Sabado ng umaga ngayon at parang wala pa akong balak bumangon mula dito sa higaan ko, sabado ngayon pero meron kaming practice para sa nalalapit naming JS Promenade. Biglaan ito para sa akin dahil katatapos lang nung retreat last week, tapos biglang JS Promenade na agad.
Naalala kong susunduin ako ni Red ngayon, lagi naman.. kaya bumangon na ako at nag ayos na rin, nakakahiya naman kung paghihintayin ko pa siya. Speaking of Red, okay na talaga kami.. I mean, wala ng masyadong ilangan at bumabalik na sa dati ang lahat. Wala talagang nagbago sa kanya, siya pa rin yung maalalahanin at strikto na Redden Alexander. Hayst. Gaya nga ng sabi niya ay bumabawi siya sa akin ngayon, nasobrahan pa nga ata e. Minsan nagiging clingy na rin 'yong si Alexander, but I find it cute.. Hindi ko alam kung bakit, pero ganon siguro talaga kapag mahal mo ang isang tao, hindi mo alam kung ano ang mga dahilan nito. Basta ang alam mo lang ay mahal na mahal mo siya..
Damn, of course, yes, mahal ko pa rin siya. Siguro nga ay tama sila Ellis.. hindi ganon kadali mawala ang pagmamahal sa isang tao. Hindi ako masasaktan ng ganon kung hindi ko rin siya mahal.. naging mahirap lang sa akin.
Nagsuot lang ako ng simpleng dress at flat shoes, ito kasi yung sinabi sa amin nung magtuturo sa amin ng sayaw. Si Red ang kapartner ko, kanya kanya daw kasing aya ng kapartner para sa JS, pero siyempre dapat ay ka-schoolmate at ka-grade lang namin. So ayun, ako ang inaya ng mokong, siyempre pumayag ako.. Sila Alliana at Maidene ay mga boyfriend nila ang kapartner nila, siyempre ay hindi rin papayag yung dalawang lalaki na iba ang kapartner ng girlfriend nila.
"Oh, JS na ba agad?" Pagbibiro niya nang makita na niya akong pababa ng hagdan.
"Loko loko." Napatawa nalang ako do'n. Saglit niya pa akong pinasadahan ng tingin, kumunot pa ang noo nito.
"Bakit?" Nagtataka kong tanong sa kanya.
"Where's your necklace? The necklace that I gave to you.." Aniya.
Napahawak ako sa leeg ko. Hindi ko na nga pala 'to muling nasuot simula nung nag break kami, nasa drawer ko lang ito.. hindi ko rin itinapon.
"Ah, n-nasa drawer ko lang." Medyo nahihiya kong sabi.
Napailing nalang siya at umakyat para pumasok sa kwarto ko, gulat akong napasunod sa kanya. Bastos talaga 'tong lalaking 'to, palibhasa ay ganon rin ang ginagawa ko sa kwarto niya, bigla biglang pumapasok. Lol.
"Hoy. Ano nanamang gagawin mo?" Tanong ko sa kanya ng makarating na rin ako sa kwarto ko, naabutan ko kasi siyang iniisa isa yung drawer ko.
Yung necklace..
"You should wear this again, Cali.." Aniya habang hawak hawak yung necklace na ibinigay niya.. Queen's crown..
"Come here."
Lumapit ako sa kanya, pinaupo niya ako sa kama ko at pinatalikod. Naramdaman ko nalang ang malamig na bagay sa leeg ko, isinusuot niya ulit sa akin yung necklace na ibinagay niya sa akin.
"It is perfectly fit." Aniya at kumindat pa ang loko. Hayst. Makamatay.
"Caliyah! Tawag na tayo!" Rinig kong tawag sa akin ni Alliana, napamulat ako doon. Saglit kasi akong nagpasama sa kanya dito sa classroom, sumasakit nanaman kasi ulo ko e.
Si Red? Tinakasan ko. Lol. 'de, silang mga lalaki ang pi-na-practice ngayon. Wala nga siyang ka-alam alam na mag pa-pa check up ako mamaya e, sinabi ko rin kay mama na 'wag niyang babanggitin kay Red.. ayaw ko lang ng pinag a-alala siya. Check up lang naman para sa pagsakit ng ulo ko, masyado siguro akong na-stress noon.

BINABASA MO ANG
Dear Heart, Why Him? (UNDER REVISION)
Teen FictionNote: This is my very first story, pagpasensyahan na kung medyo bata-bata ang simula, sa kalagitnaan medyo okay na. I'm currently revising this story, thank you. Started: May 4, 2017 Ended: November 4, 2017