The King
Sa tanang buhay ko, ni minsan ay hindi ko inisip na magkakaroon ako ng isang desisyon na makakaapekto sa karamihan. Parating merong gumabay sakin at sinasabi kung ano ang mas makakapagbuti.
My parents loved me and my sister, all their lives. Para sa kanila, kami ng kapatid ko ay nararapat na mabuhay ng marangya at masaya. We're spoiled. Hindi rin kami masyadong nagkakaroon ng problema.
My sister said, I'm the most understanding person in the world. Sabi niya, madalas daw ay inuuna ko yung ibang tao bago ang sarili ko. Parati ko siyang tinutulungan sa mga bagay na gusto niyang gawin kahit bawal ito para sa ikakasaya niya. Tinutulungan ko siyang makatakas sa bahay para mag-bar. It's fine with me. Naiintindihan ko naman siya. Kapag gusto niyang gawin iyon, gusto niyang makahinga sa mga taong matataas ang inaasahan sa kanya. She's a bit of a rebel.
I miss my life, back then. But I think, I will this place too, someday.
Sa bawat araw ko dito ay kailangan kong sulitin sa pag-iisip para sa magiging desisyon ko. Hindi pa ako tuluyang nakumbinsi ni Chloris na gawin ang pagtatapos sa propesiya. Kailangan ko pa ng konting oras para makapagdesisyon. Ihahanda ko rin ang sarili ko kung sakaling magkaroon ulit ng digmaan dito sa paaralan.
Ang rinig ko mula kay Sora ay inatake daw ang isa sa kaharian nila sa silangan. Tama nga sila. Gumagalaw na ang mga kalaban.
Kasalukuyan kong hinihintay si Dalia sa labas ng kagubatan ngayon. Pinuntahan niya ako sa kwarto ko kanina at nag-aya na samahan ko raw siya sa panggagamot ng mga puno.
Kahit ang mga puno sa paaralan ay nanghihina at namamatay na rin dahil sa itim na mahikang galing sa mga elves at fairies na nahawakan sila. Unti-unti na ngang nag-iiba ang paaralan.
Naaanig ko si Dalia sa loob ng kagubatan. Nasa harapan siya ng isang puno at hinahawakan niya ito at parang kinakausap nang nakangiti. Napangiti ako. She's the kindest.
Tumayo siya at pinagpag ang palda niya at lumingon sakin. Malapad siyang ngumiti sakin at sinenyasang ayos na raw siya. Tumango ako ngumiti rin.
Naglakad siya pabalik sa direksyon ko.
Napakunot ang noo ko nang may biglang humablot sa braso niya na isang lalaki.
Napatingin siya sa lalaki at nanlaki ang mata na parang nagulat. Napahinto siya sa paglalakad tumingin-tingin sa paligid nang may bahagyang pangamba sa mga mata niya.
Tiningnan ko sila. Hindi nakauniporme ang lalaki at nakasuot lang ito ng isang lumang kasuotan. Mukha siyang mas matanda ng ilang taon kay Dalia at sakin. Ngayon ko lang din siya nakita rito.
Pinanood ko silang mag-usap. Nagtaka ako kung bakit mukhang kabado si Dalia habang kinakausap ang lalaki. Pabulong silang nag-uusap at may malaking distansya sa pagitan nila.
Maglalakad na sana ulit si Dalia nang hawakan ng lalaki ang kamay niya at hinalikan ang likod nito. Bahagyang nanlaki ang mga mata ko. Yumuko ang lalaki sa kanya at tumalikod na paalis.
Yumuko si Dalia at hinawakan ang kamay niyang hinalikan ng lalaki bago pumunta na sa direksyon. Natigilan siya ng makita akong nakatingin.
"A-Ate!" bati niya sakin saka pilit na ngumiti. Mukhang nakalimutan niyang nandito ako kanina.
"T-Tara na?"
Nauna siyang maglakad sakin at sumunod ako.
"Who's that?" tanong ko.
Sa tingin ko ay matagal na silang magkakilala ni Dalia para hayaan siya nitong halikan ang kamay niya. Pinagtataka ko lang ay kung bakit ngayon ko lang siya nakita.
BINABASA MO ANG
The Last Intruder (Legend of the Stars #1)
FantasyLegend Of The Stars #1 (Completed) •Alignments Theana Khione was never someone who holds power. She is the girl who chose to be powerless, completely invisible, breakable, and alone. But, when the glinting world crumbles, all are on it's last seek f...