Today is my surgery. Umaga palang ngayon, mamayang gabi ito magsisimula. Yes, I'm scared, pero kakayanin ko 'to para kila mama. I will fight for this, kahit na medyo imposible.. gagawin ko pa rin ang lahat hanggang sa kaya ko pa. Ayaw kong nakikita silang nag pa-panic o nag a-alala sa akin.
Alas otso ng umaga nang magising ako. Nakita ko si Red sa couch sa gilid, nakaupo siya doon at natutulog, naka kumot sa kanya yung leather jacket niya, he never leaves me.. sa CR na rin dito siya naliligo, ilang beses palang ata siyang umuwi para kumuha ng mga gamit niya. Pinapagalitan ko na siya pero ayaw niya pa rin makinig sa akin, dito lang daw siya.. wala na akong nagawa pa. Si mama naman ay sa sofa nakahiga at natutulog rin, silang dalawa talaga ang kasama ko lagi. Yung barkada nga ay nagpupumilit pa kagabi na dito na daw sila matutulog, pinigilan ko lang sila dahil hindi sila makakatulog ng maayos dito. Halos oras oras kasi ay may pumupunta ditong nurse para turukan ako ng kung ano para sa surgery ko mamaya, treatment na rin para sa sakit ko.
Dahil wala naman na akong suwero, nag i-stay lang kami dito dahil tuloy pa rin ang treatment ko at dahil na rin sa surgery ko mamayang gabi. Tumayo ako para lapitan si Red, kinuha ko yung monobloc chair at ni-pwesto iyon sa harap ng couch na pinagtutulugan niya. Inilapit ko ang mukha ko sa kanya at pinagmasdan ko ang mukha niya, I'm hearing his soft snores, mahihina lang 'yon at napangiti ako nito.
Hahawakan ko sana ang buhok niya ng bigla niyang hulihin yung kamay ko, minulat niya ang mata niya at hinalikan ang kamay kong nahuli niya. Gising na pala siya.
"Good Morning. I love you." He said while smiling.
I smiled too.
"Good Morning rin. I love you too." Nakangiti ko ring sabi sa kanya.
"Ang ganda namang pang bungad ng umaga nito." Aniya. He's caressing my cheeks.
"Nang bola ka nanaman." Pabiro kong sabi at hinampas pa siya, natawa lang naman siya sa ginawa ko.
"Bangon ka na diyan. You should go home, baka pagalitan ka na ng mama mo niyan." Sabi ko sa kanya at tumayo na, pinasadahan ko ng tingin si mama, hindi pa rin siya nagigising.
"Pinapalayas mo na ako?" Naka pout niyang tanong, naka ayos na siya ng upo ngayon.
"Alexander.. you need to rest too, yung tamang pahinga. Magiging okay lang ako dito, kasama ko naman si mama e. Besides, you can come back here later, basta magpahinga ka muna. Please?" Sabi ko sa kanya.
Hindi ko alam kung pang ilang araw niya na dito, gayong sinabi niya sa akin kahapon na last week pa ako nawalan ng malay, so it means.. last week pa rin akong nandito sa hospital. Ghad. May pasok na sila bukas, hindi siya pwedeng umabsent.
Huminga muna siya ng malalim bago tumayo, nag inat pa ang loko.
"Alright. But I'll promise that I'll come back here later." Aniya at nilapitan na ako para mahalikan sa noo.
"Call me if you need something." Dagdag pa niya bago tuluyang lumabas ng kwarto, ngumiti at tumango lang naman ako sa kanya.
Nang makalabas na siya ay pumasok na rin ako sa banyo para maligo. I looked myself at the mirror, I really look pale. Ang putla ng labi at ng mukha ko, ibang iba sa mukha ko noon. Sabi rin nila Maidene ay medyo pumapayat na rin ako, may time kasi na nawawalan ako ng gana kumain. I don't know why, maski paborito kong ulam minsan ay hindi ko na-e-enjoy kainin dahil nawawalan talaga ako ng gana.
"Caliyah? Anak? Nasa loob ka ba?" Napabaling ang lingon ko sa pintuan nang katukin iyon ni mama.
"Opo, ma. Maliligo lang po ako." Sagot ko naman.
"O'sige, pagkatapos mo diyan ay kakain na tayo ng umagahan."
"Sige po." Pagkatapos nun ay wala na akong narinig na sinabi ni mama, siguro ay inaayos niya na ang kakainan namin.
BINABASA MO ANG
Dear Heart, Why Him? (UNDER REVISION)
Teen FictionNote: This is my very first story, pagpasensyahan na kung medyo bata-bata ang simula, sa kalagitnaan medyo okay na. I'm currently revising this story, thank you. Started: May 4, 2017 Ended: November 4, 2017