After nung nangyari sa parking lot, ramdam ko na lagi ang mga cold na tingin sa akin ni Red. Hindi ko alam kung anong problema niya, kung ano ang ikinapuputok ng butsi niya. Hila-hilain ba naman ako, ako naman si tanga.. sumama. Akala ko naman kung ano yung mahalaga naming pag uusapan e, ke-kwestyunin lang pala ako. Umasa nanaman ako.. lintek, paulit ulit nalang ba ako? Naguguluhan ako e, gulong gulo ako. May side sa akin na galit na galit ako kay Red dahil sa mga kagaguhang nagawa niya sa akin, pero may side rin sa akin na humihiling na sana bumalik na kami sa dati. How stupid, right? Tss.
"Stress nanaman ata 'tong isang 'to." Napalingon ako ng biglang magsalita si Maidene, nasa tabi ko na siya ngayon, ganon rin si Alliana.
"Nasaan mga boyfriend niyo?" Tanong ko sa kanila.
"Pinatawag sila nila Sir e." Sagot naman ni Alliana, napatango nalang ako.
"Pero stress ka nga?" Tanong ulit ni Maidene sa akin habang sinusuri ang pagmumukha ko.
"The hell, oo!" Inis kong sabi. Pfft.
Natawa naman ang dalawang loka, tingnan niyo 'tong dalawang 'to.. pinagtawanan nanaman lang ako. Hayst. Mga bespren.
"Do you want to hang out?" Tanong sa akin ni Alliana, isang makahulugang ngiti naman ang ibinigauy sa akin ni Maidene.
"Ahm.. can we?"
"Sure. Later, after the class." Ngisi ni Alliana na para bang may binabalak na ewan. Minsan kinakabahan rin ako dito sa mga 'to e.
"O-kay."
Mayamaya ay biglang nagsidatingan na yung mga lalaki, si Ellis naman ay nakangiti nanaman sa akin.. as usual, okay na rin 'yon, kaysa lagi niyang inaalala yung pag alis nila.
"Mukhang masaya ka nanaman ata ngayon?" Tanong ko sa kanya.
"Lagi naman akong masaya kapag nakikita kita." Banat pa ng mokong sabay kindat pa. Natawa naman ako doon, sira ulo.
"Ehem ehem." Nag ubuhan naman yung mga ewan naming barkada, kailangan talagang sabay sabay? Tsk tsk.
"Ang dami mong alam." Natatawa kong sabi sa kanya, nagtawanan nalang kami. Ansaya 'no? Haha. Lol.
Sabi ko nga sa inyo napapangiti rin ako ni Ellis, basta kasama ko siya.. napapasaya niya rin ako at nakakalimutan ko ang mga pangyayari nung nakaraan. Kaso hindi ko rin matanggap na aalis na sila next next month, sadlayp.
"Wala ako mamaya, ano nang gagawin mo?" Malungkot niyang sabi, tinaasan ko naman siya ng kilay.
"May pupuntahan rin kami nila Alliana at Maidene mamaya e. Kayo ba, saan ba punta niyo?" Tanong ko rin sa kanya.
Ang tagal nung teacher namin ngayon ha, baka naman nag mi-meeting nanaman lang sila. Hayst, kaiingay nanaman tuloy nung iba kong mga kaklase. Para nanaman silang mga nakawala sa selda. Tsk.
"May pinapakuha sa amin si Sir e, pang design dito sa classroom. E kayo? Saan nanaman lang ang punta niyo?" Tanong niya rin sa akin.
May mga inorder siguro si Sir na mga kung anu-ano para dito sa classroom kaya kailangan ng mga lalaki para kumuha nun. Malapit nanaman kasi ang accreditation kaya kanya kanya nanamang pagandahan ng bawat classroom. Officer pa naman kami kaya kailangan talagang kami ang manguna.
"Ahh.. Lalabas lang kaming tatlo, nag aya si Alliana e."
"Okay, 'wag kang gagawa ng kung anu-anong kalokohan ha." Sabi niya sabay tulak pa sa noo ko gamit yung hintuturo niya. Sinamaan ko naman siya ng tingin.
"Baka nga ako ang gagawa ng kalokohan, Stephen Ellis Buenaventura." Sabi ko at tinaasan pa siya ng kilay.
"Baka kung ano pa ang gawin mo e.. wala pa naman ako sa tabi mo mamaya." Sabi pa niya. Pinipigilan kong mapangiti dun sa sinabi niya dahil nagsisimula nanaman siya sa mga banat niya.

BINABASA MO ANG
Dear Heart, Why Him? (UNDER REVISION)
Novela JuvenilNote: This is my very first story, pagpasensyahan na kung medyo bata-bata ang simula, sa kalagitnaan medyo okay na. I'm currently revising this story, thank you. Started: May 4, 2017 Ended: November 4, 2017