(Still playing: Ikaw at Ako by TJ Monterde)Ikaw at ako
tayo'y pinagtagpo.
Ikaw at ako..
'di na muling magkakalayo.
Yung feeling na hindi ako makagalaw dito sa kinauupuan ko. Rinig na rinig ko yung mga hiyawan ng mga kaklase ko. Yung mga kaibigan naman namin, todo ang pag push sa 'kin para tanggapin na yung alok na sayaw ni Redden. Pati sila Maidene ay natigilang mag sayaw at napapunta dito sa pwesto namin.
Sa tuwing kasama ka, wala nang kulang pa.
Mahal na mahal kang talaga, tayo ay iisa.
Hinawakan ko na yung kamay niya na nakalahad sa aking harapan, kita ko rin ang malawak niyang pag ngiti nang tanggapin ko na iyon. Mas lalong nag ingay ang aming mga kaklase, lalo na ang mga kaibigan naming panay ang pang aasar. Pumwesto na kami sa gitna. Marahan kong inilagay ang aking kamay sa kanyang balikat, at ang kanya naman ay sa aking baywang.
Nagsimula na kaming sumayaw habang sinasabayan ang tugtog na talaga namang nakadagdag sa kakiligan ko ngayon.
Ikaw at ako
tayo'y pinagtagpo
Ikaw at ako..
'di na muling magkakalayo.
As in kilig na kilig talaga ako ngayon, at siyempre sobrang saya rin. Magkatitigan kami na para bang wala ng ibang tao pa sa paligid namin, na parang walang nanonood sa amin ngayon.
"Ang ganda ah." Paninimula niya na ikinapula ng aking pisngi.
"Sus. Bola ba 'yan?" Natatawa kong tanong, pero sa totoo lang feeling ko pagpapawisan ako sa sobrang ilang ko. Syet.
"Hindi ah. Nagsasabi lang ako ng totoo. Pag sinabi kong pangit ka, 'yun ang 'di totoo." Sabi pa niya. Oxygen please? Bakit parang kainit ata ng dance floor ngayon.
"Ikaw nga diyan eh. Ibang iba sa Redden na nasa classroom lang at nag aaral."
"Ganon kasi talaga ata kapag may ka-M.U." Nakangisi niyang sabi. Susko, buti nalang hawak niya ako sa bewang baka manghina ako dito.
Unos sa buhay natin, 'di ko papansinin.
Takda ng tadhana, ikaw ang aking bituin.
"Ganon? Pero kung maka pang asar ka sa 'kin e." Pairap kong sabi sa kanya. Tinawanan lang ako. Aba't!
"Cali.. sa totoo lang gustong gusto ko talaga na inaasar ka." Aniya. Tinignan ko naman siya ng masama. "Ang cute cute mo kasi kapag naaasar ka. Actually, you always makes me happy Cali.."
Syet. Syet talaga. Para sa 'kin, perfect na 'tong gabing 'to dahil sa mga nangyayari ngayon. Sobra pa sa sobra ang kasiyahan ko maski ganto lang.
Ikaw at ako
tayo'y pinagtagpo
Ikaw at ako..
'di na muling magkakalayo.
"'di ako nagkamaling magkagusto sayo. 'di mo alam kung gaano ako kinabahan nung umamin ako sayo, akala ko i-re-reject mo lang iyon. Dahil alam kong study first ka lang rin, pero ang ikinagulat ko ay nag Thank You ka pa sa akin.." Napatawa siya doon, maski rin ako ng maalala ko yung part na 'yon. "Tinanong kita kung may chance ba ako sayo, sabi mo Oo. First Honor ako sa klase pero hindi ko man lang na gets 'yon. Pfft. Muntanga ako. Pero nung na gets ko na 'yon, 'di mo alam kung gaano ako kasaya.. the feeling is mutual. Damn."
BINABASA MO ANG
Dear Heart, Why Him? (UNDER REVISION)
Genç KurguNote: This is my very first story, pagpasensyahan na kung medyo bata-bata ang simula, sa kalagitnaan medyo okay na. I'm currently revising this story, thank you. Started: May 4, 2017 Ended: November 4, 2017