Mark
Hindi mawala sa isipan ko ang mga salita ng hari. Madungis na duwende.. ganoon ba talaga ang itsura ko? Sa pagkakaalam ko, maliliit ang mga duwende at hindi naman ako maliit. Bakit iyon ang itatawag niya sakin?
Napailing ako sa isipan sa kakaibang pananalita ng hari.
Kasalukuyan kong kasama ang tagapagsilbing nangangalang si Meyin. May katandaan na siya at isa raw siyang mababang uri ng elf na naninilbihan rito sa palasyo.
Kanina niya pa ako inaayusan. Mula sa pagliligo, pagbibihis at sa buhok ko ay pinagtutuonan niya talaga ng pansin.
Pagkatapos ng pag-uusap kanina ay agad akong hinawakan ni Meyin at dinala sa isang kwarto na may kalayuan sa mga pasilyo. Nasa mataas na lugar rin ang kwartong ito.
Hindi ko na rin nakita pa si Laurent at Vaia. Pero nang lumingon ako kanina sa direksyon nila ay naglalakad na sila kasama ng hari at reyna palabas ng silid na iyon.
"Aray.." ungol ko habang malakas na tinatali ni Meyin ang buhok ko.
Tinaasan ako ng kilay ng matanda sa salamin. Kanina niya pa ako sinusungitan simula nung ayusan niya ako. Bumuntong hininga ako. Kailan ba siya matatapos?
"Huwag kang malikot." aniya.
Tumingin nalang ako sa malaking salamin na nasa harap ko. Nakaupo ako ngayon sa harap nito habang inaayos ni Meyin ang buhok ko.
Nakalugay ang maitim kong itim kong buhok ng bahagya habang may mga konting tali ito sa sentro. Nilagyan niya rin ng kakaibang estilo ang ilang mga hibla ng buhok ko habang may konting maninipis na hibla rin ang pinanatili niyang nakalaglag sa mukha ko.
May nilalagay rin siyang mga ipit na mukhang mga rosas sa mga nakataling hibla.
Bumaling ang tingin ko sa kanya. Seryoso ang mukha niya sa ginagawa niya.
"Matagal na po ba kayo rito?" tanong ko sa kanya para maibsan ang katahimikan.
Sandali siyang tumingin sakin sa salamin bago ito binalik sa ginagawa niya.
"Ilang henerasyon na rin ng mga Van Doren ang nasilbihan ko." sagot niya.
Inayos niya ang ilang hibla sa mukha ko.
"Halos ako na nagpalaki sa mga prinsipe."
Kumunot ang noo ko sa kanya, "Mga prinsipe?"
Bumuntong hininga siya at tumango, "Ang tatlo pang nakababatang kapatid ni prinsipe Laurent. Maliliit pa ang makukulit na mga batang iyon."
Tumaas ang kilay ko sinabi niya. May mga kapatid pa si Laurent? Ngayon ko lang nalaman ito. Hindi pa niya ito nababanggit sakin.
Napadaing ulit ako nang hinila niya ng malakas ang isang hibla ng buhok ko sa likod.
"Matagal pa ba iyan?" nakakunot-noong tanong ko sa kanya. Naiinip na ako at nangangalay na ang likuran ko. Sobra na itong pag-aayos niya sakin.
Umikot ang mga mata niya sa tanong ko at tumango.
"Ang sabi ng hari, gawin kang kaakit-akit." kaswal niyang saad.
Napaawang ang labi ko. Kaakit-akit? Di hamak naman na mas lamang ang mga babae dito sa mundo nila. Kahit saang anggulo tingnan ay nangingibabaw ang kanilang mga mukha.
Tumingin ako sa itsura ko sa salamin. Naalala ko ang itsura ni Vaia kanina. Kahit kailan, hindi ko siya mapapantayan. Kinigat ko ang ibabang labi ko at inalis ito sa isipan ko.
Umusog siya para tingnan ang kabuoan ng mukha at buhok ko sa salamin. Lumapit siya at inayos ng kaunti ang mga rosas sa ulo ko saka ngumiti.
"There.." malumanay niyang saad, "Maganda ka na."
BINABASA MO ANG
The Last Intruder (Legend of the Stars #1)
FantasyLegend Of The Stars #1 (Completed) •Alignments Theana Khione was never someone who holds power. She is the girl who chose to be powerless, completely invisible, breakable, and alone. But, when the glinting world crumbles, all are on it's last seek f...