Chapter Seventeen

716 34 2
                                    

Sountrack for this chapter: Moonlight on the Dreamland

***

Beautiful

Napasinghap ako sinabi niya tumingin muli sa kalangitan.

"Magdesisyon ka ng mabuti, Theana. Kung tatanggihan mo ang propesiya ang magkakaroon ulit ng digmaan at babalik muli ang wand sa mundo niyo.."

Humawak siya ng mahigpit sa kanyang baston na parang nahihirapan na.

"Ito ang aking huling pagbubuklad ng propesiya. Masyado na akong matanda para maghintay ulit ng napakahabang panahon.." tumingin siya sakin, "Ikaw ang huli kong masasabihan ng katotohanan."

Kumunot ang noo ko at hinawakan ang kanyang kamay na nakahawak sa baston. Maigi ko siyang pinagmasdan. Pakiramdam ko, hindi lang siya isang tagapagpangalaga ng propesiya. May iba pa siyang katauhan.

"C-Chloris? Sino ka ba talaga?"

Ngumiti siya at umiling.

"Hindi na importante kung sino talaga ako pero ito ang tatandaan mo.." hinawakan niya ang kamay kong nakahawak sa kanya, "Gagabayan kita. Marami ka pang bagay na malalaman at wala na ako sa lugar para sabihin sayo ang mga iyon.."

"At ako?"

Umiwas ako ng tingin sa kanya, "Mag-isa kong dadalhin ang katotohanan. How can I even do something?"

Hinawakan niya ang mukha ko at binalik ang tingin ko sa kanya.

"May isang hari ngayon na nagluluksa at nag-iisa at habang buhay may dadalhing sakit mula sa kanyang nakaraan. Isa ang kaharian niya sa limang matataas. Matutulungan ka niya.."

Isa sa limang kaharian. Isang hari. Inalala ko ang mga hari noon sa opisina ng headmaster at isa lang ang nakita kong naiiba sa ibang mga hari. Ang haring walang reyna, ang hari na malungkot akong nginitian noon.

Pinagmasdan ko ang mukha ni Chloris na mahinang tumango. Para bang alam niya ang iniisip ko.

Binitawan niya ang kamay ko at humakbang pabalik sakin. Tumingin siya langit at bumuga ng hangin na parang tuluyan na siyang makakahinga ng maluwag.

"Ah, oras ko na." mahinang sambit niya.

Tumingin siya sakin at marahang ngumiti.

"Paalam, Theana. Sana ikaw ang huling makakapasok at makakapag-ayos ng lahat."

Unti-unting lumiwanag ang katawan ng matanda. Ngayon, alam ko ng hindi siya parte ng paaralan. Nandoon lang siya para sabihin sakin ang lahat at ang kailangan kong gawin. At kung kaya ko nga bang gawin iyon.

Bago ko pa siya sinubukang hawakan ay bigla akong natumba. Pero walang lupang sumulubong sakin at tila bang nahuhulog ako.

Ilang segundo pa ay tuluyan na akong nakahiga sa lupa na parang kakatumba ko lang. Tumingin ako sa paligid ko.

Nasa paaralan na ulit ako at nasa harapan ko ang punong pinasukan namin kanina. Tumayo ako at hinawakan iyon.

Alam ko na ang buong katotohanan. At dinala niya ako sa lugar na iyon para doon isiwalat ang kabuoan. Pero nasa akin parin ang desisyon kung hahanapin ko yung korona at itungtong ito sa trono kahit buhay ko pa ang posibleng magiging kapalit kagaya ng nangyari sa first intruder na namatay para doon o hahayaan ko nalang ang lahat.

Hihintayin ko nalang na makabalik ako sa mundo ng ligtas at hayaan ang mundong ito na magkaroon ulit ng digmaan at pagtapos nun ay may papasok ulit galing sa mundo ko para susubukang tuparin ulit ang propesiya. Inisip ko rin, hindi lang ito tungkol sa mundo nila kundi pati na rin iyong sakin.

The Last Intruder (Legend of the Stars #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon