Soundtrack for the chapter:
Who Stays With Me To The End by Pete Malkin**
Rise of the King
Lahat ng mga hakbang ko sa lupa ay ang aking huli. Lahat ng nadaraan ko ay hindi ko na muling madadaanan pa. Everything's fading. Pakiramdam ko may umiihip papalayo sa lahat ng nakikita ko.
Unti-unti ng lumalabas muli ang marka sa braso ko. Sumasakit ito pero hindi ko na pinansin pa. My whole attention is focused on the stardust.
Lumilipad ito ng mabilis papasok sa paaralan. Marami kaming nakakasalubong na mga nakakatakot at madudungis na mga nilalang pero agad silang nahahawi ng ilaw palayo. Piniprotektahan kami nito sa pagtakbo.
Habang tumatagal ay may napapansin ako si ilaw na ito. Habang tinititigan ko ito ay parang nakita ko na ito dati pa man.
Ang kisap at kulay nito ay pamilyar sakin, sa isang lugar na hindi ko matandaan.
Kumirot ang braso ko. Halos mawalan ako ng balanse. I shook my head. Nangibabaw na ang takot sa dibdib ko. May unti-unting nawawala sa paligid ko, parang may nagiging abo o usok ito.
Humina ang takbo ko.
Hinawakan ko ang ulo ko. Hindi.. hindi pa. Huwag muna. Wala pa siya.
"No.. no, Theana, not yet. Snap the fuck out of it! Nandito ka pa!" Naramdaman ko ang pagyugyog ni Vaia sakin.
Nahawi ko ang paghinto rin ang ilaw at lumapit sakin. Tumigil ito sa harapan ko na tila tinitignan ang lagay ko.
"Kailangan mo pang pumasok sa tore.. sa silid!"
Ginalaw ko ang ulo ko at pilit na ituon muli ang pansin ko sa paligid. Sumasakit na ang marka, parang mahinang gumagapang ito sa buong katawan ko. Si Vaia ay patuloy pa rin sa pagyugyog sakin.
"Malapit na tayo.." usal niya.
Umungol ako at humakbang muli.
Mabilis na kumilos paharap ang ilaw at lumipad ulit. Inalalayan ako ni Vaia habang tumatakbo.
Napansin kong ginagamit niya na rin ang kapangyarihan niyang kontrolin ang nga elemento para hawiin lahat ng mahiking pilit na tumama samin.
"S-Si Laurent, Vaia.." mahina kong usal sa kanya.
Hinihangal siyang tumingin sakin habang nakaangat ang isang kamay niya sa ere para magpalabas ng kapangyarihan niya.
Malungkot na tingin ang binigay niya.
"He's on his way so please, wait for him. Don't fucking disappear on me yet. I will hate you endlessly if you do."
Mahinang natawa ako at umiling sa kanya. Bahagyang ngumisi rin siya.
"He's calling them. All the ravensiels hidden in Astraea responded to his call." muling saad niya.
Nabuhayan ako ng loob ng sambitin niya iyon. He will be fighting after all.
"Sundan niyo sila! Patungo sila sa korona!" sigaw ng isa sa mga nilalang humahabol samin.
"Inaatake tayo! Narito na ang mga kaharian!"
"Kasama nila ang mga taong lobo at ang mga tagagubat!"
"Mas madami pa rin tayo!"
May mga pagsabog na akong naririnig sa paligid. Mga sigawan at hiyawan na hindi ko na alam kung saan nanggagaling. Tila mas lalong dumidilim na rin ang buong lugar.
Nagulat ako nang magsilabasan ang mga trolls mula sa ilalim ng lupa.
Yumanig ang lupang tinatakbuhan namin namin dahil sa paglabas nila. Bumunot sila ng malalaking kahoy sa paligid at nanlilisik ang mga matang tumakbo patungo sa likuran namin, sa nilalang na sumusunod samin.
BINABASA MO ANG
The Last Intruder (Legend of the Stars #1)
FantasyLegend Of The Stars #1 (Completed) •Alignments Theana Khione was never someone who holds power. She is the girl who chose to be powerless, completely invisible, breakable, and alone. But, when the glinting world crumbles, all are on it's last seek f...