Chapter Seven

774 31 0
                                    

Disturbance

"Fuck, no." matabang na sabi ni Laurent habang nakatitig sakin.

"You don't have a choice. Sayo ang pinakamalapit na kwarto na mapupuntahan at siguradong hindi siya susundan ng mga trolls at gargoyles dito." mahinahong sagot pabalik ni Selera.

Ipinaliwanag kanina ni Selera kay Laurent kung bakit dito muna ako matutulog sa kwarto niya at hindi kung bakit hindi ako makabalik sa kwarto ko.

Tahimik lang akong nakatayo sa likod ni Selera habang nagtititigan sila. Siguradong nag-uusap ang dalawang to sa mga isip nila. Hinayaan ko lang sila at naghintay nalang.

"She's not safe outside, L.."

Seryosong bumaling sakin si Laurent. Pinasadahan ko siya ng tingin. Nakasuot ito ng long-sleeves na polo, nakapantalon na itim at nakabulsa ang dalawang kamay nito dito. Sa suot niya, mukha siyang may pupuntahan.

Medyo magulo rin ang abo niyang buhok at nahahawi ng ilang hibla nito ang silver niyang mga mata. May suot din siyang mahabang gintong kwintas na may simbolo ng tila parang bituin.

Until now, I never thought that I would be staring at this kind face--his face. Ni minsan ay hindi ko nasilayan ang ganitong uri ng mukha sa mundo ko, na para bang maiiging iginuhit na obra-maestra. Nakakalula.

"And you think she's safe here?" malamig na tanong nito at ibinalik ang tingin niya kay Selera.

Matuwid siyang tumayo, "You're letting a human stay with me?"

Kahit boses niya ay puno ng kapangyarihan, hindi maipagkakailang na prinsipe ito.

Malamig niyang tinitigan si Selera at bahagyang pinasadahah ulit ako ng tingin, "You know my situation." madiin niyang saad.

Hindi rin nagpatalo si Selera at seryosong tinitigan din ito at nagsalita, "Come on, Laurent. Can't you be a prince just like any other prince for once? I know how serious you situation is pero ngayon lang ito and look at her! Do you think she can make you lose control?" sabi ni Selera at tinuro ako gamit ng isang kamay niya.

Yumuko ako ay tinignan nalang ang paa ko. I really didn't mean any of this pero masyado ko ng naaabala ang dalawang to at mukhang hindi naman papayag si Laurent. Bakit nga ba papayag ang isang mataas na uri ng prinsipe?

"It's okay. Susubukan ko nalang ulit na makabalik sa kwarto ko. It's my fault kung bakit nangyari pa ito kasi hindi ko alam. You two don't have to bother anymore and I'm sorry for the disturbance." sabi ko at bahagyang yumuko bago tumalikod.

Nagtungo ako sa pinto at akmang lalabas na nang bigla itong nagsara ng malakas. I stepped back at napahawak sa dibdib ko dahil sa gulat.

"You will stay here." mariin na utos ni Laurent.

Tinignan ko siya pero naglalakad na ito at binuksan ang isang pinto bago pumasok dito.

Bumaling ako kay Selera at kumunot ang noo ko nang makitang nakangiti ito ng nakakaloko.

"Oh, well, have a nice sleep." sabi niya at lumapit sakin. Bahagya akong napaatras nang bumulong siya sa tenga ko, "For a human teenager, surely, this isn't your first time sleeping in someone else's room."

Pagkatapos niyang sabihin iyon ay dumiretso na siya sa pinto at tuluyang lumabas.

Napatanga naman ako sa sinabi niya. Ganoon ba ang tingin niya sa mga taong nasa edad ko? Well, news flash for her, it is my first time! At hindi ko ito binalak.

Hindi ako gumalaw sa kinatatayuan ko at tinitigan muna ang buong kwarto. Siguradong hindi ito isang kwarto lang dahil ibang iba ito sa kwarto ko. Masyadong malaki ito at mataas.

The Last Intruder (Legend of the Stars #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon