Bawat araw ay na e-enjoy ko rin naman dito sa beach resort na pinuntahan namin. Tuwing hapon ay naliligo ako sa dagat, morena ako kaya baka sa pasukan ay mukha na akong baluga. Lol. Sensitive ang balat ko at madali lang rin akong umitim dahil sa kulay ko, buti pa 'tong kasama ko ay hanggang sa namumula lang.. bwisit, na i-insecure ako sa kaputian nitong lalaking 'to ha. Pfft. Pero nagkakaroon naman ng sunburn.
Naglalagay ako ng sunblock pero mukhang 'di naman ume-epekto, kainis. Hindi talaga katulad ng balat ko ang balat ni mama na ang daling humiyang sa mga kung ano anong pinapahid sa katawan.
"Tara na kumain." Aya sa akin ni Ellis at tumayo na.
Hindi siya naligo dito sa dagat e, babantayan niya lang daw ako dahil baka daw magpakalunod na ako dahil sa break up namin ni Red. Gunggong rin 'to e, ano ako tanga para sayangin buhay ko kay Red?
Hindi rin kasi ako marunong lumangoy kaya hanggang babad lang ako at kung ano anong ginagawa sa tubig."Mamaya na." Sabi ko naman sa kanya at lumusong na ulit sa may tubig.
"Anong mamaya na? Maawa ka sa kulay mo, hoy. Baka 'di ka na makita sa pasukan." Pang a-asar niya sa akin. Ay grabe din.. hindi naman ako ganon kaitim 'no! Basta morena lang.
"Heh! Kupal. Palibhasa maputi ka e." Sabi ko naman sa kanya sabay irap at ambang babasain siya, agad naman siyang tumakbo palayo dahil dun.
"Joke lang boss. Tara na kasi!" Inis niya pang sabi. Aba't, ang sarap batukan nitong isang 'to.
"Kainis." Bulong kong sabi at sinundan na siya papasok sa loob. Nag tuwalya muna ako para naman hindi ako basang basa pagkadating namin sa loob.
"Oh, tamang tama ang dating niyo. Let's eaaaaat." Aya ni tita Eliz at pinatong na sa lamesa ang niluto niyang... chicken pastel.
No, Caliyah. Wala kang naaalala diyan. Walaaaaaaa!
Favorite ni Redden..
Aaaaargh. Whatever.
Umupo na ako sa tabi ni mama, ganon rin si Ellis sa tabi naman ni tita Eliz, bale magkaharap kaming dalawa at panay nanaman ang asar niya sa akin dahil sa mga tingin niya, alam niyang may naaalala nanaman ako. Hindi ko talaga maintindihan 'tong isang 'to, gusto niya ba talaga akong makalimot, o hindi? Grr. Inirapan ko nalang siya.
Nagsimula na kaming kumain.
"May malapit na mall dito, gusto niyo bang mamasyal doon bukas? Ihahatid kayo ng driver kung gusto niyong pumunta doon bukas." Pag o-open topic ni mama. Mall? Nice. Para naman maiba ang puntahan namin.
"Pwede lang naman ma, and gusto ko ring makapasyal dito. Ewan lang kung gusto rin ni Ellis." Kibit balikat kong sabi sabay tingin dito sa katapat ko na kumakain rin.
"It's okay for me too, sayang naman ang pagsama namin dito kung hindi namin lilibutin." Sabi rin niya, napatango tango nalang ako.
"Great. 9:00 Am tomorrow, maaga namang nagbubukas ang mall dito." Sabi pa ni tita Elliz. Sa ibang mall kasi ay 11:00 Am pa bago magbukas, kailangan pang maghintay. Tss.
Sumang ayon nalang kami ni Ellis dun at tinuloy na ang pag kain. Kailangan kong gumising ng maaga bukas dahil 10:00 Am ang madalas kong pag gising dito sa beach resort kaya dapat ay mas maaga ako bukas.
Napabangon ako nang may kumakatok sa pinto ng kwarto ko ng pagkalakas lakas, may balak atang gibain yung pinto.
"Teka lang!" Inis kong sigaw at tamad na tumayo para tignan kung sino ba yung hinayupak na katok ng katok sa pinto ko, panira ng tulog. Tsk.
Binuksan ko ang pinto at tumambad sa akin ang inis na mukha ni Ellis. Kaaga aga e, ganyan nanaman yung mukha niya
"Ano ba 'yon Ellis? Kaaga aga mong mambulabog." Inis ko ring sabi sa kanya sabay kusot pa ng mga mata ko, antok pa ako e.

BINABASA MO ANG
Dear Heart, Why Him? (UNDER REVISION)
Teen FictionNote: This is my very first story, pagpasensyahan na kung medyo bata-bata ang simula, sa kalagitnaan medyo okay na. I'm currently revising this story, thank you. Started: May 4, 2017 Ended: November 4, 2017