapipigilan ang mga 'yan," sambit ng isang kandidata sa gilid ko.
Napatingin ako sa kanya. Si candidate #2 pala. "Paano mo nasabi?" tanong ko.
"E, kasi ate kapag ang babae na ang gumawa, hindi mo na sila mapipigilan pa," natatawa nyang sambit. "Gaya nang pag nagsimula na silang magdesisyun ng isang bagay, hindi mo na mababaling ang desisyon nila kahit na ilang beses mo pa gustong baguhin. Ganun tayong mga babae, madalas madaling magbago ang isip sa mga bagay pero pagdating sa isang seryosong usapan, nagiging matigas ang puso natin."
Habang nagpapaliwanag siya, dumidiretso ang tingin at titig niya sa likod ko. Mukhang may tinitignan siyang tao kaya napalingon ako roon.
"Who are you looking at?" I asked.
"Wala, ate," pilit niyang ngiti.
Naisipan kong maupo muna dahil sa pagod. The candidates formed a queue nang tawagin sila ng emcee. Hindi ko maiwasang hindi isipin ang sinabi ni candidate #2.
"Hindi mo na mababaling ang desisyon nila kahit na ilang beses mo pang gustong baguhin."
Binabali nang sakit ang desisyun ng isang puso. Dahilan upang maging manhid at sugatan ito sa huli. Nasusugatan ka na nga, nagiging manhid ka pa rin. Bulag talaga ang pag-ibig. Ginagawa kang tanga. Ginagawa tayong tanga. Ginagawa akong tanga.
"Goodluck, goodluck, goodluck," isa-isa kong sabi sa kanila na pinalitan naman agad ng malambing na ngiti.
Matapos nilang maglakad. Naglakad ulit sila by pair para sa Q and A portion. Nauna syempre si candidate number 1 pero ang nakakuha ng atensyon ko ay ang sagot nang babaeng nakausap ko kanina. Napaka-catchy talaga ng tanong at ng sagot nya.
"Ang iyong nabunot na tanong ay na kay Ms. Frost Johnson. Ms. Johnson, please do the honors," si emcee.
Isa si Frost sa mga judges pati na rin si Brett. Kaya nga sila nasa harapan nakaupo. Hahaha.
"Thank you, Cali. Candidate #2, here's your question," panimula niya. "Did you experience unrequited love? How does it feel?"
Confident nya 'yong sinagot sa harapan ng lahat. "Opo. I did and it felt... painful," sabay tingin sa gilid.
Kanina pa sya tumititig jan sa gilid nya. May kung ano talaga, e. Ako rin, Frost naka-experience na nang ganyan.
"Well, that's not really the question," dagdag niya pa. Mga pakulo talaga ni Johnson. "This is it. What would you like to say to the person who hurted you with unrequited love disease?"
Dahan-dahan nyang nilapat ang kanyang mic sa kanyang bibig. Matagal syang nakapagsalita kaya napatingin ako sa kanya. Dun ko lang napagtanto na umiiyak sya!! Dahil sa gulat ko agad akong humakbang papunta sa kanya para sana sabihan ang emcee na itigil muna saglit. Pero pinigilan ako ni Megan.
"Megan!"
"Makinig muna tayo," seryoso niyang sabi.
Naup na lang ulit ako at kinalma ang aking sarili. Hindi ko alam kung maaawa ako o mapapahiya para sa kanya.
"Even though you hurted me with so much attitude randomness. Gusto ko pa rin 'yon and I find it very cute kasi ikaw ang kauna-unahang lalaki na minahal at ginusto ko. Too bad, it was really really late when I realized na gusto kita and guess what? May nililigawan ka nung time na 'yon, sinagot ka pa kaya naging girlfriend mo sya. Ako pa ang naging tulay nyong dalawa ng bestfriend ko."
Nagulat ako sa reaksyon ni Edmon. Sya ang katabi ni Candice. Paano ko nalaman ang mga pangalan nila? Kasi magaling ako. (May listahan po sya)
"Kaya naman. To the person who hurted me with unrequited love," sabay tingin sa kanyang gilid- kay Edmon. "I love you and I will love you more until it hurts no more. Thank you." Pilit nyang ngiti.
Nabitawan ko ng hindi sinasadya ang hawak kong listahan para pumalakpak. Nakakabilib ang tapang nya. Nagawa nyang umamin sa harap ng madla at sa harap ng taong gusto nya. Ako kaya kailan ko ba magagawa? Sasali rin ako ng pageant tsaka magcconfess. Hahaha imposible, hindi ko gusto ang pageants. Mas mabuti ng nasa likod ako at hindi nakikita ng mga tao.
"Are you satisfied, Ms. Johnson?" si emcee.
"Very well said. Thank you, Ms. Candice," nakangiti nyang sabi.
Nagsibalikan na ang mga candidates. Pagkatapos nun nakita ko si Candice na nagCR saglit. Pero hindi naman talaga siguro.
"Unrequited. Nakakatawa," bulong ko.
Kasi ganun din ako.
Mamahalin mo pa rin ba talaga ang taong hindi kayang suklian ang 'yong pagmamahal na binibigay? Iba si Candice, matapang sya.
Nakabalik ako sa reyalidad ng biglang tanungin nang emcee si Megan. Random kasi ang pagbunot kung sino ang sasagot. Hindi gaya kanina.
"At ang tanong mo ay na kay Mr. Brett Sullivan. Mr. Sullivan?"
"This is tagalog so you could answer me on either English or Filipino," sabi niya. "Anong pipiliin mo? Mahal mo o mahal ka at bakit?"
Hinintay ko ang sagot ni Megan. Alam kong mahal nya ang kanyang pipiliin dahil ganun ang ginawa nya kay Dylan noon.
"Salamat sa tanong Brett. Kung papipiliin ako between 'the one I love' or 'the one who loves me'. Pipiliin ko po ang taong mahal ako."
Halos masamid ako sa sarili kong laway dahil sa sagot nya. Totoo ba itong naririnig ko? Baka sira na talaga ang ulo niya.
"Bakit? Because it is easy to fall in love with the person who truly loves you and treats you special than a person who can't even noticed or love you back. Madaling mafall in love, kaya may chance na magkagusto ka pa sa kanya. Pero mahirap mahalin ang taong ayaw magpamahal," sabay balik ng mic sa emcee.
Nagpalakpakan sila sa sagot nya. Mukhang seryoso si Megan sa kanyang sinagot. Kung ako kaya? Sa totoo lang mas pipiliin ko talaga ang taong mahal ko. Kasi sa kanya ako masaya.
"Masaya nga ba?" bulong ko.
Napatingin ako sa magkatabing si Frost at Brett. Nakatingin si Brett kay Peter habang sinasagot ang tanong sa kanya. Si Frost naman, sa malayo nakatingin. Sa kabilang banda nitong stage.
Nakatingin sya kay Luke na nakatingin rin sa kanya.
Si Frost! Si Frost ang good example ng sagot ni Megan. Mas pinili ni Frost ang taong nagmamahal sa kanya, si Brett. Kesa sa pinsan kong walang ibang ginawa kundi ang pahirapan ang aking matalik na kaibigan. Masaya ako kasi hindi magkakatuluyan si Frost at Luke pero may kirot din akong nararamdaman sa t'wing nakikita ko silang nalulungkot.
Isang beses kong nakita si Luke na hindi pumatol sa babae. Nawawala na ang pagka-playboy nya simula nang nag-aral sya rito sa school ko.
Napapikit ako habang iniisip ang iba't-ibang bagay. Wala namang nagmamahal sa akin. I would rather stay in between than to choose between two persons. Alam kong mahirap maipit sa ganung sitwasyon, pero sa bandang huli kailangan mo talagang mamili ng isa.
Mahal ko o mahal ako?
----
BINABASA MO ANG
Make The Bad Boy Fall For You | Complete
Fiksi Remaja[Bad Boy Series #1] Operation: Make the Bad Boy Fall For You Minami Keeyah Fletcher has always been in love with the campus heartthrob Dylan Shapero. Knowing na may girlfriend na ito - si Megan, hindi pa rin mawala ang kanyang nararamdaman para sa...