Chapter Fourteen

691 38 2
                                    

Pain

Nanatili ang mga mata kong nakatitig sa kanya.

Hindi ako makapagsalita. Kamatayan. Hindi ko inaasahang kamatayan ang abilidad niya. Masasabi kong sa lahat ng abilidad na nasa loob ng paaralan na ito, sa kanya ang pinakamapanganib at makapangyarihan.

Umangat ako ng tingin sa kanya.

Hanggang ngayon ay nakatingin pa rin siya sakin, parang may hinihintay siyang inaasahang gagawin ko.

Pinanliitan ko siya ng mata, "Tinatakot mo ba ako?"

"Tingin mo matatakot mo ako?" natatawang tanong ko.

Bigla siyang umawis ng tingin sakin, tumalikod siya at parang nabulunan. Nagulat ako dahil sa biglang niyang inasal.

Umuubo siya na parang nabubulunan.

Hinahawakan niya yung tiyan niya habang umuubo. Nang tumigil siya at marahas siyang tumingin sakin ng may pagkalito sa mukha.

"Are you serious?" hindi makapaniwalang tanong niya sakin.

Kumunot naman ang noo ko, "Huh?"

Hindi siya makapaniwalang umiling-iling habang nakatingin sakin. Ilang segundo pa ay umangat ang sulok ng labi niya.

Yumuyukong umiling siya ulit. Niligay niya ang dalawang kamay sa kanyang bulsa at umayos ng tayo.

"That's it?" natatawang sabi niya.

Hindi ko maintindihan ang tanong niya. Ano bang inaasahan niya reaksyon galing sakin?

Umiling siya, "But no, hindi kita tinatakot." sabi niya at tumikhim.

Mahinang tumango nalang ako at pinaglaruan ang mga palad ko. Tumingin ako sa kanya.

"So.. it's really death?"

Tumango siya, "It's death." sabi niya at sumeryoso ulit.

Ngayon parang nakikita ko na kung bakit bawal pag-usapan ang ability niya. Anak siya ng isang hari tapos kamatayan ang kapangyarihan niya. Siguro, kung titignan ng iba ay kakatakutan talaga siya dahil kung siya ang magiging susunod na hari, maaaring marami ang mangangamba sa kanya at sa kaharian niya.

Hindi ito ang inaasahang kapangyarihan galing sa isang prinsipe.

"I sense death in everyone and everything. I can tell when death is coming and I can control deaths."

Tinitigan ko siya, "And.. you're okay with it?"

"It is a curse, yes, I never wanted it nor my family. But death will always be a part of life, it's only a matter if time." bahagya siyang lumapit sakin.

"The important thing is, I only control death, not how they spend life."

Napatitig ako sa kanya ng ilang segundo bago umiwas.

"But you can still end it.." pabulong na saad ko.

"Then, that's my part to deal with.." mahinang sambit niya at nakuha ko ang ibig sabihin niya mula roon. Bahagyang bumaba ang tingin ko.

"Are you afraid, now?" seryosong tanong niya sakin.

Binalik ko ang tingin ko sa kanya at mahinang umiling. "No."

Malalim ang pagtitig ng mga pilak niyang mata na may bahid ng kuryosidad sakin. Tila may nakikita akong bahid na maliliit na kumikinang na mga bituin mula roon at hindi ko na magawang umiwas pa.

"Why?"

"Because I always look at the brighter side of death." sabi ko at ngumiti ng mapakla.

Napansin kong natigilin siya at napaawang ang labi.

The Last Intruder (Legend of the Stars #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon