Awakening
"Nahuli niyo na ba kung sino ang may pakana?"
"Hindi. Mukhang wala silang balak ibunyag ang nag-utos sa kanila."
"And only five of them turned fully wicked?"
"Yes. But some students are slowly turning, as well."
"Nag-uumpisa na.."
Dahan-dahan kong minulat ang mga mata ko. Medyo nanlabo muna ang paningin ko bago naging maayos. Puting pader agad ang bumangad sakin at mga nag-uusap na boses.
Nakahiga ako sa isang kama. Wala na rin akong nararamdamang sakit sa katawan.
Umungol ako at sinubukang gumalaw.
"Thea!"
Narinig ko ang isang boses na tumawag sakin. Lumingon ako sa direksyong pinaggalingan ng boses.
Nakita ko si Sora at Dalia na tumatakbo papalapit sakin.
"Okay ka lang ba, ate?" tanong ni Dalia sakin nang makalapit sakin.
Mahinang tumango ko sa kanya at ngumiti.
Maayos na ang kalagayan niya noong isang araw at pinayagan ng lumabas.
Nag-aalalang lumapit din si Sora.
"I'm glad you're okay, Thea."
Ngumiti sita at ngumiti din ako sa kanya.
Napatingin ako sa likod nila. Naroon sina Selera at Arawn. Nakasandal si Arawn sa upuan ni Selera habang nakatupi ang mga braso at nakatingin sa bintana na parang may hinihintay. Si Selera naman ay kunot noong nakatingin sakin na parang may iniisip.
Umiwas ako ng tingin.
"Gaano ako katagal na walang malay?"
Tinignan ko ang mga braso at binti ko. Napansin kong wala na akong hiwa at mga sugat roon.
"Three days, ate."
Napaangat ako ng tingin dahil sa sinabi ni Dalia. Three days?
"Malalim yung hiwa mo sa braso kaya nahirapan ako. Kagabi lang ito tuluyang nawala kaya ngayon ka lang din nagising." paliwanag niya.
Tumango ako nagpasalamat sa kanya.
Kung ganoon ay wala akong malay ng tatlong araw? Bumalik sa isipan ko yung mga nangyari. Ang mga tawa nila, mga itsura..
Pumikit ako at inalis ko sa isipan iyon.
"They're wicked, ate." nakayukong sabi ni Dalia.
Tinitigan ko siya.
"Nag-uumpisa ng magbago ang mga estudyante nitong mga nakaraang araw. Ang iba ay nag-iiba na yung mga mukha."
Kumunot ang noo ko. Anong pagbabago?
"Anong ibig mong sabihin?"
"Ang mga estudyanteng may mga itim na dugo ay napupukaw na. Kahit ang mga maharlika ay unti-unting nakikita ang mga pagbabago nila sa kumukulbot na mga balat, magugulong hibla ng buhok at mahabang mga kuko."
Huminga siya ng malalim.
"Yung limang kimuha sayo ay tuluyan ng nagbago ang mga anyo nila. Ipapadala sila labas ng paaralan at ikukulong."
Napailing ako ng mahina, "Hindi na ba sila mababalik sa dati? I knew one of them."
Umiling siya sakin.
"The wicked can never be good." may tono ng kasiguraduhan sa boses niya, parang pinapaalahanan niya ang sarili.
Napayuko ako. Kasalanan ko ba ang lahat ng ito? Kung hindi lang sana ako napunta rito ay walang mangyayari, walang magbabago.
BINABASA MO ANG
The Last Intruder (Legend of the Stars #1)
FantasíaLegend Of The Stars #1 (Completed) •Alignments Theana Khione was never someone who holds power. She is the girl who chose to be powerless, completely invisible, breakable, and alone. But, when the glinting world crumbles, all are on it's last seek f...