Chapter Twelve

403 154 32
                                    

Redden's POV

Grabe, napakadaldal nitong si Chantel. Mas marami pa ata yung pag to-topic niya ng kung ano ano kaysa sa topic na tungkol sa reporting. 'Oo' nalang ako ng 'Oo' dahil medyo nakakabanas na. Pero masaya rin naman siyang kausap, nasobrahan nga lang. Bukas pa 'tong Library hanggang ngayon dahil may mga estudyante at guro pa naman ngayon. May klase pa ang mga college. Iniisip ko si Cali dahi-

Shit! Anong oras na?! Agad kong tinignan ang wrist watch ko.

9:10Pm

Damn! Lowbat nga pala yung cellphone ko. Paano na 'to? Hinihintay niya pa rin kaya ako?

"Ahm.. Chantel, tutal okay naman na lahat tungkol dun sa reporting 'diba? Siguro kailangan na rin nating umuwi, 9:10Pm na. Gabi na rin at umuulan pa." Sabi ko sa kanya. Habang siya naman e chi-ni-check yung mga nagawa na naming plano para sa reporting.

Potek. Umuulan pa pala. Wala pa namang dalang payong 'yon! Paano kung nag kasakit 'yon? Ang tanga mo Redden. Nakalimutan mo si Caliyah!

Hindi ko na hinintay ang sagot niya dahil mukhang wala pa atang balak umuwi 'tong babaeng 'to. Balak niya bang mag overnight dito sa Library?

"Chantel I really have to go. Bye." Sabi ko at umalis na. Narinig kong tinawag niya pa ako pero hindi ko na ito pinansin dahil si Cali nalang ang nasa isip ko ngayon.

Paglabas ko ay kalakas pala ng kulog at kumikidlat pa. Hindi ito rinig sa Library, pero paglabas ay ang lakas pala nito. Damn. Takot sa kidlat at kulog 'yon! Inikot ko ang paningin ko pero wala na akong nakitang Caliyah. Argh! Malamang nakuwi na iyon dahil sa tagal ng paghihintay niya sa akin. Pa-VIP ka Redden! Ako pa mismo ang nagsabing sabay kami pero ako pa ang nakakalimot.

Wala siyang dalang payong. Ibig sabihin ay tinakbo niya lang papuntang sakayan habang umuulan. Paano kung magkasakit siya?

"Tanga mo Redden!" Sabi ko nalang at ginulo ang buhok ko dahil sa pagkainis sa aking sarili.

Caliyah's POV

Gumising ako ng sobrang sama ng pakiramdam ko. Ang sakit ng ulo ko. Malamang ay dahil ito kagabi, naulanan ako. Naiinis pa rin talaga ako kapag naaalala ko 'yon, walang Redden na dumating. Ano kayang ginawa niya sa Library kaya siya natagalan? Pinatulan ang kalandian nung Chantel na 'yon? Tss. 'wag naman sana. Parang ayaw kong pumasok ngayon, pero 'di pwede.. ayaw kong marumihan yung record ko, wala pa akong absent simula nung first day. Maski pwede namang i-excuse 'to.

"Who you ka talaga sa akin Red kapag nakita kita. Huh." Sabi ko sa kawalan habang naglalakad papunta sa school. Minsan ay napapahawak ako sa ulo ko dahil sumasakit talaga ito.

Maya maya habang naglalakad ako ay may tumapat nanaman sa 'kin na innova na itim. Speaking! Grr.

Dahil dito ay binilisan ko ang paglakad ko. Tanga Caliyah.. naka sasakyan siya, malamang mahahabol at mahahabol ka pa rin niya. Oo nga pala. Pwede bang lumipad nalang? Kung pwede lang e. Tss.

"Caliyah!" Rinig kong tawag niya. Tse. Manigas ka diyan. Bahala ka sa buhay mo.

E sa naiinis nga ako e. Bakit ba? Kayo ba ang na-indian ha? Kayo ba? Hindi 'diba. Tss. Magsama sila ni Chantel. Tutal mas inuna naman niya 'yon. Sino nga ba ako, e tungkol sa reporting iyon.

Mas binilisan ko pa ang paglalakad. Lakad takbo ang ginawa ko. Whoo, konti nalang Caliyah nasa school ka na. Pero ang totoo e medyo malayo layo pa. Medyo lang naman. Shonga, nasa iisang classroom nga lang pala kami.

Ramdam kong sinusundan niya ako. Bumaba na ata siya sa sasakyan niya. Sus. Inawanan pa yung sasakyan. Tsk. Tandaan mo Caliyah, mas matalino 'yan kaysa sayo, alam mong gagawa 'yan ng paraas. Tss.

Dear Heart, Why Him? (UNDER REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon