Chapter Forty Four

309 16 0
                                    

Alas sais ng pinapunta dito ni mama yung mag a-ayos sa akin, wala kasi si Ate Lyka e.. may pasok rin sila sa Baguio. Tonight is our JS Promenade. Nakakapag taka 'no? Kadalasang petsa ng JS ay february, pero ngayon ay ginawa nilang December. Hanep sila magpaaga.

Alas siyete daw ang simula ng JS. Yes, daw.. kasi baka alas otso lang rin magsimula, ganon naman sila e, filipino time nga.

Dahil white ang theme sa aming mga grade 11, I wore my white long sleeve lace gown. Yeah, kung dati ay tube noong Acquaintance Party, ngayon naman long sleeve, si Ate Lyka rin ang namili nito e.. nag skype pa kami para dito, at nag suggest rin si Red na habaan ko naman daw yung isusuot ko this time, kaya ito.. long sleeve pero pa see through lang rin. Lol.

Ni-braid yung buhok ko, nilagyan rin niya ng flower crown na color peach. Parang ikakasal na talaga ako dahil sa ayos ko ngayon, hindi ko alam kung anong meron sa mga head ng school.. unang una, masyado nilang pinaaga yung JS, tapos yung theme pa nila ay pang wedding. Tsk tsk.

"Caliyah! Are you done? Andito na si Red, anak." Rinig kong sabi ni mama sa labas, kinakatok niya pa yung pintuan ko.

"5 minutes more, ma." Sabi ko naman. Wala ng sumagot, siguro ay bumaba na rin si mama.

Saglit ko pang pinasadahan ng tingin yung sarili ko sa salamin, pakiramdam ko kasi ay hindi ko bagay. Nung wala pa akong make up, I'm so pale.. halatang may sakit ako, natakpan lang ngayon ng make up.

I sighed. Just enjoy the night, Caliyah.. you can do it.

Bumaba na ako at hindi ko maiwasang mapanganga sa kagwapuhan ng ka-date ko ngayon. Naka tuxedo nga siya, black ang kulay n'on, black talaga sa kanilang mga lalaki. Fvck, ang gwapo talaga ni Alexander. Nakoooo.

Pareho pa kaming 'di nakaimik nung una, nagagandahan 'yan sa akin. Lol.

"Masyado ka nanamang nagagwapuhan sa akin." Sabi nanaman niya, inismiran ko lang siya na siya namang ikinatawa niya. Tuluyan na rin akong bumaba ng hagdan, maingat pa niya akong inalalayan pababa.

"I'm so happy for the both of you." Halos naluluha nang sabi ni mama. I hugged her as tight as I could, she's my mom.. who gave birth to me, the best mom for me.

Hinawakan naman na ni Red yung kamay ko at nagpaalam na rin kami kay mama.

"Ingatan mo Redden ha." Paalala ni mama na siya namang ikinangiti nitong si Pula.

"I will, tita. She's important more than my life. I-ingatan ko siya.. I will not let go of this hand." Aniya at pinakita pa kay mama yung kamay naming magkahawak.

Napangiti niya si mama doon, samantalang ako naman ay hindi maiwasang malungkot tuwing bumabagabag sa isip ko ang sakit ko tuwing masaya kami.

Napatigil ako sa paglalakad kaya napatigil rin siya, hawak niya kamay ko e.

"Bakit? May nakalimutan ka ba?" Tanong niya agad sa akin, umiling naman ako.

"Panget ba?" Awkward kong tanong sa kanya, tinutukoy ko yung ayos ko ngayon.

He smiled at me, one of the sweetest smile that I saw from him.

"Of course, not. Aside from my mom and my sister, you're the most beautiful woman that I've seen." Malambing niyang sabi. Ghad, namumula nanaman ako.

"Totoo?"

"Oo nga. Ang kulit, halikan kita dito e." Biro niya at ngumisi pa.

Napatakip ako sa bibig ko dahil do'n. Sa sobrang close namin sa isa't isa, hindi na kami naiilang kapag may nagbibiro ng ganyan. Naalala ko nanaman tuloy yung ginawa niya kahapon, sobra niyang inilapit yung mukha niya sa akin. Hayst.

Dear Heart, Why Him? (UNDER REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon