A Blast from the Past.

683 22 8
                                    

A Blast from the Past

A/N: this is just a flashback answering the unanswered questions about the real identities of Kyra and Red.

------------

May grupo nang mga bata ang masayang naglalaro sa tabi nang ilog. Masaya silang naglalaro sa tubig habang ang iba ay palangoy langoy lang. nakatingin sa kanila ang isang batang may mahaba ang buhok at nakayakap lang sa manika niya.

Deacon bakit malungkot ka diyan? Tara maligo na tayo!” inanyayahan siya nang batang nakangiti. Tumingin lang siya rito at umiling. Napahigpit ang yakap niya sa manika nang hilahin siya ni Kyra at Red.

“Deacon maligo na tayo! Ikaw na lang diyan nasa tabi eh!”

“oo nga! Tama si kambal! Tara na!”

Pero walang nagawa si Deacon kundi sumama na lang at hayaan ang magkambal na basain siya. Nung una ay ayaw na ayaw niya pang makipaglaro sa ibang mga kaibigan niya pero nang tumagal ay nagsimula na rin siyang magtampisaw sa ilog at nakipaglaro na rin siya sa iba nilang kasama.

“mga bata tama na muna yan! Kumain na kayo.” Masaya silang nagsiakyatan sa cottage sa itaas nang ilog at naupo sa isang malaking lamesa. Nakatayo sa gitna sa harapan nang malaking cake ang kambal na sina Red ay Kyra habang katabi naman nila si Alexis at Shin.

“Happy birthday Red! Happy Birthday Kyra!”

Sabay na hinipan nang kambal ang mga kandilang nakapalibot sa kanilang cake. 12 years old na sila at ilang buwan na lang ay magiging highschool na sila. Nagyakapan silang dalawa at nagsimula nang kumain ang lahat.

Ilang oras matapos sila kumain ay nagsibalikan na sila sa ilog para maglarong muli at maligo. Masayang nagbababad sa tubig ang lahat nang marinig nilang umiiyak na si Deacon. Napatingin sa kanya sila Kyra at napansin nilang wala na ang kanyang manika.

“Dea anong nangyari?!” nagsilapitan na rin ang iba nilang kaibigan na sina Ashley, Jewel, Kystal, Trisha at ang ate niyang si Farrah, Shin, Alexis, Lance, Walter, Winter, Hans, Taylor, Shiomi, Garnet, Alexandra, Trippy, Kira,Keizer, at Skyler  sa umiiyak na si Deacon. Lahat sila alalang alala lalo pa’t mukhang hindi sila naririnig nang mga magulang nila.

“Y-yung manika ko k-kasi! Inanod s-sa ilog!” pinagtawanan na lang siya nang iba nilang kaibigan na agad namang sinigawan ni Kyra.

“Bakit niyo siya pinagtawanan?! Halika na, akyat na tayo Deacon.” Nagkatinginan na lang ang mga natira at bumalik na lang sa pagligo. Nang makaakyat na si Kyra at Deacon ay hinatak niya papasok si Deacon sa kwarto niya at kinuha ang isang manikang bago pa.

“regalo yan sa akin nang tita ko pero ibibigay ko na lang sa iyo.” Naka ngiti niyang sabi kay Deacon. Nanatili lang itong nakayuko at hindi tinitignan ang manika o si Kyra. Yumuko si Kyra para tignan si Deacon at natawa na lang siya dahil namumula ito.

“Wag ka nang mahiya, diba friends naman tayo?” nakangiti niya pa ring sabi. dahan dahan nang inangat ni Dea ang kanyang ulo at hinawakan ang manika. Niyakap niya agad ito at si Kyra. “Thank you, bestfriend.

-------

“Bye Kyra! Bye Red!” nagsiuwian na ang mga magkakaibigan at pumasok na ang kambal sa kanilang bahay. Agad na umakyat si Kyra at Red sa kanilang kwarto para buksan ang mga regaling natanggap nila. Buks lang sila nang bukas hanggang sa isang regalo ang natira. Wala itong pangalan kung kanino ito kaya nag agawan sila.

Anonymosities: New GenerationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon