Chapter Twenty-five

695 41 1
                                    

Existence

Marami akong gustong itanong kay Laurent. Sa bawat oras na lumilapas, pakiramdam ko ay unti-unti rin akong nauupos. Tila bang bawat segundong naririto ako ay mas naging mahalaga pa.

Sigurado akong nalalaman na ni Laurent ang lahat. Hindi ko alam kung anong binabalak niya ngayon. Wala siyang sinabi sa grupo na ipinagtataka ko. Madalas ay wala silang tinatago sa isa't isa.

Hindi ko rin maiwasan ang makaramdam ng kaba sa tuwing naiisip ko ang tungkol sa amin ni Laurent. Ang bagay na sa pagitan namin.. ay maaaring pagsisihan namin sa huli.

Bumangon ako mula sa pagkakahiga sa kama at tumayo. Tumingin ako sa bintana at inalala ang nangyari kagabi.

Halos manatili kami ni Laurent sa balkonahe buong magdamag. Hindi kami masyadong nag-usap at tahimik lang habang nakatingin sa kalangitan. Nakahilig ako sa balikat niya at siya sa ibabaw ng ulo ko. Hanggang sa hindi ko namalayang nakatulog na pala ako sa balikat niya at ngayon ay nagising nalang ako na nasa kama na ako.

Bumuntong hininga ako at naglakad malapit sa bintana. Umaga na pero nananatili pa rin ang bituin sa langit sa mundong ito na parang maliliit na mga alitaptap na nakapalibot sa araw.

Sa oras na mawala ako rito, isa ito sa mga panauhing hindi ko malilimutan mula sa mundong ito.

Napayuko ako.

Sana hindi ako mahihirapang umalis. Pero tila niloloko ko ang sarili ko kapag ganoon. Umiling ako.

Kailangan kong pananatilihin ang desisyon ko.

Napalingon ako sa likod nang narinig kong bumukas ang pintuan. Nakita ko si Meyin na nagmamadaling pumasok.

Kumunot ang noo ko nang dinuro niya ako ng hintuturo niya.

"Huwag kang lalabas sa kwartong ito ngayong araw, naiintindihan mo?"

Hinarap ko siya at nalilitong tiningnan, "Bakit?"

"Darating ngayon ang mga hari't reyna ng apat pang kaharian. May pagtitipong magaganap at masinsinang pag-uusap." sabi niya at tinitigan ako ng mariin.

"At isa pa, wala silang kaalam-alam na nandito ka. Panigurado, kapag nalaman nila ay ipapatapon ka nila sa selda. Masyadong depensibo ang mga iyon."

Bumuntong hininga siya, "O' siya, dito ka lang. Papadalhan lang kita ng pagkain sa mga katulong."

Tumalikod siya at lumabas na. Mabilis niya ring sinara yung pintuan habang bumubulong bulong pa ng kung anong salita na parang nagrereklamo.

Napailing nalang ako. Hindi ko talaga lubosang maintindihan ang matandang iyon. Bigla-bigla nalang nag-iiba ang mga inaasta niya at madalas nagiging sarkastiko.

Nagpakawala ako ng hininga at tumingin sa paligid ng kwarto. Mukhang makukulong ako rito buong araw. Naglakad-lakad ako at nag-umpisang mag-isip ng pwedeng gawin.

Pupunta pala rito ngayon ang mga hari't reyna, ibig sabihin ay pupunta rin si Haring Daniel. Gusto ko ng ipaalam sa kanya ang desisyon ko at ang tungkol sa markang lumabas na sakin. Pero paano? Hindi ako maaaring lumabas rito.

Panigurado ring pag-uusapan nila ang tungkol sa pag-atake sa paaralan at sa wand. Naisip ko rin ang tungkol sa wand dahil buong akala ko ay hawak ito ni Headmaster Sullivan. Papaanong ipapadala niya iyon ulit dito at nasaan ba siya?

Nagsimula na akong magbihis ng inihandang susuotin ko ni Meyin ngayong araw. Mukhang ginagawa niya akong pansamantalang manika niya pagdating sa mga damit at buhok.

Inayos ko ng maigi ang mahabang puti na damit sa pinasuot niya sakin ngayon. Mas komportable ako sa damit na ito kesa sa kahapon.

Umalis ako sa harapan ng salamin nang makatapos at naglibot sa kwarto.

The Last Intruder (Legend of the Stars #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon