Betrayal
Mabilis akong napalayo kay Laurent. Tinulak ko ang dibdib niya papalayo at tumingin kay Dalia na hindi maipinta ang mukha.
Nakatayo siya bukana ng kweba. Balak niya rin sigurong pumunta rito para tingnan kung nakalabas na ako mula sa loob.
Kalmado lang na humakbang papalayo sakin si Laurent at nilagyan distansya ang pagitan namin. Sumalyap siya muna sakin bago bumaling rin kay Dalia.
Nanatili lang siyang kalmado at tila hindi naapektuhan sa inaasta niya.
"Dalia.." tawag ko sa kanya.
Nagpabalik-balik ang tingin niya samin ni Laurent. Hindi niya alam kung sino ang pagtutuonan niya ng pansin.
Naguluhan ako sa pinapakita niya. Para siyang hindi mapakali at mabibigat ang hiningang nakatitig samin. Kumunot ang noo ko.
"Dalia?" tawag ko muli.
Hindi niya ako pinansin at tuluyang ipinako ang tingin kay Laurent na walang emosyong nakatitig lang sa kanya.
"K-Kuya L.." kinakabahang sambit niya.
Sinubukan niyang pakalmahin ang sarili niya. "A-Anong--" pumiyok ang boses niya. "A-Anong ibig s-sabihin nito?"
Inaasahan kong magugulat siya kapag nalaman niya ito pero ngayon ay hindi lang gulat ang nakikita ko sa kanya kundi matinding takot.
Lumipat ang tingin ko kay Laurent.
"I love her." walang panghihinayang niyang sambit na ikinagulat ko.
Kinigat ko ang ibabang labi ko at hinayaan siyang magsalita.
"Maiintindihan mo ito." mariing sambit niya kay Dalia. "You loved someone else too, you're disobeying. But I let you because you're still young. I can understand. Understand me now."
Marahas na umiling si Dalia sa kanya at bumakas ang galit sa mukha niya.
"H-Hindi! Ano bang ginagawa mo, kuya? Alam mo ba kung anong mangyayari sayo kapag nalaman ito ng ama mo?!" malakas na sigaw niya.
Bumaling siya sakin. "At si ate Theana.. alam mo kung anong mangyayari sa kanya?! Ipapatay siya! How dare you drag her into this!" nagngingitngit niyang sigaw.
Masamang tingin ang ipinukol niya kay Laurent. "Sinasabi ko na nga ba. Ang mga titig mo sa kanya noong nasa paaralan pa lang! Ang pagbibigay mo ng proteksyon, kahit ang iyong singsing! Napansin ko lahat ng iyon!"
Tahimik lang na nakatingin sa kanya si Laurent.
"This is none of your concern." kalmadong saad nito. "Stay out of it, Dalia."
"And what?! Hindi mo ba alam ang mga nangyayari sa paaralan? They're torturing every student, and turning them wicked. Halos wala ng buhay ang mundo natin.." She turned to me with pleading eyes.
"Ate Thea, please don't be selfish just like the first one. Nahulog rin ang loob niya noon sa isang maharlika at tinraidor kaming lahat. Huwag kang gumaya sa kanya! Mga traidor kayong lahat!"
Nagulat ako sa pagsigaw niya sakin. Ni minsan ay hindi pa ako pinagtataasan ng boses ni Dalia. Natitiyak ko na ngayon na may mali sa kanya. Parang may nangyari sa kanya na hindi ko alam.
Halatang hindi niya pa alam ang buong katotohanan sa likod ng nangyari noon at sa unang nakapasok kaya nagawa niyang sabihin ito sakin. Nagkakamali siya.
Hinarap ko siya. "Hindi ako nagiging makasarili, Dalia. Hindi mo ba nakikita? Narito na ako at sinusubukang tuparin ang propesiya.." marahan kong sambit sa kanya para pakalmahin siya.
BINABASA MO ANG
The Last Intruder (Legend of the Stars #1)
FantasyLegend Of The Stars #1 (Completed) •Alignments Theana Khione was never someone who holds power. She is the girl who chose to be powerless, completely invisible, breakable, and alone. But, when the glinting world crumbles, all are on it's last seek f...