Chapter Forty Three

284 17 0
                                    

Halos mayanig ang mundo ko ng marinig ko 'yon. I'm too early for this, I'm only seventeen years old! Kahit na wala pang kasiguraduhan ay kinakabahan pa rin ako, naalala ko agad si Red, sila mama. Ghad, nakakapag isip na agad ako ng mga negative na bagay ngayon. Kaya pala this past few days ay napaka madamdamin ko, lagi ring nag i-iba ang mood ko.

"Masyado ka bang na-stress nitong mga nakaraang araw?" Tanong niya.

Ang alam ko lang namang na stress ako ay nung tungkol sa nangyari sa amin nila Red at Eumy, pati na rin yung pag alis ni Ellis ng biglaan.

Sinabi ko sa kanya na oo. Posible rin daw na naging factor iyon kaya naging fatal na ang pagsakit ng ulo ko. Akala ko nung una ay natural lang 'yon, hindi ko alam na may brain tumor na pala ako.

"Doc, is it really possible?" Nanginginig na tanong ni mama. First time 'to sa pamilya namin, at hindi ko alam kung saan ko nakuha 'tong sakit na brain tumor.

"Of course, Mrs. Kira. It is possible on her age. At para malaman natin kung ano ito, we'll diagnose it.. We will go to the MRI room, the Magnetic Resonance Imaging, to scan your brain and nerve tissues. After that, CT scan will be the next, It helps the image to form clearer picture of the inside of your head." Aniya.

Wala palang kami ay kinakabahan na ako. Jusko.. bakit ganito na ang nangyayari? Talaga bang pagkatapos ng mga masasayang pangyayari ay may kasunod na ganito? Ang akala kong dala lang ng stress ay ganito pala.. mas malala pa, I don't have any idea about this. Ngayon ay mas naiisip ko kung paano ko pa 'to masasabi kay Red? Alam kong malalaman at malalaman lang rin niya.

"'nak, kung ano man ang maging resulta, I'm always here for you, kasama mo ako sa laban na 'to. Alright?" Nangingilid na ang luha ni mama habang sinasabi sa akin 'yon, maski ako ay naluluha na rin. I'm so scared, hindi ko alam kung magagamot pa 'to.. o hindi na.

Marahang ngumiti at tumango lang ako sa kanya. Mom kissed my forehead, and that makes me cry.

"Don't cry, makakaya mo 'to. Gagaling ka." Nakangiting sabi niya sa'kin.

"Ma'am, okay na po ang MRI." Napatingin kami sa nurse na nagsalita.

Tumayo naman na kami ni mama para pumasok sa loob, nagpalit muna ako ng damit, para sa mga pasyente. Pagkatapos daw nito ay CT scan na ang gagawin. Hihintayin na rin namin ni mama ang resulta bago umuwi sa bahay.

Humiga na ako do'n, hindi ko alam mung masisilaw ako o ano.. basta ang nakatatak lang sa isipan ko ngayon ay natatakot ako sa kung ano ang mangyayari. Damn. Nalaman kong may sakit ako, para akong manlulumo. Para akong mamamatay na.. I'm so frustrated, lalo na't sa utak pa ito. Mas lalo itong lalala mung magpapa stress ako.

Minutes passed, natapos na rin. Pumunta  na kami para mag pa CT scan, Dra. Mendez told us to wait for another minutes. Nakaupo lang kami ngayo dito sa room niya, waiting for her.. waiting for the results.

Naramdaman ko nalang na biglang nag vibrate yung cellphone ko, kinuha ko 'to sa bulsa ko at agad tinignan kung sino ang nag text.

From: Pula

Hey, beautiful. How are you? Masakit pa ba ulo mo?

I smiled, napaka maaalalahanin niya talaga. Paano nalang kapag nalaman niyang may sakit ako? Mamahalin niya pa rin kaya ako? Aalalahanin niya pa rin kaya ako? Aalagaan niya kaya ako?

To: Pula

Yeah. Konting tulog pa. :p

I lied, hindi niya alam kung ano na ang nangyayari.. alam kong magagalit siya sa akin nito, pero ayaw kong mag alala siya, I want him to focus on his studies.

Dear Heart, Why Him? (UNDER REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon