11th Chapter
O////////////O — ganito pa rin ako hanggang ngayon.
Di talaga mawala-wala sa isipan ko ang sinabi nya sa akin sa clinic. No way, hallway. Di ako makakapayag. Bakit nararamdaman ko na yung mabilisang pagtibok ng puso ko para kay Dylan, nagiging ganun na din sa tuwing may nasasabing hindi maganda si Dreyson sa akin.
"Miss Fletcher? Miss Fletcher?"
Umiling-iling ako dahil sa iniisip ko. Hindi, hindi, infatuation lang ito at mahal ko pa rin si Dylan. Hindi ganun kadaling mawala ang feelings nang isang tao lalo na't umabot ng halos apat na taon ang pagkagusto ko sa kanya. Kaya imposible talaga!!
Kakaalis lang ni Dylan papuntang states kahapon at marami ang magbabago. Well, sabi nga nila diba? 'Distance makes the heart grow cold.' Kaya baka sakaling hindi na ako makilala ni Dylan pag nakabalik na sya dito. O baka nga hindi na nya ako kilalanin dahil sa ginawa ko sa pinakamamahal nyang si Megan Elliana Cuevas.
"MISS MINAMI FLETCHER!" sigaw ni ma'am Duelo sa akin dahilan ng pagkagulo ng isipan ko.
Napatayo ako agad dahil sa gulat at di ko alam kung bakit sya nagagalit sa akin ngayon. Wala naman akong ginagawang masama sa kanya. Di ko naman sinabing boring klase nya ha!
"P-Po?" nakayuko kong tanong sa kanya. "Ano po yun?"
Nakita ko sa buong pagmumukha nya yung inis na may halong galit. Nag-aapoy yung mga pisngi nya at umuusok na sa galit ang dalawa nyang tenga. Halos di ko na mahagilap ang mga mata ni Ma'am Duelo na halos maduling na yung mga mata. Ganyan talaga sya kapag nagagalit sa mga estudyante nya.
"Kung ayaw mong makinig, lumabas ka na lang! Hindi yung makikipaglandian ka pa sa katabi mo!"
Napuno tuloy ng katanungan ang utak kong walang ibang iniisip kundi si Dylan Shapero lang. At anong sinasabi ni ma'am sa akin?? Ako? Nakikipaglandian? Kanino naman.
"H-Ha?"
Dahil sa sinabi ko. Umusok na naman sa pangalawang beses ang tenga ni Ma'am. Nainis ko na naman sya, ano ba kasi yun?
Tinignan ko ang bawat reaksyon ng mga kaklase kong nagpipigil sa tawa ngayon. Di ko alam kung anong pinagtatawanan nila pero ako yun! May ibang nagbubulungan sabay tingin sa aking pagmumukha na walang kaalam-alam sa nangyayari. Pati si Dreyson na natutulog pa rin hanggabg ngayon at walang pake. Ang unfair naman ata nito! Di sya pinapaglitang natutulog sya pero pinapagalitan ako na di nakikinig? Hustisya para sa mga katulad ko please!
"Ano ba kasi yun?" tanong ko sa sarili ko.
Di ko namalayan na may humahawak pala sa mga kamay ko... at hindi ko nagustuhan kung sino kaya napabitaw ako agad. Kadiri, ISA ITO SA MGA LALAKI NI MEGAN!
"H-Hindi po. Nagkakamali po kayo, ma'am," namumula na ako rito na parang kamatis.
Pero pinagtatawanan lang nila ako dahil sa nangyari. Takte naman oh, ano ba kasing nangyari? Bakit nya hawak-hawak kamay ko?
Tinignan ko si Megan na may maraming band-aids sa mukha. Bleeeh! Buti nga, bagay lang iyan sa kanya kasi ang landi-landi niya. At ngayon ay malapad pa rin ang ngisi sa akin sabay irap.
BINABASA MO ANG
Make The Bad Boy Fall For You | Complete
Novela Juvenil[Bad Boy Series #1] Operation: Make the Bad Boy Fall For You Minami Keeyah Fletcher has always been in love with the campus heartthrob Dylan Shapero. Knowing na may girlfriend na ito - si Megan, hindi pa rin mawala ang kanyang nararamdaman para sa...