Chapter Forty-four

719 38 1
                                    

The temple and the queen

Sa sandaling minulat ko ang aking mga mata, wala na akong naanig pa kundi purong liwanag. Napakaganda. Nakakalula ang bawat kintab, anino't repleksyon sa kung nasaan man ako ngayon.

Tumitibok ang puso ko. I know, my heart was beating fast and then to a warming one. This place... I have never seen this place but... I can feel it. I belong here wherever this is. Ramdam ko sa bawat tibok ng puso ko, sa bawat pagkawala ng hininga ko at kumpas ng puting kasuotan ko sa hindi nakikilalang ere ng lugar.

Lumitaw ang ngiti sa labi ng pagkamangha. Yumuko ako at tinitigan ang sarili ko.

Isang puting damit ang suot ko. Where did I get this? I was barefoot and my skin is more whiter. Nakapaa akong nakaapak sa nagliliwanag na sahig na nababahiran ng kulay na puti. Ang buhok ko ay nakalaglag sa mga balikat ko. Bahagyang hinihipan ng di nakikilalang hangin. Ang damit ko ay kumumpas at nagiging mas malinaw sa tama ng liwanag mula sa mga pader at pasilyo ng lugar na ito.

Binuka ko ang mga palad ko. Ginalaw-galaw ko iyon. My hands were moving on the ray of lights of this place. My heart pounded. Inangat ko ang mga kamay ko at sinapo ang mukha. Pinakiramdaman ko ang sarili ko at mapaklang ngumiti nang may nabuong konklusyon sa isipan.

I'm in a dream.

Binaba ko ang mga kamay ko at muling tinanaw ang kagandahan ng paligid ko. Humakbang ng isa ang paa ko at nasundan pa iyon ng ilan pa. Sa lahat ng panaginip ko ng mga lugar, ito ang pinakamaganda.

Ngumiti ako sa sarili at bumilis ang paglalakad habang tinatanaw ang tila loob ng palasyo sa panaginip ko. I raised my hand and closed my eyes while I walked faster.

Susulitin ko ang panaginip na ito.

Nasa malaking bulwagan ako at nag-iisa. Sa bawat gilid ko ay may mahahaba at nagtataasang mga koridor na papunta sa iba't ibang bahagi pa ng palasyong ito. Napakalaki. May ngiti sa labi na tumakbo ako sa gitna ng bulwagan at inikot-ikot ang katawan. Tumingin ako sa itaas.

The mere light fron the ceiling reflected me. My smile widened. There's something with this dream that makes me feel alive. Parang para sa akin ang bawat nakikita, nalalakaran, at nalalanghap ko sa lugar na ito. Bakit iba ang pakiramdam ko rito? Tila sa napakahabang panahon, ay nahanap ko na ang lugar kung saan ako nararapat.

It felt like my soul lies here.

On the grounds, on the walls, on the air. Something awakened in my body that caused my heart to beat for this place. In this dream. May pumukaw sa loob ko noong oras na minulat ko ang aking mga mata, at alam ko nang dito ako mapupunta.

Dahil para ito sakin.

Unti-unti kong nasisilayan ang buong paligid. Napagtanto ko ang isang bagay. I wasn't on a castle. This place was more solemn, it almost felt sacred on my every breathing.

Nasa isang templo ako.

"Sa wakas, nakaharap din kita..."

Napabaling ako sa likuran. Bumaba ang mga kamay kong dinadama ang taimtim na hangin. Hindi ako nakakurap sa babaeng nasa likod ko ngayon.

Isang babaeng may maliit na ngiti sa labi at bahid ng galak sa napakaganda niyang mukha. Sobrang ganda na halos ikumpara ko na siya sa mga bituin! I gasped as I stare upon her image. She has fierceness and boldness on her brown eyes. Her expression, strong and just. Sumisigaw ang kapangyarihan sa mukha niya. Hindi lang ang kagandahan nito ang naghahari kundi pari na rin ang aura niya.

She had... a presence of a queen.

Nakataas ang kanyang noo. At kagaya ng sakin, ay nakasuot rin siya ng puti. Ngunit may bahid ng ginto at pulo ito at mas mahaba. Nakalatag na sa sahig ang ginintuang parte nito. Sa ilang dulo ng manggas niya ay nakapaibaba na rin at may burda pang iba't ibang kulay. She had her long hair fall to her chest upto the bottom of her waist. Kulot ang mga itim niyang hibla at nakapusod ang ilan sa likod niya. Bahagyang tumagilid ang ulo niya para tignan ako.

The Last Intruder (Legend of the Stars #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon