Chapter Thirty-four

578 26 2
                                    

Beg

"You better beg to us.."

"No, Lilith! You gave us your word. Get the key and go. Wala ito sa utos ng reyna." rinig ko sambit ni Arawn.

Nakahawak pa rin si Magnus sa buhok ko habang si Lilith ay hinahawakan ang baba ko.

Masamang tingin ang ipinukol ko kay Lilith. Hindi ako magmamakaawa sa harapan ng isang katulad niya. Kahit ano pa mang gagawin niya, hindi ko ibibigay ang gusto ng bruhang ito.

"Shut up, pup!" sigaw ni Magnus at mas lalo pang hinigpitan ang hawak niya sa buhok ko.

Kinigat ko ang ibabang labi ko para pigilan ang pagdaing. Nag-umpisa ng maglabasan ang mga luha sa mata ko.

"You can't hurt her, Lilith. You have no power over Laurent's ring." ani ni Dalia.

"And who says I'll use spells?" nakangising sagot niya.

Nilagay niya ang wand niya sa gilid ng punit-punit niyang palda. May binigay sa kanya si Magnus at halos manghina ako nang makita ang isang espada sa kamay niya.

"I'll be using this.." hinimas himas niya ang espada saka tumingin sakin. "..and this!"

Sinampal niya ako ng malakas. Napabaling ang ulo ko sa ibang direksyon dahil sa sampal niya.

Napalunok ako para pigilan ang pag-ungol dahil sa sakit ng pisngi ko. Nanatili ang ulo ko sa nakaiwas sa kanya.

Nagsitawanan silang dalawa.

"At ano naman ngayon kung wala ito sa utos ng reyna? We are doing her a favor!" Sinampal niya ulit ako patungo sa kaliwang direksyon.

Matutumba na ako sa lupa nang hawakan ulit ako ni Magnus paupo at paharap kay Lilith.

Halos mapunit na ang labi ko dahil sa pagkakagat rito para pigilan ang pagdaing ko sa ginagawa niya. My sight started to blur.

"Lilith.. no," rinig kong pagmamakaawa ni Dalia.

Pinukulan siya ni Lilith ng masamang tingin. "Malambot ka pa rin pala, batang prinsesa?"

Sinubukan kong tiningala ko si Dalia. Nakaawang ang baba niyang nakatingin sakin. Umiling-iling siya at umiwas ng tingin sakin na para bang pinipigilan niya ang sarili niyang magpaloko.

"K-Kailangan pa natin siya.." sambit niya at hinarap si Lilith. "Kailangan pa natin siyang iharap sa reyna sa araw ng digmaan."

Marahas na tumayo si Lilith at itinuon sakin ang hawak niyang espada.

"I know. Pero hindi sinabi ng reyna na hindi natin siyang pwedeng pahirapan ngayon." she laughed.

"Ah!" hindi ko napigilan ang pagsigaw ko nang pinilit akong patayuin ni Magnus habang pinipihit ang buhok ko.

Nanginging at nangangalay ang mga binti kong tumayo.

Pinaharap niya ako kay Lilith.

"Sister, make her bleed a little, eh?" nakakalokong sambit niya.

Ngumisi naman siya sa harapan ko. "Give me the key." utos niya.

Tinutok niya ang talim ng espada pisngi ko. Naramdaman ko ang hapdi noon.

Hinarap ko ang mga mata niya. "No.."

Mas lalong napangisi siya at diniin pa ang espada sa pisngi ko. Tuluyan ng nagsilabasan ang mga luhang kanina pang nagbabadya sa mga mata ko.

Tumawa siya nang makita ang mga iyon.

"You have a pretty face.." saad niya at inilapit niya ang mukha sa tenga ko at bumulong, "I hate pretty faces."

The Last Intruder (Legend of the Stars #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon