Chapter 14: Sisterhood.
{ Third Person’s POV }
Kanina pa nagpupumiglas si Deacon kahit wala siyang makita. Kahit hindi niya nakikita ay alam niyang may kasama siya sa kwartong kinalalagyan niya....ang tanong, sino nga ba ang kasama niya?
“a..at…te..” sindak ang agad na naramdaman ni Deacon nang marinig ang nanghihinang boses nang nakababatang kapatid. Muli siyang nagpupumiglas hanggang sa nahulog ang panyong nakatakip sa mata niya. Hindi nga siya nagkamali at si Porche nga ang kasama niya.
“Tang ina naman Portia! Anong ginagawa mo rito!?” sabihin na nating nagagalit siya sa kapatid niya pero hindi matatanggal ang pagmamahal na nararamdaman niya para rito kahit hindi niya ito totoong kapatid. Napatingin siya sa brasong nakapulupot sa leeg nito.
“a-ate..t.tulungan m…mo ak…ako..” mas lalong nainis si Deacon kaya mas nagpumilit siyang makatakas. “Tang ina Portia! Pag ako talaga nakawala dito babatukan kita!” pero hindi na nakasagot si Portia. Tanging pag-iyak na lang ang naririnig ni Dea.
“H-hoy punyeta…a-anong nangyari sayo?” kinakabahan niyang tanong. Biglang lumabas ang isang pigura mula sa dilim at nakasuot ito nang itim na jacket at maskara ng demonyo.
“BITAWAN MO ANG KATAPID KO! TANG INA KA! SINO KA?!” galit na pagsisigaw ni Deacon pero hindi siya pinansin ng salarin at pinaglaruan pa ang umiiyak na si Portia. Sinugatan niya ang pisngi nito kaya mas lalong nagalit si Deacon.
“pakawalan mo ako dito nang mapatay kitang kayop ka!” pinagtawanan lang siya nang salarin. Punyeta! Paano niya nagawa sa amin to?! Gulat niyang bulalas sa isip niya. Boses pa lang, kilalang kilala na niya ang salarin.
Gulat siyang napatingin sa tali na nakakabit sa kamay niya. Nakalas niya ito dahil sa pagpupumiglas niya. Agad siyang tumayo pero napatigil siya nang maramdaman niya ang hapdi sa talampakan niya. Napatingin siya sa sahig at halos masuntok na niya ang dingding nang mapansing napapaligiran sila nang mga bubog.
BINABASA MO ANG
Anonymosities: New Generation
AksiA group of teenagers became the toys of the ruthless psycho-gang, Anonymosities. How would they survive the game they don't even know how to play? Cover made by: @sam09zel