Rage
Mabilis akong napabangon dahil malalakas na katok na nanggagaling sa pintuan ko. Napakurap ako at tumayo papunta roon.
Sinalubong ako ng nanlilisik na mga mata ni Meyin pagkabukas ko nito. Dinuro niya ang mukha ko.
"Ikaw!" galit niyang sigaw.
Ang matandang ito. Inaasahan ko nang ito ang isasalubong niya sakin dahil sa pagkawala ko kahapon. Hindi ko lang inaasahang ganito kaaga niya ako pagbubuntongan.
At base sa itsura niya ang bagong gising lang din siya dahil sa sabog niyang puting buhok at pantulog niyang damit. Halatang kakabangon niya palang sa kama.
"Meyin--"
Sinenyasan niya aking tumahimik. Nilagay niya ang dalawang kamay sa beywang niya at tinaasan ako ng kilay.
"Hindi mo na kailangan magpaliwanag pa, sinabi na sakin ng prinsipe ang nangyari." Mariin niya akong tinitigan.
"Ang pinag-aalala ko lang, paano kung may nakakita sa inyo?! Masyado ka pang hindi pamilyar sa palasyo na ito! At ang mga tagapagsilibing nagdala ng pagkain rito, mabuti nalang at nalusotan kong may dinaramdam ka sa tiyan kaya nasa banyo ka buong araw!"
Napatulala ako sa kanya.
Minasahe niya ang ulo niya at dinuro ulit ako. "Sa susunod, kung patagong tatakas kayong dalawa, huwag niyo namang ipahalata. Huwag niyo masyadong tagalan, dapat sakto lang para hindi bisto!"
Hindi ko alam ang magiging reaksyon ko sa sinabi niya. Nalilito ako. Dapat sakto lang daw. Binibigyan niya ba ako ng payo?
Napailing ako sa inisip ko.
Ang buong akala ko ay pangangaralan niya ako dahil sa pagkawala ko, pero pinagtakpan niya pa ako mismo. Hindi ko maiintindihan ang matandang ito.
Itinaboy niya ang kamay kong nakahawak sa pintuan at pumasok sa loob.
"Alam mo ba, noong kabataan ko ay nahulog rin ako sa isang nilalang. Bawal ang pag-iibigan namin kaya madalas kaming palihim na nagkikita. Sobrang ingat ko noon para hindi kami mahuli ng aming mga kauri.." Humarap siya sakin.
"Ngunit masyadong mapaglinlang ang mga tandhana namin."
Wala na ang nanlilisik niyang nga mata at napalitan ito ng pagkalumay. Ngumiti siya ng marahan at tumingin sa itaas na tila may mga inaalala.
"Hay, hanggang ngayon nakakapanabik ka parin pala, mahal."
Napangiti ako sa sinabi niya. Walang bahid na kalungkutan ang pagkakasabi niya nun, kundi puno ng damdamin at sinseridad. Parang isang matandang binabalikan ang buhay niya noon at dinadama ito muli.
Bumuntong hininga siya ibinalik muli ang seryosong titig niya. "Aaminin kong hindi ako sang-ayon sa kung ano mang namamagitan sa inyo ng prinsipe, pero magtitiwala ako sa kanya.."
Bumaling siya sakin. "Simula pagkabata ay puro pagsasanay at pakikipaglaban na ang nasa mga kamay ng batang iyon. Hindi siya basta-bastang susuko sa isang ito.."
Tumikhim siya at tumalikod muli para maghanda na.
"Pero nawa'y handa rin kayo para sa matinding sakit na dala nito."
**
Naglalakad kami ngayon ni Meyin papunta sa hardin ng palasyo. Sinama niya ako pagkatapos naming mag-ayos para naman daw makalabas ako. Binilinan niya rin ako ng mga batas rito.
Pagkalabas namin ay agad kong nasilayan ang mga enggrandeng karwahe sa labas ng palasyo. Mga kabayo magigiting na kabayo ang humihila rito sa unahan. Tanso, pilak, pula at puti ang iba't ibang kulay ng mga karwahe.
BINABASA MO ANG
The Last Intruder (Legend of the Stars #1)
FantasyLegend Of The Stars #1 (Completed) •Alignments Theana Khione was never someone who holds power. She is the girl who chose to be powerless, completely invisible, breakable, and alone. But, when the glinting world crumbles, all are on it's last seek f...