Chapter 2: Who to Trust?

1.9K 40 15
                                    

Chapter 2: Who to Trust?

 

{ Kyra’s POV }

 

Napabuntong hininga kaming tatlo ni Ash at Trisha ng makita naming isang lalaking medyo matangkad lang pala ang pinagkakaguluhan kaya tili ng tili ang mga babae dito sa hallway. Napairap si Ashley kahit naman na ako. Pabalik na sana kaming tatlo sa kwarto ng marinig kong may sumigaw ng pangalan ko.

“ATE KYRAAAAA!” napalingon ako sa maingay na nagiskandalo ng pangalan ko. Hindi na ako nagulat ng makita ko ang pinsan kong si Alexandra. Napairap ako at nginitian siya ng may pagka sarcastic. May kasama siyang cute na maliit na babae na mukhang Barbie.

“Dito ka na rin pala ate mag s-school?” tuwang sambit ni Alex. Umirap muna ako at bumuntong hininga bago sagutin ang nakakabobong tanong ni Alex.

“hindi. Dito na ako titira. Bahay to eh.” Sarcastic kong sagot sa kanya. Napa pout naman siya pero agad din yung napalitan ng ngiti. Napansin kong kanina pa nakatingin sa akin yung babaeng mukhang Barbie at tila na-aamaze siya.

“Hi ako pala pinsan ni Alex, Kyra Vincento.” Bigla siyang ngumiti ng napakalapad at agad na tinanggap ang kamay ko at nakipag handshake. Ang hyper niya, swear. “A-ako nga pala si ano! Si Shiomi Sasamiya!” natawa na lang ako dahil sa kahyperan niya at ipinakilala ang dalawang kasama ko.

“Si Trisha Jung nga pala tsaka si Ashley Gonzales.” Nagusap silang tatlo habang tahimk lang si Ashley habang kanina pa siya may tinitignan. Napatingin din ako dito at pansin kong yung matangkad pala na lalaki ang kanina niya pa tinititigan.

“Crush mo Ash?”panunukso ko sa kanya pero hindi siya umiimik. Tinititigan niya lang ito habang palingon lingon naman dito ang lalaki. Nagulat na lang ako ng bigla siyang tumakbo papalapit sa amin. Naks! Hindi ko inaasahayan yun ah. Napansin niya ba ang kagandahan ko?

“Hi kuya Trippy!” bati sa kanya ni Alex. Trippy pala name niya? Ang cool ha. Parang pang basagulero na pangalan. Ngumiti siya kay Alex at ngumiti din sa amin. Nagulat ako ng bigla niyang yakapin si Ash. Hindi na nagulat si Ash at dahan dahan siyang ngumiti. Yumakap rin siya pabalik at pabirong hinampas sa dibdib yung Trippy nang maghiwalay sila sa pagkakayakap.

Anonymosities: New GenerationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon