Chapter Thirty Four

318 48 6
                                    

After that night, inutusan pa ako ni Alliana na i-chat ang lahat para paalalahanan na itutuloy ngayon ang pag gawa ng project. So it means, na chat ko rin siya. Expected ko na i-si-seen niya lang ako, pero hindi, nag reply pa siya. Nag reply ng 'Okay.'. Tss. Yun lang naman e, it's either i-si-seen niya lang ako, magrereply ng thumbs up, o ng 'Okay.' lang. Feeling ko tuloy naaapakan pride ko, dahil nag chat pa ako tapos ganon lang ang i-re-reply niya. Pero sige lang, tungkol naman sa project iyon e.

"Balita ko mag a-out of town daw ang mga muse at escort bawat section ah. Mula Junior high, hanggang Senior high." Sabi ni Maidene.

Uh. Nabalitaan ko rin 'yon kay Sir Aeron last last day, at talagang sinadya niya atang ipaalam sa akin ng maaga. Malamang ay dahil kami ni Redden ang muse at escort sa section namin.

"Para saan naman daw?" Tanong naman ni Chase na kasalukuyang naglalaro sa cellphone niya. Aish. Namimiss ko na ring maglaro.

"It's an event, Chase." Sabi naman ni Girlfriend niya.

Yeah. So it means makakasama ko nanaman si Redden ng ilang mga araw. Hindi ko pa alam kung anong plano nila sa gawaing 'yon, basta ang sabi lang sa akin ni Sir, parang get together ng mga muse and escort. Hindi ko rin alam kung ano ba ang purpose nun. Sa Dinadiawan, Aurora daw ang venue. Balita ko ay maganda daw doon, sobrang nakaka refreshing daw ang lugar doon dahil beach resort iyon.

"Kaya naman pala walang masyadong pasok next week."

"Baka naman pagbalik niyo kayo na ulit ni Redden Alexander ha!" Singhal ni Alliana sa akin.

Hindi posible iyon dahil alam ko namang may Eumy, and kami na rin ni Ellis. Sa palagay ko kay Redden ay wala na siyang balak makipagbalikan pa. Yeah, It hurts, pero kailangang tanggapin ang katotohanan.

Natanggap mo na nga ba talaga?

Fine, hindi ganon kadali.

"Pero bes, paano kung nakipagbalikan siya, paano si Ellis?" Biglang tanong ni Maidene, napatingin kaming lahat sa kanya. Maski ako ay hindi ko rin alam ang isasagot ko.

"Paano si Eumy?" Natatawang tanong ni Alliana.

"Tss. Edi hayaan lang si Eumy. Kaya ng mabuhay mag isa ang isang higad na kagaya niya." Medyo may pagkagigil na sabi ni Maidene.

Hindi ko alam kung bakit ganto kagigil 'tong babaeng 'to sa mga taong ganon. Naikwento ko na ba sa inyo na minsan na silang nag break ni Lemuel dahil rin sa isang babae? Yup, nagloko si Lemuel noon. Inilalaglag ko na po si Lemuel. Lol. Pero tumino na si Lemuel ngayon, takot lang niya kay Maidene. Hahaha.

Pinukulan rin ni Maidene si Lemuel ng isang nakakamatay na tingin, nagtaas ng kilay si Lemuel pero agad niya lang ring nilambing si Maidene. Aba, PDA nanaman po sila. Tsk tsk.

"Pero paano nga, Caliyah?"

"Hindi ko alam, hindi ko kayang iwan si Ellis." Malungkot kong sabi. Malapit na siyang umalis sa bansa, hindi ko siya pwedeng iwan ng basta basta lang.

Mahal ko si Redden pero hindi ko talaga kayang iwan si Ellis. Anong ibig sabihin nun?

"Aww. Na-fall ka na rin ba kay Ellis?" Natatawang tanong ni Chase. Hindi nanaman ako nakaimik doon, ano ba ang dapat kong isagot? Maski ako ay hindi ko rin alam. Eto nanaman ako at pati sarili kog feelings ay hindi ko maintindihan.

Napansin ata nila ang biglang pag tahimik ko. Puno ng pagtataka ang mga mata nila, tila ba nagtataka kung bakit ako napatahimik.

"Caliyah?" Bumalik ako sa katinuan ng biglang banggitin ni  Maidene yung pangalan ko.

Gulat akong napalingon sa kanya.

"B-Bakit?"

"Totoo na ba ang feelings mo kay Ellis?"

Dear Heart, Why Him? (UNDER REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon