Chapter Eighteen

352 106 10
                                    

Malapit na ang intramurals sa school namin. Kaya bawat estudyante ay nag pa-practice na sa kanya-kanyang laro. Magkakasama ang mga Junior Highschool. Kami naman ay ang mga Senior Highschool. At siyempre ang mga college na depende sa kung ano ang course nila.

Nasa gym ako ngayon. Pinapanood mag practice ang magaling kong boyfriend, sabay daw kaming uuwi ngayon e. Kaya pinauna ko na rin si Ellis, sinabi ko nalang sa kanya na nag paiwan muna ako dahil may practice kami sa volleyball. Pero totoo yun ah, actually katatapos lang naming mag practice tapos dumiretso na rin ako dito. Dito ko na siya hinintay mismo dahil 'yon rin ang sabi niya sa akin kanina para hindi na maulit yung dati. Baka ma-indian nanaman ako nung lalaking yun e.

Nag pa-practice sila Lemuel, Chase, Redden, Nikko, at Aeron tapos may mga substitute pa na iba. Hayst. Na-bo-boring na ako ngayon. Ano kayang magandang gawin?

Makilaro kaya ako sa kanila? Aish. Ano naman palang alam ko doon, baka maging pang gulo lang ako.

Patuloy ko lang silang pinapanood ng biglang pumasok sa gymnasium si Denise, kapatid ni Redden. Mukhang hindi naman ito napansin nung mga lalaking nag pa-practice ng basketball, busy nanaman sila. Tsk.

"Ay. Hello po Ate Caliyah." Bati sa akin nung kapatid ni Denise at ngumiti pa, ang gandang bata. Maski na isang year lang ang agwat namin.

"Hello. Kuya mo ang sadya mo dito ano?" Nakangiti ko ring tanong sa kanya. Wew. Kalma lang Caliyah, dapat hind ka pahalata.

"Ahh.. E.. Opo e, kaso mukhang busy. Pakisabi nalang po kay kuya na nauna na akong umuwi."

"O sige. Sasabihin ko sa kanya mamaya." Sabi ko naman sa kanya.

"Bakit po pala kayo andito? Hinihintay niyo si kuya 'no? Ayiiie. Totoo na po ata yung mga loko nila sa inyo e?" Makulit niyang tanong. Kadaldal rin pala nitong babaeng 'to. Haha. Pero cute rin naman siya.

"Luh. Hindi ah. Hinihintay ko si Chase kasi magkalapit lang kami ng bahay sa village, makikisabay kasi ako sa kanya." Pagsisinungaling ko. Pero yung magkalapit yung bahay namin sa village, totoo 'yon.

"Ahh. Okay po." Tatango tango niyang sabi. "Sige po ate. Una na apo ako, maraming salamat po." Sabi niya at ngumiti ulit.

"Sige. Ingat sa pag uwi." Sabi ko rin naman sa kanya. Tuluyan na siyang lumabas ng gymnasium.

Pagkalingon ko naman kila Red ay saktong tapos na ata silang mag practice dahil umupo na si Chase. Halatang mga pagod. Pagod rin ako kanina sa practice pero nakapagpahinga na ako ngayon dito. Hayst. Sana naman tapos na talaga sila. Na-bo-bored na ako.

"Oh. Anyare sa mukha mo bal? Nakabusangot ka nanaman." Sabi niya sa akin habang lumalapit. Umupo siya sa isang monoblock na upuan, hindi ito ganon kalapit sa akin.

"Tapos na ba kayo?" Diretso kong tanong sa kanya.

"Yeah. Pero magpapahinga muna ako saglit bago tayo umuwi, mag da-drive pa ako e." Sagot naman niya sa akin. Tsk. Hanggang kailan kaya ang pahinga nitong lalaking 'to.

"Okayfine."

Pagkatapos nun ay sinabi ko na rin sa kanya yung pinapasabi ni Denise. Buti nalang ay hindi ko ito nakalimutan.

"Bal. Paabot nga ako nung cellphone ko diyan sa bag ko." Sabi niya sa akin. Kinuha ko naman yung bag niya at agad kinalkal iyon para mahanap ang cellphone niya. Agad ko ring ibinigay 'to sa kanya.

"Oh."

"Makauhaw. Cali, paabot nga nung bottled water diyan lang sa tabi mo." Sabi nanaman niya. Kinuha ko lang ito at inabot na sa kanya ng 'di na nagsasalita pa.

"Tahimik mo. Pakuha nga nung notebook ko sa may bag ko ulit." Kinuha ko ito at tamad na inabot sa kanya. Kainis.

"Last na talaga bal. Paabot nga nung towel." Tumayo na ako. Inis kong kinuha yung towel niya sa may lamesa. Lumapit ako sa kanya at hinagis ito, ewan ko kung saan nag landing, sa mukha niya ata. Grr.

Dear Heart, Why Him? (UNDER REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon