Chapter Forty

331 32 8
                                    

Masaya silang nag ke-kwentuhan samantalang ako ay nakatunganga lang dito sa isang tabi, mahapdi pa rin ang mata ko dahil sa pag iyak kagabi, halo halo na ang dahilan.. na-mi-miss ko si Ellis, naguguluhan rin ako kila Red at Eumy, kailangan ko pang maliwanagan sa bagay na iyon. Sa 'di kalayuan ay pansin ko ang mga titig ni Red sa akin, parang gusto niyang lumapit ngunit hindi niya magawa. Medyo malapit lang sa akin sila Alliana na pinag u-usapan ang JS Promenade next next week, hindi talaga ako makasabay sa kanila kapag ganitong may bumabagabag sa isip ko.

Maya maya ay lumapit na sila sa akin, nginitian ko lang sila ng tipid.

"Okay ka na ba?" Tanong ni Maidene sa akin, tumingin ako sa kanya at umiling.

"Basta if you need some help, we're here for you." Sabi naman ni Alliana, tumabi siya sa akin, inakbayan niya ako kaya humilig naman ako sa balikat niya, muli nanamang tumulo ang luha ko sa aking pisngi.

"Alam kong hindi lang yung pag alis ni Ellis ang bumabagabag sa'yo, ano pa 'yon, Caliyah?" Tanong naman ni Lemuel, they know me so well. Alam na alam nila kapag may problema ako.

"Tell us, Caliyah.. nag a-alala na kami sa'yo, pagkatapos nung sa inyo ni Redden, ngayon naman ay kay Ellis, tapos may isa pa na hindi namin alam." Sabi ni Maidene, gusto na talaga nila akong mag kwento.

Inilibot ko muna ang tingin ko, si Redden ay kasalukuyan ng nagbabasa ng libro, paminsan minsan ay humahawak sa cellphone niya na parang may ginagawa rin doon. Maybe ka-text niya si Eumy..? Speaking of Eumy, wala siya ngayong araw, hindi siya pumasok..

"Caliyah." Tawag nila. Sabay sabay nanaman sila.

Ikinuwento ko sa kanila lahat ng nalaman ko, iba iba ang reaksyon nila. Si Maidene ay nainis, as usual. Si Alliana naman ay natuwa dahil hindi naman daw pala totoo na hindi ako minahal ni Red, yung dalawang lalaki ay parang okay lang naman sa kanila.

Sumasakit ang ulo ko.

"Tsk! Kung hindi lang sumingit si Eumy, malamang ay kayo pa rin ngayon!" Sabi ni Alliana na parang affected na affected.

"Kung hindi sumingit si Eumy, hindi rin maipapasok si Ellis sa eksena." Sabi naman ni Chase, napatingin kami sa kanya.. tama siya, hindi ko siguro magiging ka-close ng ganon si Ellis kung hindi kami nag break ni Red, malamang ay pagbabawalan ako ni Red.

Eto nanaman yung feeling na nahahati yung feelings mo sa dalawang tao.. Pero alam ko kung sino ang mas lamang, kung sino ang pinakahinahangaan kong tao..

"Pero sa puso mo, Caliyah.. alam mo kung sino talaga. Alam mo kung sinong nagpapatibok niyan, alam mo kung kanino ang mas malala." Sabi ni Lemuel.

Si Red.. ang unang lalaking inibig ko.

Mahalaga silang pareho sa akin, pero mas iba talaga kapag tungkol kay Red.. sobrang lakas ng epekto niya sa akin.

"Caliyah.. always remember, follow your hear-"

"How can I follow my heart if it is broken?" Tanong ko.

"Si Ellis na mismo ang nagsabi sayo 'diba? Sabi mo siya na mismo ang nagsabi sa'yo na bigyan mo ng chance si Redden, hindi namin ganon kakilala si Ellis.. pero I know na magiging masaya siya basta masaya ka rin, he really loves you Caliyah.. kaya ka niya pinakawalan, gusto ka niyang maging masaya sa totoong kaligayahan mo, at ang kaligayahan mo talaga ay si Redden.."

"Alam kong naguguluhan ka pa.. take your time. Oo, naapektuhan ka nga dahil sa pag alis ni Ellis. Pero pag si Redden ang umalis, hindi ba't mas masasaktan ka? Aminin mo sa sarili mo na mahal mo pa rin si Redden, maybe you're just afraid, takot ka lang umamin dahil takot kang masaktan ulit. Pero nalaman mo naman na 'diba.. hindi nawala ang pagmamahal niya sayo. Give him a chance to explain, Caliyah.. kailangan niyong linawin sa isa't isa ang bagay na iyon. Trust me, maaayos pa 'to kung mag u-usap at magkakalinawan kayo." Sabi ni Maidene, lahat sila ay sumang ayon doon. Tama siya, kailangan naming magkaalaman, kailangan naming linawin lahat ng bagay. Alam kong maaayos pa ang samahan namin.. even with Eumy maski na may lamat na ito..

Dear Heart, Why Him? (UNDER REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon