"Cali.." tinignan niya lang ako. Nagsimula nanamang pumatak ang aking mga luha.
"What's the meaning of this shits, Red?" Umiiyak kong tanong sa kanya, pinipilit ko pa ring maging malakas pero masakit talaga e..
Your BESTFRIEND and Your BOYFRIEND is cheating on you.
"Nakita mo naman na lahat 'diba? Nagtanong ka pa." Malamig niyang sabi. Nagulat ako doon, he was so different. Ibang iba na siya sa Redden na nakilala ko. Naging cold na ang aura niya.
At itong mga peste kong luha ay ayaw magpa-awat, ayaw tumigil.
"P-Paano niyo nagawa sa akin 'to? All this time Red! All this time, may nangyayari na palang ganto! Bullshit Red! Ang lakas ng loob niyo." Umiiyak kong sabi sa kanya. Nanghihina na talaga ako. Nasagi ko pa yung frame na nasa table, napahawak kasi ako doon.
Halos blurred na rin ang paningin dahil sa matinding pag iyak, samantalang siya ay parang wala wala lang. Sobrang nasasaktan ako ngayon.
"Enough Caliyah. We're done." Diretso niyang sabi akin. Ang mga katagang 'yon ay parang kutsilyo na tumagos sa puso ko, sobrang sakit marinig nito galing sa kanya.
Wala na akong magawa kundi ang umiyak nalang ng umiyak. Wala akong lakas ng loob magsalita dahil alam kong talo na ako.
Halo halo ang nararamdaman ko ngayon. Lungkot, galit, pagtataka.
"B-Bakit? Am I not enough? Bakit bestfriend ko pa? Paano niyo nagawa sa akin 'to? Ano bang nagawa ko Red? Please tell me.." Patuloy kong sabi sa kanya.
Magkalapit na kami ngayon. Nasa harapan niya ako, umiiyak. Damn! Wala na ba akong alam gawin kundi ang umiyak?!
"Wala kang nagawa Caliyah, just.." Ni hindi niya kayang tumingin ng diretso sa akin.
"Ipaintindi mo sa akin Red, please.. mababaliw ako kakaisip kung bakit tayo nagkakaganto ngayon. Hindi ko kayo maintindihan." Naguguluhan kong sabi sa kanya.
Gusto kong malaman ang mga dahilan niya, dahil kahit na iwasan ko siya ay patuloy pa rin akong magtatanong sa isip-isipan ko. Lahat ng pangyayari ay may dahilan.
"Simula palang.. si Eumy na talaga. We're grade 7 students nung nagkagusto ako sa kanya, siya lang ang babaeng napapansin ko. First time kong magkaroon ng interest sa isang babae, dahil noon pa man ay pag a-aral lang ang nasa isip ko. First time kong mag break ng rules sa religion namin. Nung nag grade 9 ay nag break kami ng dahil lang rin sa religion ko, doon nagsimulang lokohin tayo sa isa't isa. Nung naging tayo ay parang siya pa rin ang hanap ko, binabaling ko nalang sayo yung atensyon ko dahil ikaw ang girlfriend ko nun. Pero siya talaga e.. she's the first girl Cali.. maybe infatuation lang ang nara--" Hindi na ako nakapagpigil at sinampal na siya nang buong lakas ko.
Damn. Infatuation?!
"Infatuation Red?! Ang sama mo, ang sama sama mo! Ano yung lahat ng pinakita mo sa akin ha? Wala lang lahat ng 'yon? Lahat ng mga pagpapasaya mo sa akin, ganon lang kadaling balewalain lahat ng 'yon? Damn. Mahal na mahal kita Red, tapos ngayon sasabihin mo na infatuation lang ang nararamdaman mo sa akin? Ang daya mo naman e.. sabi mo ako lang ang special someone mo, tapos malalaman kong bestfriend ko pa pala. Sana hindi mo nalang ako niligawan, sana sinunod mo nalang lahat ng rules niyo! Sana hindi ka nalang nagbigay ng motibo sa akin.. I can't understand you Red.." Pumiyok pa yung boses ko sa huli kong sinabi. I can't, sobra sobra na yung bigat na nararamdaman ko.
Binigyan niya ako ng motibo tapos sasabihin niya ngayon sa akin na hindi niya ako mahal at infatuation lang 'yon? Naging pass time lang ba ako? Dahil hindi pa naman pala talaga nawawala yung feelings niya kay Eumy nun pero nagawa niya pa rin akong ligawan at gawing girlfriend!
![](https://img.wattpad.com/cover/107732609-288-k268755.jpg)
BINABASA MO ANG
Dear Heart, Why Him? (UNDER REVISION)
Roman pour AdolescentsNote: This is my very first story, pagpasensyahan na kung medyo bata-bata ang simula, sa kalagitnaan medyo okay na. I'm currently revising this story, thank you. Started: May 4, 2017 Ended: November 4, 2017