Nang marinig ko ang mga sinabi ni Manang Josefa, hindi na ako nag dalawang isip at tumakbo na. Maski na sobrang sakit na ng mga paa ko ay ipinagpatuloy ko pa rin ang pagtakbo, kasabay ng pagtakbo ko ay ang pagpatak rin ng mga luha sa pisngi ko.
Ellis, 'wag mo 'kong iwan.
Panay ang hikbi ko habang tumatakbo, medyo malayo dito ang airport. Wala akong magawa dahil wala akong maparang taxi, wala rin akong sasakyan.
Sinubakan ko siya contact-in pero call ended lagi. Damn. Hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko para mapabilis ang pagpunta ko doon, maski na hindi naman ako sure kung maabutan ko pa siya.
Naglalaro sa isipan ko kung bakit hindi niya sinabi sa akin na ngayon na pala ang flight nila. Sobrang saya pa namin kahapon.. sobra..
Napatigil ako ng biglang may bumisina sa gilid ko, napatingin ako do'n, nakaramdam ako ng pag asa na makakarating pa ako ng maaga doon.
"Saan ka pupunta? Baki-"
Hindi ko na siya pinatapos at sumakay na sa kotse niya alam kong hindi na 'yon naka lock.
"P-Please, tulungan mo akong makapunta sa airport. Please.. Red." Umiiyak ko ng sabi sa kanya, nakita ko ang pag aalala at pagtataka sa mukha niya.
Napabuntong hininga siya at ipinagpatuloy na ang pagmamaneho. Saka ko nalang siya pasasalamatan kapag ayos na ang lahat.
Hindi ako mapakali dito sa inuupuan ko, kinakabahan ako.
Naramdaman ko ang pag hawak ng isang kamay niya sa kamay ko, samantalang ang isa naman ay nanatili sa manubela.
"Calm down, Cali.. please." Aniya habang nagmamaneho pa rin.
"Ano ba'ng nangyari?" Tanong niya.
"S-Si Ellis, ngayon na pala ang flight nila pabalik ng America. H-Hindi ko alam." Nakayuko kong sagot sa kanya.
Hindi na siya nagsalita at mas pinabilisan pa ang pagmamaneho, I want to thank him dahil tinulungan niya pa rin ako, pansin ko kasing parang may lakad siya at mukhang nagmamadali rin ata.
Nang makarating kami sa airport ay dali dali kong kinalis ang seatbelt, lalabas na sana ako ngunit hinawakan niya ang kamay ko, napatingin ako sa kanya.
"I'll wait you here." Aniya. Napatunganga ako doon, seryoso ba siya? Mukhang may lakad pa siya!
"Go." Kahit na naguguluhan pa ay tumakbo na ako palayo, kailangan kong maabutan si Ellis.
Tumakbo ako ng tumakbo, napatingin ako sa taas.
8:00Am ang nakalagay na flight papuntang America. Halos manlumo ako nang makita kong 8:20Am na..
Nag una-unahan nanamang lumandas ang mga luha ko sa aking pisngi. Wala na.. hindi ko na siya naabutan, ni hindi man lang siya nag paalam, kagabi na pala yung pamamaalam niya, iniwan niya rin ako ng biglaan.. ni hindi ko alam kung babalik pa ba sila dito sa Pilipinas. Hindi man lang ako nakapag thank you ng maayos sa kanya, gusto kong magpasalamat sa lahat ng mga kabutihan niya sa akin, ngayong araw ay wala na kami, dahil ngayong araw rin ang pag alis nila.
I can feel that something is missing again..
I can't imagine myself without Ellis, wala ng mag chi-cheer up sa akin sa bahay tuwing lonely ako, tuwing malungkot ako.
Habang inaalala ko ang mga napag samahan namin ay mas lalo akong na napapaiyak, naupo nalang ako sa isang gilid, I don't care kung may mga nakakakita o nakakapansin sa akin, I want to cry.
Namalagi ako sa ganitong posisyon nang ilang minuto, iniyak ko lahat. Para akong naulila sa pag alis niya, sana naman ay maalala niya pa rin ako, meron pa ring messenger at skype.
BINABASA MO ANG
Dear Heart, Why Him? (UNDER REVISION)
Roman pour AdolescentsNote: This is my very first story, pagpasensyahan na kung medyo bata-bata ang simula, sa kalagitnaan medyo okay na. I'm currently revising this story, thank you. Started: May 4, 2017 Ended: November 4, 2017