Sana hindi 'to panaginip. At kung panaginip man 'to, sana 'di na ako magising pa. Dito ko nalang gusto. Ngayon ay halos hindi ako makagalaw dito sa kinakatayuan ko, nanatili lang akong nakatingin sa kanya na may bahid na pagtatanong dahil hindi ko naman sure kung seryoso siya sa nasabi niya, baka niloloko lang ako nito. Mahirap ng mag assume ng mga bagay bagay.
"A-Ano?" Sa wakas ay nakapag tanong na rin ako. Dahil kanina pa talaga ako nakatunganga lang sa kanya.
"I said that I love you Caliyah, bal." Diretso niyang sabi sa akin. Kitang kita ko sa mga mata niya na sincere ang pagkakasabi niya nito.
"H-How? Nawala na ba yung rules niyo? Itiniwalag ka na ba? 'diba bawal? " Naguguluhan kong tanong sa kanya.
"That's it Cali.. bawal pero what can I do? It's my feelings and I can't hold it anymore. Everytime that I'm with you, it makes my heartbeat beat so fast. It sounds like gay l, but damn! It's all true. Confessing now in front of you? It's not that easy. I think I'm inlove with you Cali.. no, I'm really inlove with you." Diretso niyang sabi sa akin. Naluha ako dun. Crybaby. Teas of joy, because the feelings is mutual again. Na-fall ako kaya natakot ako nun. Pero ngayon? Para nanaman akong nasa langit sa sobrang saya.
"What about your religion? Paano na iyon?" Tanong ko sa kanya.
"Maski ako ay hindi ko pa alam Cali. Saka na natin pag usapan iyon, please not this week. Ang gusto ko lang ngayon ay ang umamin sayo tungkol sa nararamdaman ko. Hindi mo alam kung gaano kaluwag sa pakiramdam at kung gaano kasaya na nakaamin ako sayo ngayon. Kung patuloy ko lang itong itatago ay wala lang rin naman akong mapapala. I just want you to know. Even though it's not mutual, atleast I said that I love you, and I really do Cali." Sinsero niyang sabi sa akin sabay hawak sa dalawa kong kamay. Sobrang saya talaga nitong gabing 'to. Pwede na bang tumalon mula dito sa rooftop hanggang sa baba dahil sa sobrang kasiyahan? Joke.
Gosh. Hindi pa rin pala ako nakakaamin sa kanya kaya ang alam niya ngayon ay hindi pareho ang nararamdaman namin para sa isa't isa. Totoo nga naman, kapag tinago ko 'to ay kusa lang rin lalabas. Baka mas lumala pa pati, kaya lalabas at laabas lang rin.
Maybe this is the perfect time for us to say our true feelings for each other.
"It's okay for me if we'll stay like this, M.U. I respect your feelings kung hanggang dito lang ang nararamdaman mo para sa akin, sino rin ba ako para pilitin ka? Basta makasama lang kita, masaya na ako dun. Basta may connection pa rin ako sayo, masaya na ako dun. Maski na-"
"I love you too." Gaya ng ginawa niya kanina ay pinutol ko rin ang pagsasalita niya. Siya naman ang napahinto ngayon at halos 'di makagalaw, nakatingin lang rin siya sa akin ngayon.
"W-What?" Nagtataka niyang tanong sa akin.
"Huh. So mag co-confess rin ako ngayon? I said that I love you too, mahal rin kita Red. Hindi ko alam kung sino ang unang na-fall. But I don't care about that, I just only know that I'm so happy tonight because you're here with me, in front of me confessing your feelings. I'm so happy with it, bal. I don't know why, but that's why I love you." Naluluha kong sabi sa kanya dahil sa kasiyahang nararamdaman ko ngayon. Umaapaw ang kasiyahan. Damn. First time ko 'to kaya hindi ko alam at hindi ko naman in-expect na ganto pala kasaya sa feeling.
"Nung una ay natakot pa ako para sa nararamdaman ko sayo, dahil ang alam ko ay hindi naman tayo pareho ng nararamdaman para sa isa't isa.. na mas malala sa M.U. Pero ngayong nalaman ko na na pareho lang pala tayo, sobrang saya ko bal. Sana hindi na matapos pa 'tong kasiyahang 'to. Paano kung.. paano kung kailangan ng tapusin 'to dahil sa reli-" Hindi pa ako tapos magsalita ng bigla niya akong hinila ng mas malapit sa kanya at niyakap ng mahigpit. Malamig dito ngayon sa may rooftop dahil gabi na rin. But i feel warm whenever I'm with his arms.
BINABASA MO ANG
Dear Heart, Why Him? (UNDER REVISION)
Teen FictionNote: This is my very first story, pagpasensyahan na kung medyo bata-bata ang simula, sa kalagitnaan medyo okay na. I'm currently revising this story, thank you. Started: May 4, 2017 Ended: November 4, 2017