Chapter Four

820 229 15
                                    

From: Redden

Good Morning, beautiful :)

Ang ganda namang pang bungad sa umaga ko nito. Simula nung napag-usapan namin ang nararamdaman namin para sa isa't isa, ganyan na kami lagi. Halos lagi-lagi na ata kaming magkatext kapag walang ibang gagawin sa school, parang gawain ko na nga 'yon sa isang buong araw e, ang makipag-usap sa kanya, kasama na 'yon sa routine ko. Siguro kung walang klase, baka 'yun na lang ang ginawa namin maghapon.

To: Redden

Good morning din :)

Ngayon nga raw pala yung araw na ita-try niyang kausapin na ako in person, siyempre pangit nga namang tignan na sa text lang kami nag uusap. Parang tanga lang 'diba, kailangan pa planuhin when in fact, dapat ay parang normal na lang iyon.

"Good morning, bespren!"

Kilala niyo naman na siguro kung sino 'yan 'no? No other than Eumy Padilla. Hindi mabubuo ang araw ko nang hindi naririnig ang sigaw at tili niya.

"Kaag-aga, napaka ingay," agad kong sabi sa kanya, agad naman siyang napasimangot sa sinabi ko.

"HA-HA-HA"

"Ano bang meron at ikaw naman 'tong napakasaya ngayon?" Tanong ko sa kanya habang nagpapalaman ng tinapay, agad kong kinagatan iyon. Gutom e, bakit ba.

"Duh. Acquiantance na kaya bukas, so meaning.. mag sho-shopping tayo mamaya para bumili ng maisusuot!" Masaya niyang tugon. Halata nga e, may patalon-talon pa siyang nalalaman, pumapalakpak pa. Ano kayang vitamins ang pinainom ni tita dito? Hyper.

"Oo nga pala," simpleng sabi ko.

"Sus. If i know, excited ka rin kasi may chance na isayaw ka ni Re-" hindi na niya natapos kasi agad kong isinungalngal sa kanya yung tinapay na pinapalamanan ko ulit kaninaSa kanya tuloy napunta yung pagkain ko. Kadaldal kasi! Alam naman niyang andito si mama, e. Napalingon tuloy dito sa gawi namin, ngumiti lang sa kanya si Eumy.

"Sinong magsasayaw sa kanya, Eumy?" Mapanuring tanong ni mama.

Tinignan ko naman ng masama si Eumy na halos mangiyak-ngiyak na nginunguya yung isinupalpal ko sa kanyang tinapay. Ako naman ngayon yung tinignan niya ng masama, nagpapalitan lang kami ng tingin. Samantalang si mama naman ay takang-taka na talaga.

Eumyyy!


"Muntikan na talaga kanina Eumy!" Pagsesermon ko sa kanya, kinabahan rin ako doon ha, si mama pa naman 'yon. Baka mamaya interview-hin ako pagkauwi ko sa bahay e.

Buti na lang iniba niya yung topic, sinabi niyang ma le-late na kami. Pero totoo talaga 'yon, 'di na naman namin napansin yung oras kanina, buti na lang ay hindi kami napagsaraduhan ng gate. Ka-vibes kasi ni Eumy yung guard, ma silbi rin talaga pagiging maingay nito e. Napaka-daldal kaya kayang-kaya niya i-close lahat.

Kaming dalawa lang ngayon sa table, nasa cafeteria kasi kami ngayon. Katatapos ng symposium, boring na boring talaga ako kapag may nagsasalitak apag may mga symposium. Wala lang din akong naintindihanm tapos bawal pa mag cellphone, kinokolekta ng mga teacher kapag nahuli nila. Yung mga lalaki naman nag o-order pa lang kasami nila Alliana, mas nauna kasi kami, kadarating lang nila kanina.

"Sorry na! Alam mo namang 'di ko mapigilang kiligin sa inyo ni Redden eh. At saka, hoy! Halos mabulunan ako do'n sa tinapay ha!" sigaw niya sa'kin. Kung maka sigaw talaga 'tong babaeng 'to, magkatapat lang naman kami. Kayang kaya ng walang mic, e.

" Sayo nga napunta yung pagkain ko e, nutella pa naman 'yon," pag e-emo ko, paborito kong palaman 'yon. Hindi na ako nakapagpalaman ulit kasi late na kami. Lagi na lang.

Dear Heart, Why Him? (UNDER REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon