Chapter Seventeen

362 127 10
                                    

Lumipas pa ang ilang araw pero hindi pa rin kami nagpapansinan ni Red. Ewan ko sa kanya, bahala siya. Sa araw na lumipas na iyon ay sinasabayan kong pumasok si Ellis. Hindi na niya ako sinusundo sa labas ng village namin e. Siguro ay hanggang ngayon hindi niya pa rin ako naiintindihan.

And I admit it. I'm sad because it's my birthday today, pero ni isang text man lang ay wala akong na re-receive mula sa kanya. Sabado ngayon. Nauna na ako dito sa resort dahil kailangan talaga, andito na rin si Lemuel, siyempre sila ang may ari nito e. Pinasundo ko nalang yung barkada sa kani-kanilang bahay. Naintindihan naman nila ako kung bakit hindi ko sila nasabayan ngayon. Si Ellis naman ay kasama sila mama at tita na nasa loob nakikipag kwentuhan sa mama ni Lemuel.

Pag gising ko palang kaninang umaga ay puro bati na nila ang na received ko. Pero may isang tao pa rin talaga na hindi pa ako binabati, si Redden.

"Ano ba kasing nangyari sa inyong dalawa Caliyah?" Naagaw ni Lemuel ang atensyon ko ng bigla siyang magtanong.

Nakaupo kami ngayon sa buhangin, kaharap namin ang isang napaka gandang dagat. Maganda rin ang view dito, white sand rin ito.

"E diba nga kasi si Ellis? Itong si Red hindi niya ako naintindihan. Ang sa 'kin lang naman e sasabayan o sasamahan ko lang muna si Ellis hanggang sa masanay na siya dito sa lugar natin. Ewan ko dun, bigla nalang nag ganon.. tapos hindi pa ako binabati." Sabi ko sabay pout. Kaynis kasi e. Kung sino pa yung inaasahan kong bumati sa akin, yun pa yung wala.

"Sus. Selos lang yung Redden na 'yon. Ayaw niya lang na sumasama ka sa ibang lalaki." Sabi naman niya sa akin.

Yun rin ang sinasabi ng barkada sa akin. Pero 'diba sana intindihin niya man lang sana muna ako kahit ngayon lang?

"Edi sana nagparamdam rin naman siya sa akin kahit isang text man lang. Pero wala e." Malungkot kong sabi habang pinaglalaruan yung buhangin dito sa harapan namin.

"Hay! Ewan ko nga ba talaga sa inyong dalawa. Wala pang isang linggo na kayo, pero ganto na agad. Hindi pa kayo nagpapansinan." Aniya.

Ako pa ba ang dapat gumawa ng paraan para magpansinan kami? Tss.

"Ewan sa kanya." Kibit balikat kong sagot nalang sa kanya.

Patuloy lang kaming nag kwentuhan nitong si Lemuel. Minsan maasahan mo rin 'tong isang 'to e, minsan maloko, minsan seryoso rin. Kaya siguro na inlove rin si Maidene sa kanya. Yiie. Ang cheesy ko.

Maya maya ay may narinig na kaming ingay na nagtatawanan. Sigurado akong ito na yung barkada. Pumunta sila sa gawi namin ni Lemuel nang makita nila kami. Tumayo naman na kaming dalawa.

"Tsansing talaga 'tong si Chase! Porket tulog lang si Alliana kanina e." Pang aasar ni Maidene sa kanya. Agad niya namang nilapitan si Lemuel nang makita niya ito, agad niya rin itong niyakap. Asus. 'to talagang dalawang 'to. Edi sila na! Magkatabi lang kami ni Lemuel e.

"Maidene. Hindi tsansing 'yon dahil ginusto rin naman ni Alliana. 'diba Alli?" Pang aasar nanaman niya kay Alliana at inakbayan pa 'to.

"Ulul! Utot mo." Sagot sa kanya ni Alliana. Pfft. Pahiya ka ngayon Chase! Kalakas e. Nanahimik nalang si Chase at 'di na 'to pinansin.

Ang mga babae ay naka short na katulad ko rin. Ganon rin ang mga lakaki, pero yung short na panglalaki ha. Si Redden ay naka shades habang nakahalukipkip lang sa isang tabi, may sukbit-sukbit rin itong bag. Ghad, I miss him so much. Kahit na kakakita lang namin kahapon.

"Happy Birthday Beshie! I love you!" Bungad sa akin ni Eumy at niyakap ako. Aww. Sweet talaga ng bestfriend ko. In fairness, napa lighten up niya yung mood ko ngayon.

Dear Heart, Why Him? (UNDER REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon