Chapter Twenty Three

329 70 8
                                    

It's damn Monday! Pagkatapos ng nangyari ay parang tinatamad akong pumasok ngayon, sino ba namang sisipagin kung mukha nila ang makikita ko mamaya? At ang pagkakaalam ko ay hindi pa alam ng barkada maliban kay Nikko.

Pugtong pugto yung mata ko na sobrang hapdi dahil sa pag iyak kagabi. Hindi talaga ako matigil sa pag iyak kapag naaalala ang mga tungkol sa amin ni Red, napakahirap bitawan ng mga 'to. Nabasa ko pa yung mga old convo. namin nung okay pa kaming dalawa, our pictures in my phone.. lahat ng 'yon ay nagpapaalala lang sa akin sa kanya. Ngayon ay parang napakahirap pa bitong alisin o burahin, malamang ay nanghihinayang pa muna ako.

Hayst. Makakaya ko rin 'to.

Napabalikwas ako sa kama ng biglang may pumasok sa kwarto ko. Huh? Naka lock 'to ah. Humarap naman ako doon para makita kung sino ang pumasok, baka si mama mahalata pa yung mata ko.

"Sorry. Pinapasok na kasi ako ni tita, tinatanong niya kung wala ka daw bang balak pumasok?" Tanong ni Ellis sa akin, naka uniform na ito at mukhang papasok na.

"Inabala ka pa ni mama. Parang masama pakiramda ko e.. ayaw kong pumasok." Sagot ko naman sa kanya.

"Ayaw mong pumasok dahil makikita mo sila. Tama ako, 'diba?"

Napatahimik nalang ako doon. E tama nga siya e, baka ako pa ang mahiya kapag nakita ko sila. Hindi pa alam ng barkada e, hindi ko rin alam kung ano ang magiging reaksyon nila kapag nalaman nila ito.

"Tumayo ka nga diyan. Dapat hindi ka ganyan, ipakita mo sa kanila na hindi sila kawalan. Pinapakita mo lang na mahina ka e."

Agad akong bumangon at tinignan siya ng masabi niya iyon.

"Oo na, mahina na ako! Hindi mo kasi ako naiintindihan e! Palibhasa hindi ikaw ang nakakaramdam ng sakit, alam mo ba kung gaano kasakit Ellis? Sobrang sakit malamang pinagtaksilan ka ng boyfriend at ng sarili mong bestfriend na pinagkatiwalaan mo at tinuring na parang isang tunay na kapatid! Hindi mo ba alam kung gaano kasakit 'yon?!" Umiiyak kong sabi sa kanya. Sa sobtang sakit ay pati ibang tao nasisigawan ko na.

"Oo, hindi ko nga nararamdaman yung nararamdaman mo ngayon! I'm just concern about you, kaya pwede ba Caliyah? Please, wake up! Gumising ka na sa katotohanan." Aniya.

"It's not that easy Ellis, hindi ganon kadali. Katatapos lang na sa amin." Mahina ko lang na sabi sa kanya na para bang tamad tamad.

Hihiga na sana ako ulit pero bigla niya akong pinigilan. Hilain ba naman ako sa braso, tsk.

"Tama na ang satsat. Tumayo ka na diyan, mag ready ka na. Papasok tayo." Madiin niyang sabi sa akin.

Sinabing tinatamad nga ako e! Wala akong gana pumasok.. baka wala lang rin akong magawa dun.

"A-YO-KO!"

"Ayaw mo? Okay. Madali naman akong kausap e. Sasabihin ko kay tita yung tungkol sa inyo ni Red ha? Sige.. matulog ka na diyan. Bababa na ako." Sabi niya sa akin na ikinalaki ng mata ko. Hindi pwede! Maski tapos na yung sa amin ni Red ay hindi pa rin pwedeng malaman ni mama 'yon.

Dali dali akong tumayo para pigilan siya na ngayon e pipihitin na sana yung doorknob para lumabas na.

"H-Hoy! Teka lang! Eto na nga oh, mag re-ready na. Hintayin mo nalang ako sa baba. Bwisit." Napilitan kong sabi sa kanya.

Wala na e, na blackmail na ako. Ano pang laban ko? Tss. Kainis rin 'tong si Ellis e.

Nakita ko namang napa smirk pa ang loko. Tss. Palibhasa nanalo nanaman sa akin. Hinarapan niya naman ako at saka ngumiti ng nakaka asar.

"Good girl. Alright. I'm gonna wait you downstairs." Aniya sabay kindat pa sa akin, muntikan ko pang ihagis sa kanya yung unan na malapit sa akin kaso dali dali na siyang lumabas.

Dear Heart, Why Him? (UNDER REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon