End
Wala akong tigil sa pagtakbo patungo sa taas ng tore. Kung saan ko nakita noon at kung saan rin ngayon patungo ang maliit na ilaw sa harapan ko.
Maitim ang mga pader ng tore. Wala ni isang kwarto at walang katapusang hagdan lang na paikot-ikot patungo sa itaas. Sa natatanging silid nito.
Nang pumasok ako rito, pakiramdam ko pumasok ulit ako sa ibang mundo. Iba ang ang ihip ng hangin. Banayad lang ito at kalmado, hindi katulad ng sa labas.
Punit-punit na ang damit ko at puno na ang buong katawan ko ng marka. Naramdaman kong dahan-dahan na iyong pinapalibutan ang mukha ko, kahit ang hibla ng buhok ko ay may tila ibang kulay na rin.
My body is slowly turning gold because of the mark. Tuluyan ng napuno ang isang kamay ko nito at unti-unting gumagalaw patungo sa dibdib ko.
Naalala ko ang kasabihang ginto ang oras. Sa kalagayan ko, tila totoo nga iyon.
Naririnig ko pa rin ang mga pagsabog at labanan sa labas. Tumingin-tingin ako sa mga nadadaanan kong maliliit na bintana habang tumatakbo.
The war is raging wide. Kita mula rito ang dami ng iba't ibang uri ng nilalang na naglalabanan hanggang sa labas ng paaralan patungo sa matataas na mga burol.
Even the skies went dull because of the roars and growls of the flying winged beasts. Gumuguho at nabibitak ang mga lupain dahil sa paglabas ng mga nilalang na may mga sungay mula sa ilalim.
Tuluyan ng nasa lupa ang mga ravensiels na may hawak na pana o espada at nakikipaglaban. Mga sigawan ang nangingibabaw sa gabing ito. Samu't saring pagsabog, kahit saan ako tumingin sa bukana ng mga bintana ay may digmaan na parang abot sa dulo ng mundong ito.
Kahit ang mga malalayong baybayin na halos hindi ko na masilayan ay may labanan rin. Gumagalaw ang dagat at may nilalang na naglalabasan mula roon.
Hindi ko akalaing mapapaloob ako sa sineryong ito na ang buong daigdig ay tila nasa dulo na ng katapusan neto at sakin nakasalalay ang lahat ngayon. Sa loob ng toreng ito ang huling pag-asa ng lahat--ng karamihan.
Sa mga sandaling ito ay napapaisip ako. I clearly don't belong in this world. Bakit ko ito ginagawa? Bakit binuwus ko ang buhay ko para sa mundong ito na hindi akin? Sakit at hirap lang ang nakuha ko rito.
Anong ipinaglalaban ko sa mga oras na ito?
Nawawalan na ako ng hininga dahil sa pag-akyat. Nanginginig na ang mga binti ko at tila matutumba na. Wala akong mahawakan para alalayan ang sarili ko.
Tanging ang ilaw at ang tibok ng kwintas nalang ang nagiging gabay ko.
Halos lumalabo na ang paligid na parang inihip papalayo at nagiging isang malabong tanawin nalang. Kulang nalang ay gumapang ako patungo sa silid.
Hanggang ngayon ay may isang bagay nalang ang gumugulo sa isipan ko. Si Epione. Dito siya namatay sa loob ng toreng ito.. at dahil iyon ang hiling niya kay Nephalae. Bakit?
Bakit niya hihilingin ang bagay na iyon? At bakit hindi nalang niya diretsong nilagay ang korona sa trono? Bakit kailangan ako pa ngayon?
Hindi ko na alam ang iisipin ko. Nasa silid lang ang buong kasagutan.
Tumapak ako sa huling tapakan ng hagdan. Tumigil na ang ilaw sa harapan ng isang.. malaking larawan.
Naramdaman ko ang bilis ng tibok ng susing nasa leeg ko. Sobrang bilis na tila may sinasabik ito na nasa harapan niya na mismo.
Tinitigan ko ang larawan.
Hindi iyon tao o lugar, kundi isang bagay na napakapamilyar sakin. Ang bagay na sinira ko sa harapan ni Selera.
BINABASA MO ANG
The Last Intruder (Legend of the Stars #1)
FantasyLegend Of The Stars #1 (Completed) •Alignments Theana Khione was never someone who holds power. She is the girl who chose to be powerless, completely invisible, breakable, and alone. But, when the glinting world crumbles, all are on it's last seek f...