Stolen Wand
Mabilis akong tumakbo papalapit kay Dalia na hanggang ngayon ay nakapaslak pa rin sa lupa at sumisigaw pa rin ito habang tinutukot ang tingin sa iba't ibang direksyon. Gumagalaw rin siya na parang bang may sinusubukang ialis sa katawan.
"Dalia.."
Lumuhod ako sa harapan niya at hinawakan ang isang braso niya para pigilan siya sa paggalaw. Napasinghap ako mabilis na inalis ang palad ko sa braso niya, sobrang init niya. Parang humawak lang ako ng isang bakal ma pinainit.
Bahagya akong lumayo sa kanya. Patuloy pa rin siya sa pagwawala at pagsisigaw, puno ng puot ang mga mata niya at namumuti ang itsura at balat niya.
Nakakatakot siya.
Nagsimula ng magtaasan ang mga balahibo ko at bahagya akong nanginig sa itsura niya.
"Tabi!"
Napalingon ako sa sumigaw at nakita sina Arawn, Vaia, Selera at Laurent na papunta sa direksyon ko. Nanginginig na tumayo ako sa pagkaluhod at tumabi.
Nangungunang lumapit si Selera at lumuhod sa harap ni Dalia at nilagay ang palad nito sa tapat ng noo nito. Si Vaia ay nanatiling nakatayo at seryosong nakatingin dito habang si Arawn ay nakaluhod din at hinawakan ang dalawang braso ni Dalia para pigilan ito sa pagkakawala at parang hindi man lang nakaramdam ng init nito.
Hinanap ng mga mata ko si Laurent at nakita itong ilang metro ang layo sa amin. Walang emosyong nakatingin lang ito sa grupo nito habang kampanteng nakatayo. Suot pa rin nito ang damit na suot niya kagabi.
Dumako bigla yung tingin niya sakin. Ilang segundong nagkatinginan kami bago ako umiwas at ibinalik kay Dalia ang tingin ko.
"She's been cursed.." mahina ang pagkakasasabi ni Selera habang kalmadong inilabas ang wand niya.
Humarap si Vaia sa kanya at nalilitong tinignan ang nagwawala parin na si Dalia, "..in the open field?" tanong nito.
Bahagyang tumingin tingin sa paligid si Arawn, "Who would curse a princess?" hindi makapaniwalang sambit ni Arawn.
Tinuro ni Selera yung wand sa tapat ng dibdib ni Dalia bago ito nagsalita ng pabulong, "uz málintê.." huminga ito at bahagyang umiling iling.
Seryosong tinignan niya ang mga kasama.
"I can't recover it. Kailangan natin siyang dalhin sa Healers, hindi basta sumpa ang inilagay sa kanya."
Tumayo sila isa-isa. Mabilis binuhat ni Arawn si Dalia at biglang nawala sa kinatatayuan nito, nawari ko na tumakbo pala ito ng sobrang bilis papunta sa naglalakihang pasilyo. Mabilis namang sumunod sina Selera at Vaia. Nag-umpisang maglakad rin si Laurent at sumunod pero bago pa siya tuluyang makaalis ay bumaling siya sakin.
"Enoch, stay here and watch her." malamig na tugon nito bago umalis at sumunod sa mga kasamahan nito.
Lumingon muna si Enoch sakin na susunod na sa grupo nito bago tinanguan si Laurent at nag-umpisang naglalakad papalapit sakin.
Sinundan ko ng tingin ang grupo hanggang sa tuluyan na silang mawala sa paningin ko.
Napahawak ako sa dibdib ko at pinakalma ang sarili.
Hindi mawala sa isip ko ang mukha ni Dalia na nagwawala kanina. Puno ng hirap at galit ang mga mata nito. Parang hindi siya yung Dalia na palaging nakangiti at masaya. At ano? Sinumpa?
"I wouldn't be so surprised anymore."
Napalingon ako kay Enoch na kalmadong nasa tabi ko at nakatingin din sa daang tinahak ng grupo nito.
BINABASA MO ANG
The Last Intruder (Legend of the Stars #1)
FantasyLegend Of The Stars #1 (Completed) •Alignments Theana Khione was never someone who holds power. She is the girl who chose to be powerless, completely invisible, breakable, and alone. But, when the glinting world crumbles, all are on it's last seek f...