Chapter Forty Seven

324 13 0
                                    


REDDEN's POV

Halos manlumo rin ako ng makitang red flat line na iyon, tumigil na ang mga doktor, hindi na rin nila siya ginagamitan ng defibrillator. Tanging tunog ng machine na 'yon ang nakakapagpakaba sa akin.

Hindi. Hindi pwede ito..

"Fight for this, Cali.. please, I'm begging you." Bulong ko. Hindi kami makapasok sa loob dahil patuloy pa rin siyang pi-na-pump maski na nag red flat line na iyon.

Nang umiling na ang doktor ay hindi ko na rin nakayanan. Napaupo nalang ako dito sa gilid at napasandal sa pader, napasabunot ako sa buhok ko. Naramdaman ko nalang ang pagtulo ng luha ko at ang pagkirot ng puso ko. It can't be.. hindi 'to totoo, nananaginip lang ako.

Si tita ay humahagulgol na at paulit ulit na binabanggit ang pangalan ni Caliyah, pilit siyang kino-comfort nila Lemuel at Maidene, si Alliana ay nakatulala lang sa loob ng Operating Room, katabi niya si Chase.

I really can't believe this. No. Sinabi niya na lalabanan niya 'to, sinabi niyang kakayanin niya 'to.

I believe in you, Cali.. Wake up, please.

"OMyGod! Bumalik yung heartbeat ni Caliyah! She's still alive!" Napatayo kaming lahat dito dahil sa pagsigaw ni Alliana na nakatulala lang kanina. Iba na ang tunog ng machine ngayon, hudyat na bumalik na nga ang heartbeat niya. Hindi na flat line.

Mabilis akong pumasok sa loob, kasama ko si tita at inaalalayan siya dahil baka anytime ay bigla siyang manghina dahil sa mga nangyayari.

I smiled when I saw how she fight for this one. She's still my brave girl.

"She's a fighter. Nakayanan niya pa rin ang operasyon, her heartbeat was back. She's now in stable condition, mamaya ay pwede na rin siyang magising. I'll tell you the result, later. Ililipat na rin namin siya sa private room niya mamaya." Napangiti ako nang marinig ko kay Doktora iyon. Kahit papaano ay nabuhayan pa rin kami ng loob.

Lumapit ako sa kanya, I held his hand.

"Thank you for staying, you did it well, Cali.. I love you." I whispered then kissed her forehead. Kita ko kung paano tumulo ang luha sa pisngi niya, I wiped it using my thumb. I smiled, I know that she heard me.

She's sleeping but I know that her senses is awake.

Laking pasasalamat ko dahil pinili niya pa ring labanan ito, pinili niya pa ring manatili. Patuloy rin akong nagpasalamat sa panginon dahil binigyan niya ng lakas si Caliyah sa operasyon na iyon. Hindi ko kayang mawala siya sa akin.. I lose her once, at hindi ko na hahayaang maulit pa iyon. I love her and I'll do anything for her, I want her to stay with me..

CALIYAH's POV

I opened my eyes, ramdam ko ang bigat ng ulo ko, napahawak ako dito.. ngunit ang nahawakan ko ay isang benda. The surgery was done, masaya akong isipin na andito pa rin ako. Nakahiga sa hospital bed pero buhay pa rin. Ramdam ko ang pagkirot ng ulo ko, dahil siguro ito sa operasyon.

Napatingin ako sa gilid ko. Napangiti ako ng makita ko si Red, he's sleeping.. nakatungo siya dito sa hospital bed, naka uniform pa siya, masaya akong malaman na pumasok nga siya. Buti at hindi siya nagpumilit na hindi pumasok, babatukan ko na talaga 'to kapag nagpumilit pa siya. Siguro ay dumiretso nanaman 'to dito pagkagaling niya sa school.

I lift my hand to touch his hair, hinimas ko ito. Ba't parang ang gulo naman ata ng buhok nitong lalaking 'to?

Nagising ko ata siya dahil bahagya siyang gunalaw, he lift up his head. He smiled when our eyes met.

Dear Heart, Why Him? (UNDER REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon