Chapter Eighteen

705 34 2
                                    

Strange

Walang emosyon siyang nakatingin sakin na ikinabahala ko. Parang may sinabi akong nakapagpatigil sa kanya at hindi niya inaasahan.

Naramdaman ko nanaman ang kakaibang pagtibok ng puso ko. Ito ang unang beses na nakaramdam ako nito sa isang.. kagaya niya.

Tumalikod siya mula sakin at nakita kong huminga siya ng malalim.

"For a human, you see things so differently in this world."

Bahagya niya akong sinilip sa likod niya. Umigting ang kanyang panga.

"That's dangerous.."

Napayuko ako sa sinabi niya. Iba ang inaasahan niya sa mga taong galing sa mundo ko. I know his power is lethal but I chose not to think about it that way. Hindi makitid ang utak ko. At kahit sa mundo ko palang, hindi na ako takot sa kamatayan.

Aaminin kong noon ay hindi ako naniniwala sa kanila o iba pang mga nilalang pero hindi ibig sabihin nun ay hindi ko sila iintindihin. I may be not from this world but I can still understand it. Nakakagulat pero nakakamangha ang mga bagay sa mundong ito na ni minsan ay hindi ko inisip na totoo.

Tinitigan ko ulit ang paligid ko. Pansamantala, nakilimutan ko ang lahat. Ang mga nalaman ko, ang desisyong kailangan kong gawin, ang pag-alis ko. This place--this illusion is too overwhelming.

Umupo si Laurent sa ilalim ng kahoy at sumandal roon. Tahimik niyang tinitingnan ang paligid.

"All of them are gone, now." tukoy niya mga nilalang na lumilipad.

Umupo na rin ako sa isang pang puno ilang hakbang ang layo mula sa kanya. Niyakap ko ang mga tuhod ko. Alam ko.

"Such a lost." dugtong niya.

Tumingin ako sa mga nilalang. Masaya silang lumilipad sa paligid at naglalaro. Nakita ko rin kanina kung paano sila lumapit kay Laurent. I can tell, they knew him all along. Madalas nilang kasama siya.

Bumalik ang tingin ko kay Laurent.

Gusto kong malaman kung paanong may alam siya sa katotohanan at ang iba ay wala.

"How did you know?" seryosong tanong ko sa kanya.

Pinasadahan niya ako ng tingin bago ibinalik ito sa harapan niya.

"I know that old woman--Chloris. And I can see what happened before in a place. It's more like, the land's dead memories."

Napako ang tingin ko sa kanya. Kung kaya niyang makita ang lahat ng ito, pwede niya rin makita ang mga nangyari noon.

"How? Nakita mo ba ang mga totoong mga nangyari? Sa intruder? Sa korona?"

Tumango siya.

"I've been figuring everything out. Simula noong dumating ka, sinimulan kong maghanap ng mga kasagutan. I've been tracking the first intruder but it's not that easy. I can't hold on to the memory for a long time." tumingin siya sakin.

"I've seen many things. But still, I don't know the truth completely, yet. I always knew there were manipulating lies from my father."

Kung ganoon, maaaring hindi pa niya alam ang tungkol sa koneksyon ng propesiya sa akin kung ganoon. Hindi pa niya alam ang rason kung bakit ako nandito. Hindi ko din inaasahang babangggitin niya ang ama niya.

"Paano mo nakilala si Chloris?" tanong ko.

Sinabi niya na kilala niya si Chloris pero paano? Ang alam ko ay hindi naging parte si Chloris ng paaralan na ito dahil narito lang siya nang dumating ako.

The Last Intruder (Legend of the Stars #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon