Chapter One

1.7K 47 2
                                    

Intruder

"Saan ba kasi tayo pupunta?"

Hindi ko na mabilang kung ilang ulit na akong nagtatanong kay Zaki kung saan ba talaga kami patungo. Mahigit isang oras narin kaming naglalakad sa kagubatang ito. Tagaktak na ang pawis ko at nabibigatan narin ako sa bag pack na dala ko.

Pinunasan ko ang noo ko na pawis na pawis na. Napatingin ako kay Zaki na lakad parin ng lakad habang nakatingin sa isang libro. Kung alam ko lang na ito ang pahahantungan ng pag-aya niya sakin ay sana hindi na ako sumama.

Napailing ako.

"Basta. Malapit na tayo.."

I rolled my eyes. Kanina niya pa yan sinasabi na malapit na kami. Ni hindi ko nga alam kung saan kami pupunta. Inaya niya ako na samahan siya sa isang lugar sa mga kakahuyan.

Una kong naisip kampo o bahay kubo lang, pero ang layo na ata ng narating namin. Inis kong sinipa ang bato sa daan.

Si Zaki ay ang kababata ko at madalas nga siyang ganito. Minsan nahuhuli ko nalang na malalim yung iniisip niya o minsan nakatulala lang. Naniniwala rin siya sa mga nababasa niya. Impluwensya siguro ng mga libro. At heto ngayon, nahihibang na yata.

"Tangina..." bulong ko.

Paika-ika na akong naglalakad. Tulo parin ng tulo ang pawis ko. Papalubog narin yung araw. Tumindig ang balahibo ko at binilisan ang paglalakad.

"Zakira Fuerte, gagabi na. Wala pa ba tayo? Pagod na ako."

Patuloy parin ang lakad niya. Palipat-lipat ang tingin niya sa mapa at sa daan. Kinalabit ko siya pero parang wala lang sa kanya yun. Para siyang nahihibang na naglalakad patungo sa kung saan mang lugar hinahanap niya.

"Zaki! I'm tired!" usal ko sa kanya ng may iritasyon.

Binalewala niya lang ako. Naririnig kong bumubulong siya ng mga salita at nakakunot ang noo niyang nakatingin sa mapa.

Fuck. This is stupid.

Biglang tumama ang ulo ko sa likod niya.

Hindi ko namalayang huminto pala siya. Nakatingin siya sa mapa tapos sa daan ulit. Binaba ko ang malaking bag na pasan ko saka umupo sa sobrang pagod.

"We're here." bulong niya. Hindi ko na alam kung para sakin ba iyon o sa sarili niya.

Napailing ako. "Ano ba talaga ang pinunta natin dito? Papagalitan ako ng mga magulang ko nito, Zaki. Lampas curfew na ako--"

Hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng bigla siyang lumuhod at tumingin sakin. Tinaas niya ang mapang hawak niya.

"Listen to me, Thea. Ito ang mapa papunta sa lugar na kung saan hindi normal ang mga maninirahan. I know it's impossible to believe and it sounds stupid. Pero kong gawin ito at gusto kong maniwala ka sakin dahil kaibigan kita."

Nanlaki ang mga mata kong nakatingin sa kanya.

Nahihibang na nga siya. Lugar na ito? Mga naglalakihang puno lang ang nakapalibot samin at mga damo! Ito ba yung epekto ng pagbabasa?

"What the hell are you talking about? We're in a forest. A freaking forest! Walang nandito kung hindi mga kahoy at baboy damo! And what? Hindi normal ang naninirahan? Multo? Aswang? God, Zaki! You're out of your mind."

Naiinis akong umiwas ng tingin sa kanya. Dapat hindi nalang pala ako sumama. Alam niya pa ba ang daan pabalik?

Balak ko na sanang tumayo at umalis pero umiling siya.

"Theana, please, believe me. Ang lugar kung nasaan tayo ngayon ay hindi normal. I've been searching this wand for years. I need your trust." sabi niya.

Tumalikod siya sakin at may kinuha sa bag niya.

The Last Intruder (Legend of the Stars #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon