Soundtrack for this chapter: Mists of Avalon by BrunuhVille
**
Axiom
Naramdaman ko ang sarili ko na bumagsak sa lupa. Binuksan ko ang mga mata ko at napaungol ako dahil sa ilaw na sumalubong sakin.
Tahimik ang paligid ko. Unti-unti kong inangat ang sarili ko sa pagkakahiga at napahawak ako sa ulo ko. Umiikot ang paningin ko dahil sa bilis ng mga pangyayari.
Napabaling ang atensyon ko sa bagay na parang nakatutok sa mukha ko. Matalim ang dulo nito, inangat ko ang tingin sa taong may hawak nito. Napausog ako.
Hawak ito ng isang taong nakasuot ng tila bakal na kasuotan. Nagmumukha itong nakasuot siya ng sandata. Nakasarado rin ang mukha niya at mata lang ang nakikita. May kapa siyang kulay ginto sa isang braso niya na nakaukit ang parang sagisag ng bituin na napapalibutan ng apat pang maliliit at nakahawak siya sa isang mahabang espada na nakatutok sa mukha ko.
Napausog pa ako nang makitang madami silang nakapalibot pa sakin at nakatutok rin ang mga espeda nila. Nakatitig sila nang may pagsususpetsa sa mukha.
"Ipaalam mo ito sa hari." sabi ng isa sa kanila.
May isang tumango at umalis sa posisyon nito. Tumakbo ba siya papasok sa isang malaking gate na nasa likuran nila.
Doon ko lang napagtantong nasa labas ako ngayon ng malaking palasyo at ang mga taong ito ay mga kawal. Napaangat ang tingin ko sa matataas na mga tore ng palasyo. Nakaukit sa mga ito ang iba't ibang tila kulay ginto na mga bato. Hindi ako makapaniwala. Halos hindi na kita ang tuktok nito dahil natatabunan na ng mga ulap.
Gawa sa kulay ginto at puti ang kulay ng mga pader ng palasyo. Sobrang laki nito. Napakurap ako dahil sa pagkamangha. Ngayon lang ako nakakita ng palasyong ganito kalaki at kataas.
Sa ilalim ay ang malaking pintuan na pinasukan kanina ng isang kawal. Sa gilid ko ay pawang mga estatwa ng dalawang tao. Isang lalaki at babae, maaari ay ang hari at reyna.
Nakapaligid ang mga hardin ng pula at puting rosas sa paligid. Sa tuktok ng gitnang tore ay may isang bandilang binabaybay ng hangin. Parang metal na ginto ang kulay nito at nakaukit rin dito ang sagisag ng limang bituin. Sa ibang mga tore nito ay may mga eskultura ng ibon at kabayo.
Ang lugar na ito, parang sa panaginip ko lang ito pwedeng makita noon. Ngayon ay nasa harapan na ako nito. Hindi ako makapaniwala.
Napahawak ako sa dibdib ko dahil sa bilis ng pintig nito.
Nakapalibot pa rin sakin ang mga espeda. Dahan-dahan akong tumayo habang tinatabunan ng buhok ko ang mukha ko. Hinayaan lang nila akong tumayo. Bahagyang nangatog ang mga binti ko.
Nakasuot parin ako ng uniporme ng paaralan. May bahid ng dumi na ito dahil sa pagtakbo namin ni Dalia sa mga damuhan at may galos rin akong natamo sa binti. Hinawakan ko nang mabuti ang bag na ibinigay sakin ni Selera. Hanggang ngayon ay wala parin akong ideya kung ano ba ang laman nito at kung bakit ibinigay niya sakin ito.
Napasinghap ako. Dinala ako ni Selera sa isang palasyo. Bakit dito niya ako dinala?
"Anong ginagawa ng isang estudyante dito sa palasyo ng Axiom?"
Napaangat ang tingin ko sa kawal na nagsalita. Nakatuktok ng maigi ang espeda niya sa mukha ko. Axiom?
Napabaling ako sa palasyo. Ito ang Axiom.. ibig sabihin nandito siya.
"Sumagot ka!" sigaw niya.
Nanatili akong tahimik. Hindi ko alam ang sasagutin ko sa kanya.
Akmang lalapit na siya sana sakin nang may biglang isang tunog ng ibon ang nakapagpatigil sa kanya. Tumingin siya sa harapan.
BINABASA MO ANG
The Last Intruder (Legend of the Stars #1)
FantasyLegend Of The Stars #1 (Completed) •Alignments Theana Khione was never someone who holds power. She is the girl who chose to be powerless, completely invisible, breakable, and alone. But, when the glinting world crumbles, all are on it's last seek f...