Prologue

2.1K 51 1
                                    

"Close your eyes." bulong ng prinsipe malapit sa tenga ko.

Ramdam ko ang banayad niyang hininga sa ulo ko at ang kanyang mga braso na nasa tabi ng mga braso ko. Bumilis ang tibok ng puso ko.

Kumunot ang noo ko sa pagbilis nito. What's this?

Isinantabi ko iyon at pumikit.

Nanigas ako nang may maramdamang enerhiya sa balikat ko na hinahawakan niya. Parang may lumulutang galing sa kamay niya patungo sakin.

"What's that?" tanong ko nang maramdaman ang bagay na iyon.

"Me." mahinahong sambit niya.

I thought it was death? Bakit niya gagamitin ang kapangyarihan niyang iyon sakin.

Napalunok ako. Hindi kaya...

Narinig ko ang mahinang tawa niya, "I'm not killing you, today."

Kumalma naman ako sa sinabi niya. Ilang sandali pa ay kinuha na niya ang mga kamay niya sa balikat ko.

Wala naman akong naramdaman kahit anong pagbabago sakin. Anong ginawa niya?

"You can open them, now."

Mahinang minulat ko ang mga ko. Nanigas ang buong katawan ko. Hindi ako makapaniwala sa paligid ko ngayon.

May mga nilalang na nagliliparan na parang maliliit na butuin sa paligid. May ilaw ang mga kahoy na parang nakikita ko ang kanilang mga enerhiya. Pati ang mga bulaklak ay ganoon rin. May lumulutang ring mga ilaw sa paligid.

What's in front of me is too beautiful to exist..

Naglakad ako ng mahina para lapitan ang mga nilalang na lumilipad. Nagsilapitan rin sila sakin at pinagmasdam ako. Mukha silang maliliit dragon na may pakpak ng alitaptap. Umiilaw sila at lumilipad sa paligid.

Sumiwalay ang ngiti sa labi ko. Nakapakaganda nila. Nagsimula silang magsiliparan sakin at lumipad palibot sakin. Tumawa ako at sinubukang abutin yung isa ng aking palad.

Sinulyapan ko ang prinsipe nang may ngiti sa labi.

Nakita ko siyang nakatitig lang sakin na bahagyang nakaawang ang labi at nakapamulsa.

"Ano ito?" namamanghang tanong ko.

Lumapit siya at hinawakan ang isa sa mga lumilipad na nilalang. Dumako ito sa palad niya.

"Reminiscence of death. Before a school, this place was a forest. This was it's form before."

Nakitingin ako sa kanya ng may pagkamangha. Ibig sabihin, palagi niya itong nakikita?

Ang dating anyo ng lugar na ito ay nakakamangha at napakaganda. Isa rin ito sa mga kaya niya gawin sa kapangyarihang hawak niya.

Ang makakita ng mga bagay na pinanggalingan ng isa.

"All in death, remains truth and beauty of a place." sambit niya.

Naisip ko rin na wala na ang lahat ng ito sa ngayon, pero kaya niyang ipakita at ibalik. Walang nakakakita nito ngayon sa paaralan kundi kami lamang.

I looked at him.

Nilalaro siya ng nilalang na parang matagal niya na itong kakilala. May ngiti sa mga labi niya habang hinahawakan ang nilalang, may iba ring lumalapit pa sa kanya.

He's not what I thought he was, neither his power.

Now, I think he's so much more.

Naalarma ako sa bilis ng tibok ng puso ko. Hindi, masyado pang maaga, Thea. Higit sa lahat, hindi pwede. Hindi maaari. Tigilan mo kung ano man ito.

Huminga ako ng malalim para pakalmahin ito at pumunta sa mahal na prinsipe. Kasalukuyan pa rin niyang nilalaro ang mga nilalang.

Napatigil siya ng makita akong papalapit. Nginitian niya ang mga nilalang bago lumapit din sakin.

Tumigil siya at tumayo sa harapan ko nang nakangisi at parang hinihintay ang mga sasabihin ko.

Ngumiti ako sa kanya. "You know, I just thought, death isn't that ugly at all."

Tiningnan ko ulit ang paligid ko bago binalik ang tingin ko sa kanya at marahang tumango.

"It's unlikely beautiful now."

Kahit sa mundo ko pa man ay hindi na ako takot sa kamatayan. Ngayon na nasa harapan ko na ang may hawak nito, handa akong ialay ang puso ko para mayakap lang ang prinsipeng may hawak nito.

Isang bagay na hindi papayagan ng buong kalikasan ng mundo niya. Ang dalawang nilalang mula sa magkaibang mundo, kailanma'y hinding-hindi magtatagpo.

Pero handa pa rin akong yakapin ang kamatayang ito.

***

This is Legend of the Stars #1

Soundtrack of the whole story on the multimedia above. I recommend you to check it out for the feels :)

Title: Spirit of the Wild by BrunuhVille

-kimsyzygy

The Last Intruder (Legend of the Stars #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon