Chapter Thirty Five

334 47 0
                                    

Bago pa ako mapagalitan ay agad na rin akong pumasok sa loob ng bus. Naabutan kong nag ce-cellphone nanaman ang loko, hindi ba sumasakit ang mata nito? Hindi ko alam kung bakit hindi pa rin siya bumabagsak sa klase samantalang parang halos puro cellphone lang naman siya.

Nilapitan ko siya at tinanong. Wala ng hiya hiya 'to.

"Paano mo nabuksan cellphone ko?" Tanong ko sa kanya. Antanga ba ng tanong ko?

Inangat niya naman ang tingin niya sa akin at saglit na tinigil ang paglalaro.

"You didn't change your password."
Simple niyang sagot at tinigil saglit ang paglalaro. Naninibago pa rin ako sa kanya.

Napanganga nalang ako ng mapagtanto kong hindi pa nga pala ako nakakapagpalit ng password sa cellphone.

Araw kung kailan nagsimula ang lahat, unang araw ng M.U namin. Nakaramdam naman ako ng hiya dahil nalaman niyang hindi pa rin ako nagbabago ng password. Alam ko rin ang password ng cellphone niya. Tss. Sure naman na nag iba na rin siya ng password. His password before is my name, pero PIN pa rin siya. 2254924. Ang haba 'no? Dibale, mataas naman ang IQ niya. Tsk.

"P-Pero bakit mo ginawa 'yon?"

"What?"

"You replied to Ellis, sana ay hinayaan mo nalang." Sabi ko sa kanya, kumunot naman ang noo niya dahil do'n.

"I just want him to know that you're with me." Walang emosyon nanaman niyang sabi, nalaglag nanaman ang panga ko do'n at tinignan siya ng may halong pagtataka.

Samantalang siya naman ay parang wala lang nangyari at itinuloy na ang paglalaro sa kanyang cellphone, ako naman ay umupo na rin sa tabi niya, sa malapit sa bintana. Naramdaman ko nanamang umaandar na ang bus, it means paalis na ulit kami.

3:00Pm.

Rinig ko nanaman ang mga ingay ng mga estudyanteng tila naeexcite ng bumaba at libutin ang buong resort, samantalang ako naman ay medyo tinatamad pang tumayo pero medyo nangawit na rin ako dahil kanina pa kami nakaupo.

"Okay, students. We're arrived. Welcome to Dinadiawan, Aurora. I'm sure that all of us will enjoy this whole event. Ready yourself guys." Muli nanamang sabi ng principal namin.

Nagsitayuan na silang lahat, ganon rin kami, nauuna ako kay Red samantalang nasa likuran ko lang naman siya, medyo nahihilo pa ako dahil ngayon nalang ulit ako nakapag byahe ng matagalan, kaya dinadahan dahan ko lang ang paglalakad.

Nang pababa na ako ay na out balance ako, mali ang pagkakahakbang ko kaya natapilok ako. Ngunit naramdaman ko ang isang kamay na humawak sa kamay ko para mapigilan ang pagkatumba.

"Careful. Tss. Still that clumsy, Caliyah?" Halos tumaas lahat ng balahibo ko ng maramdaman ko ang kanyang hininga sa aking leeg ng magsalita siya. Damn. It gives me shiver.

"S-Sorry." Hindi ko alam ngunit 'yan ang lumabas sa bibig ko. Kasabay nun ay ang pagkalas niya sa pagkakahawak sa kamay ko at sa bewang ko. Medyo nailang ako doon, ngayon ko nalang ulit naramdaman ang kamay niya.

Tuluyan na kaming bumaba sa bus. Kinuha na rin namin yung maleta namin sa kabilang sasakyan, nakita ko rin si Ate Chrisna doon, dala dala ang maleta niya. Nginitian nanaman niya ako, samantalang si Red naman ay nanatiling nasa likod ko habang dala dala rin yung mga bagahe niya. Tinignan naman ako ng nakakaloko ni Ate Chrisna, alam ko ang ibig sabihin nila kapag ganyan.

"Alam mo na ba kung sino ang magiging roomate mo?" Tanong niya sa akin.

"Hindi pa e. Ang alam ko ay sasabihin nila sa atin mamaya?" Patanong kong sabi sa kanya. Napatango naman siya.

Dear Heart, Why Him? (UNDER REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon