Chapter 30

1.6K 42 1
                                    

Key's POV.

"Luke! Malalate na tayo nyan, e!" sigaw ko mula sa kusina habang tinatali ang ribbon ko. "Luke!"

"Andyan na. Hinahanap ko lang yung susi ng motor ko."

"Magkotse na lang tayo!"

"Gusto mong mamatay ng maaga?"

Ugh! Kahit kailan talaga hindi ako nananalo kay Luke. Barang-bara ako. Dali-dali akong lumabas ng bahay tsaka ko sinuot ang isang helmet na kulay puti. Sa kanya kasi yung black.

"Luke!"

"Andyan na!" natataranta niyang sagot saka sinarado ang pintuan ng bahay.

Wala si mama ngayon, maaga kasi syang umalis para magtrabaho sa boutique. Isa pa, 7AM ang starting hours nila. Napatingin ako sa aking relo, it's already 6:53AM. Nakita ko si Luke na sinususian ang kanyang motor saka siya nagsuot ng helmet.

"Key, tara na!"

Bwesit! Sya pa yung nagmamadali ngayon, e sya nga itong babagal-bagal kanina.

"Oo na!" umangkas na ako.

Agad niyang pinaharurot ang motor papuntang school. Buti na lang at nakaabot kami sa oras, nasa linya pa ang mga estudyante. Ang bilis kasing magdrive ng lalaking ito, akala mo naman kumakarera sa isang drag race.

"Naku naku malalate na tayo!" natataranta kong sambit.

"Tumahimik ka nga, may limang minuto pa tayo upang pumunta sa line," sabi niya habang nagmamadali sa pagtakbo papuntang classroom.

Bakit ba kasi third floor ang room namin? Grrr! Magpapatayo talaga ako ng elevator dito promise! Pawis na pawis kaming dumating sa loob ng classroom. Agad nilagay ni Luke ang kanyang bag sa kanyang upuan, samantalang ako naiwan sa classroom. Hinahabol ko pa kasi pag hinga ko saka ang liit lang ng oxygen sa aking katawan.

"Hoy, Luke hintay nga!" hingal na hingal ko.

Nilingon nya ako pero hindi sya huminto sa pagtakbo. "Hintayin na lang kita sa line!" sigaw nya.

Bwesit! Hindi nya ako hinintay at nauna na syang bumaba papunta sa line namin. May sanction na naman ako nito, e.

Naglakad na lang ako para hindi na ako hingalin. Malalate na rin naman ako kahit tumakbo pa ako. Tsk, isa pa, andun na si Frost. Psh! Nadaanan ko ang Boys CR tsaka ko napansin na may konting ungol. Oo, ungol ng babae na parang inaano. Dahil na rin siguro sa pinanganak akong chismosa ng aking mga magulang, sumilip ako sa maliit na butas sa may doorknob.

"Aaah. Babe, sige pa!"

A gasp escaped my mouth saka ako natumba dahil na rin siguro sa kaba at takot. Oh my gosh, ang landi talaga ng babaeng iyon. Nakakabwesit! Kung nakikita lang sya ng taong pinakamamahal ko ngayon, papatayin nya talaga yung lalaki.

Tatayo na sana ako nang bigla kong makita ang puting rubber shoes ni Dreyson. Nakatitig lang sya sa akin. Walang kumikibo sa aming dalawa. Hindi sya galit, hindi rin sya masaya, parang wala lang.

"A-Andito ka na pala," pambabasag ko sa katahimikan.

Nakatingin pa rin sya ng diretso sa aking mga mata. Pinagmamasdan ko lang siya na nakapamulsa sa dalawang bulsa. He kneeled so he can touched my chin to meet his eyes.

Dugdug dugdug.

"Ano ba yun?" pagtataray ko.

"Tell me, did something happen between us last night?" seryoso nyang tanong habang seryosong nakatingin sa aking mga mata.

*gulp*

Napalunok laway ako ng ilang beses bago nakasagot. Juskopo, sa tuwing makakausap mo talaga ang isang Dreyson Flynn, kailangan mo pang mag-ipon ng lakas ng loob.

Make The Bad Boy Fall For You | CompleteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon