Chapter Forty Eight

305 12 0
                                    

Isang buwan na ang nakalipas mula nung surgery ko. Inayos ni mama ang mga papeles ko sa school, dahil hindi muna ako papasok dahil sa kalagayan ko ngayon, kailangan kong magpahinga lang at 'wag magpaka stress. Tinulungan siya ni Red ayusin lahat ng papeles ko sa school, si mama ang nag aayos dito sa bahay samantalang si Red naman ang nagpapasa nito at nag a-asikaso sa school. Sinabi naman namin sa kanya ni mama na 'wag nalang at mag focus nalang siya sa studies niya. But knowing Red, hindi siya pumayag.. tapos naman na daw niya yung mga requirements kaya hayaan nalang daw siya na tumulong sa amin. Wala na rin kaming nagawa.

Pero ngayong araw ay naiinis ako, wala kasing text si Red, ni isa ay wala. Nag a-alala nanaman ako sa kanya. Imposibleng nasa school pa siya dahil alas syete na ng gabi, maaga siyang umuuwi. Hindi niya ako pinuntahan sa ospital, ngunit alam niyang ngayon ako ma-di-discharge. Haaaaay.. nasaan kaya si Alexander?

"Ma, magpapahinga po muna ako sa kwarto ko." Sabi ko kay mama nang makapasok na kami dito sa bahay.

I missed this place, lalong lalo na ang kwarto ko. Napatingin pa ako sa sarili ko dito sa full length mirror sa sala. Pumayat ako, I still look pale. Naka leggings at long sleeve ako ngayon, suot suot ko rin ang isa sa beanie na ibinigay ni Red. Kulang nalang ay mag mukha na akong buto't balat. Tsk.

"O'sige. Mabuti pa nga't pumunta ka na sa kwarto mo. Namimiss ka na rin siguro ni Re-- este nung kwarto mo. Sige na, umakyat kana doon." Sabi ni mama habang dahan dahan akong itinutulak papunta sa kwarto ko.

Nagtataka man ay pinihit ko na ang doorknob ng kwarto ko at dahan dahang binuksan iyon. Laking gulat ko ng makita ko ang isang lalaking nakatayo, he's holding a boquet of red flowers, nakaharang 'yon sa mukha niya. Sumandal lang ako sa pintuan at unti unting napangiti nang malaman ko kung sino 'to, unti unti niya rin kasing inaalis yung flowers na ipinangtatakip niya sa mukha niya.

"Welcome home, My Queen." He said while smiling, inabot niya sa akin yung flowers. Agad ko namang inamoy 'yon, nakakaadik.

"Thank you!" I said then hugged him, binaon ko lang ang mukha ko sa dibdib niya. We stayed like this for a while.

"Anything for you." Aniya at hinalikan ang tuktok ng ulo ko.

Napansin ko pa ang kama ko na may nakapatong na banner, 'Welcome home, My Queen.' ang nakalagay doon. I almost cried because of happiness. Napuno rin ng pink na balloons and ribbons ang kwarto ko, kaya naman pala pinapamadali ako ni mama umakyat dito.

"Kaya naman pala hindi ka nagtetext." Sabi ko na ikinatawa niya.

"Yeah. Kanina pa ako andito, natulog pa nga ako e." Sabi niya at nag hikab pa. Loko talaga 'to.

"Really? E hindi pa nalalabahan 'yang mga bedsheet simula nung napunta ako sa hospital." Sabi ko naman sa kanya. Yeah, of course nasa hospital kami nung mga araw na 'yon, walang ibang nakakapag asikaso dito sa bahay.

"Nah. It's okay, kaamoy na kaamoy mo lang rin naman kaya parang kasama kita dito." Aniya habang tinitignan ang kabuuan ng kwarto ko.

Pagkatapos nun ay hinila nanaman niya ako para mayakap, inamoy nanaman niya ang buhok ko. Strawberry flavor daw. Flavor? E?

"You really lost your weight. Ang payat mo na." Aniya. Malamang ay yakap niya ako ngayon kaya alam kong napapayatan siya sa akin, halata rin kasi maski kapag titignan lang.

"Hindi na ako sexy." I said. Tinignan naman niya ako ng nakakaloko.

"Nah. You're so damn hot, Cali." He said. Nang bola nanaman ang loko. Pinang gigilan ko lang ang pisngi niya, he's so cute.

Pagkatapos nun ay hindi niya pa ako pinapababa, ewan ko ba dito. Siya naman 'tong weird ngayon, sabi niya ay samahan ko daw muna siya dito sa kwarto ko. Tsk tsk.

Dear Heart, Why Him? (UNDER REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon