Pagmulat ng mga mata ko ay puting kisame agad ang bumungad sa akin, umaga na pala, ramdam ko ring hindi na ako naka gown. Parang sobrang bigat ng ulo ko dahil medyo masakit pa rin ito. Inilibot ko ang paningin ko, sigurado akong nasa hospital ako.. nakita ko sila mama at Red na nag u-usap, mukhang hindi pa nila ako napapansin na gising na. Si Red.. sigurado akong alam na niya, lalo na't ngayon na kausap niya si mama. Baka hindi na rin naitago ni mama sa kanya.
Napaiwas ako ng tingin ng mabaling ang tingin nila dito sa pwesto ko, hindi ako makatingin kay Red. I know I'm pale right now, maputla ako at halatang may sakit na parang wala ng lunas.
"Gising ka na, anak.." Sabi ni mama, kita ko sa mga mata niya na katatapos niya lang umiyak. Hindi ko kayang makitang ganto si mama, nasasaktan rin ako.
Napatingin ako kay Red, I saw the disappointment in his eyes. Galit ba siya sa akin? Mahal niya pa rin kaya ako? May nagbago kaya sa feelings niya kung nalaman niya ng may sakit ako?
Alam kong napansin ni mama iyon, tumikhim siya at nagpaalam muna sa amin.
"I think you need to talk, tatawagin ko muna si Doktora."
Marahang lumapit si Red sa akin at umupo sa upuan sa gilid ko, may pagtatanong sa mga mata niya.
"Why you didn't tell me, Caliyah? Isang buwan na pala 'to pero hindi mo man lang sinabi sa akin. I'm so fuckin' frustrated right now, bakit.. bakit 'di mo agad sinabi sa akin?" Tanong niya, hindi ko kayang tumingin sa mga mata niya na parang pagod.. parang hindi ito natulog, parang kulang ang mga tulog niya.
"A-Ayaw kong mag-alala ka." Tanging sagot ko lang sa kanya. Napahawak naman siya sa bridge ng ulong niya dahil sa sagot ko.
"Dapat sinabi mo pa rin sa akin.. no more secrets, right? Hindi mo alam kung gaano mo ako pinag alala last we-"
"Last week? 'd-'diba kagabi lang naman ako nawalan ng malay?"
Seriously? I thought it's just last night. Yun ang pagkakaalam ko. Parang kailan lang kasi ay masaya kaming dalawa.. kinukuhanan niya pa ako ng picture nung gabing 'yon, we dance like there's no tomorrow.
"No. Last week ka pa nawalan ng malay. Habang hindi ka pa gumigising, hindi mo alam kung gaano mo ako pinag a-alala. Tapos malalaman ko na may sakit ka, hindi mo man lang sinabi sa akin.. Makita kitang nakahiga dito at walang malay, parang unti unti rin akong pinapatay, Caliyah.. At ang sakit sakit rin malaman na isang buwan mong itinago sa akin 'to."
"Nagbago na ba ang pagmamahal mo sa akin?" Hindi ko alam ngunit 'yan ang lumabas sa bibig ko para itanong sa kanya.
Nakita ko ang pagtataka sa mukha niya, hindi makapaniwala sa tanong ko. Gusto ko lang malaman ang sagot niya.. I want the truth. Maybe I'm just scared, natatakot ako na baka mawala ang pagmamahal niya sa akin dahil nalaman na niyang may sakit ako.
"What kind of question is that, Caliyah?" Aniya at umiling iling pa dahil hindi siya makapaniwala sa tanong ko.
Alam kong iniisip niya na pinagdududahan ko ang pagmamahal niya ngayon. But It's not like that..
"Just answer my question." Malamig kong sabi.
"Bakit mo ba natatanong ang mga ba-"
"Redden."
"Caliyah, sagu-"
"Gusto mo pa bang mahalin ang taong malapit ng mamatay?!" Sigaw ko sa kanya.
Maging ako ay nagulat sa nagawa kong pagsigaw. Ayaw niya kasing sagutin ang tanong ko.. gusto ko lang namang malaman ang sagot niya. It really means a lot to me.
BINABASA MO ANG
Dear Heart, Why Him? (UNDER REVISION)
Teen FictionNote: This is my very first story, pagpasensyahan na kung medyo bata-bata ang simula, sa kalagitnaan medyo okay na. I'm currently revising this story, thank you. Started: May 4, 2017 Ended: November 4, 2017